CHAPTER 1

898 22 5
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 1

BAWAT UMAGA ay lagi kaming magkasama ni Lezlie sa paglabas ng bahay. Dahil ako ang naghahatid sa kaniya, kung saang University siya pumapasok.

"Lez...! Bilisan mo na at aalis na tayo."

"Opo! Ate Yhan."

"Mauna na ako sa kotse,sunod kanalang."

"Sige po!"

Pagganitong oras kami nalang ng aking kapatid ang naiiwan sa bahay. Dahil maagang umaalis ang aming mga magulang. Pareho ang kanilang trabaho, mga guro sila sa elementarya sa isang baryo dito sa bayan. Hanggang sa makaalis na kami..

"Salamat ate!"sabi ni Lezlie bago siya bumaba at humalik sa aking pisngi.

"Welcome! Mag-ingat ka sis."bilin ko sa aking kapatid.

"Opo!"

Bago ako umalis ay siniguro ko muna na nakapasok na ang aking kapatid sa kanilang campus.

At ako naman ay tumuloy sa hospital kung saan ako nag-tatrabaho. Hanggang sa makarating na ako. At Agad na pumasok sa aking room. Nang makapasok na ako ay bumungad sa akin ang mga bulaklak na naka patong sa aking lamesa. At nahulaan ko na iyon,galing sa super duper sweet kong nobyo. Hindi lang sweet si Charles ubod ng guwapo pa at halos hindi makabasag baso sa kaniyang ka pormalan. Binasa ko ang laman ng kaniyang pinadalang note.

"Good morning my beautiful kisses! I♡U!"laman ng note.

Araw-araw akong pinaramdam ng kilig ni Charles. Kaya lalo ko siyang minahal. Agad ko siyang tinawagan para magpasalamat sa mga bulaklak.

Kringggg...... My kisses.....calling...

"Hello kisses!"boses ni Charles sa kabilang linya.

"Hi kisses! Thank you so much sa morning roses."tugon ko sa kaniya.

"Welcome kisses! Gusto mo magdinner tayo mamaya sa labas?"alok niya sa akin.

"Okay lang kisses. Sundoin mo nalang ako sa bahay mamaya."tugon ko at natapos ang aming pag-uusap

Pag sapit ng hapon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Lezlie.

"Bakit kaya tumatawag ito?"tanong ko sa aking sarili.

"Hello Ate Yhan?"

"Yes sis,napatawag ka?"

"Ate late ako maka-uwi mamaya. Dahil may project kami na dapat naming e-research. Mauna ka nalang Ate."

"Mga anong oras ba kayo matapos?"

"Baka mga ala siyete siguro Ate Yhan."

"Okay sige pupuntahan nalang kita mamaya."

"Huwag na ate mag-taxi nalang ako."

"Okay sige mag-iingat ka sa pag- uwi."

"Opo!"

PAGSAPIT ng hapon ay hindi ko na hinintay si Lezlie at nauna na ako sa pag-uwi. At iniisip ko rin ang dinner namin ni Charles. Nang makarating ako sa bahay. Tanong agad ang sumalubong sa akin mula sa aking ina.

"Yhany,nasaan ang kapatid mo?"tanong ni Mama sa akin. Yhany ang tawan nila sa akin pagnaglambing.

"Late,daw ang uwi niya Mama."sabay ko halik ko sa pisngi ng aking ina.

Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon