ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne JuntillaChapter 15 ( FINALE)
Dahan-dahang tinanggal ni Ryan ang takip sa kabaong, gamit ang pala. Hanggang sa natanggal ang isang piraso.
"Ryan, maraming salamat! Si Lester."wika ko, habang tumutulong ako para mapabilis ang pagkatanggal sa mga kahoy na, nakaharang sa aking harapan.
" Anong nangyayari ate Yhan?"pagtatakang tanong ni Ryan.
"Saka ko na ipaliwanag Ryan, tulungan muna natin si Lester. "
"Nasaan si Lester, ate Yhan?,"
"Dito lang iyon sa tabi. "
Nagmadaling nag-hukay si Ryan, at ako naman ay panay ang tadyak sa mga kahoy. Hanggang sa maalis ang lahat at nakalabas ako sa kabaong.
"Lester! Lester....!" sambit ko."Lester...! " sabat ni Ryan.
"Dito ako!"tugon niya.
Agad naming hinukay si Lester, si Ryan ang kumamit sa pala, at ako naman ay ang aking kamay. Hanggang sa nakita namin ang kabaong ni Lester. Tamang-tama naman ang pag dating ni Charles.
" Hoy! Akala ba niyo ay matakasan ninyo ako!"galit na boses ni Charles.
"Bilisan mo Ryan!" utos ko.
Patakbong bumalik si Charles, sa may kubo at kumuha ito ng baril. At tama naman na sa kaniyang pagbalik ay nabaklas na ni Ryan,ang isang kahoy.BANGGG!
BANGGG!
Dalawang putok ang pinakawalan ni Charles. At napasigaw ako, dahil muntik na kaming matamaan ni Ryan.
At si Lester,kahit nanghihina ay pilit pa rin na kumilos para matulongan kami.
"Sino kang pakialamerong nagpangahas na sirain ang mga plano ko!?"pasigaw na boses ni Charle.
"Charles,huwag mo ng idamay ang ibang tao dito.!"wika ko.
"Huwag!? Bakit huwag Sweet,sinira niya ang mga plano ko. Dapat sa kaniya ay unahin!"
BANGGGG!
"AHHHH.....! AHHHH....! "
Pagsisigaw ni Ryan, dahil binaril siya ni Charles,at natamaan ang kaniyang paa.
"Ryan.....!"patakbo kong sigaw at nilapitan ko siya.
"Hahaha.....! Sa susunod kong putok ay sisiguraduhin kong sa ulo muna tatama. " parang baliw si Charles, habang sinasabi niya iyon.
"Charles! Tama na, ang dami ng nadadamay!"sigaw ko.
" Wala akong pakialam! Mas mabuti nang lahat kayo manahimik!"tugon niya na parang wala ng pakialam sa mundo.
"Sige Charles, unahin mo na ako! Dahil ako naman ang dahilan ng lahat!" wika ko.
Pero sa totoo, nakaramdam ako ng takot. Lalo na't wala pang linaw ang pagkamatay ni Lezlie, at nag-alala ako sa aking mga magulang, paano nalang kung pati ako ay mawawala sa kanila.
Samantala ay nakalabas na rin si Lester, sa loob ng kabaong. At nakita niya ng kalabitin ni Charles ang hawak niyang baril.
"Yhannaaa.........!"
BANGGGGG!
Sabay kaming tatlong bumagsak sa putik. Dahil tinalon kami ni Lester, para hindi matamaan sa bala. Naawa ako sa kaniya, dahil kahit mahina siya ay nagawa pa niya kaming sagipin sa bingit ng kamatayan.
"Ahhhhhhh!" galit na sigaw ni Charles na tumalon-talon pa ito. At sinabunutan niya ang kaniyang sariling buhok.
"Bakit ba ang hirap ninyong patayin ha!?" dagdag pa ni Charles.
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?