ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla
Chapter 12
HALOS hindi makahinga si Lester sa mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay katapusan na nang kaniyang mundo.
Si Charles nama'y pabalik-balik sa paglalakad habang nag-iisip sa kaniyang susunod na mga hakbang. Na para itong masisiraan ng kaniyang bait, halos nilulunok na niya ang lahat ng usok sa sigarilyong kaniyang hinihithit.
"Mga manluluko! Walang sinumang makakaagaw sayo Yhanna,akin ka lang! Akin lang!."wika ni Charles.
SAMANTALA ay sa araw na iyon,panay ang tawag ko kay Lester. Pero nagtaka ako dahil walang sumasagot kaya nag-alala na ako sa lalaki.
"Ano kaya ang nangyayari sa lalaki na 'yon! Bakit ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko? Galit kaya siya?"puro ako tanong sa aking sarili. Dahil wala akong ibang naisip ay tinawagan ko si Ryan.
"Kringggg...... Calling from Ate Yhanna."
Agad naman akong sinagot ni Ryan.
"Hi! Ate Yhan."boses ni Ryan.
"Kumusta Ryan?"tanong ko.
"I'm good! Napatawag ka ate Yhan.?"
"Oo, ayaw kasing sumagot ni Lester, sa mga tawag ko, Kaya nag-alala ako"
"Ganoon ba ate Yhan? Sige po subukan kong tawagan."
Pinutol ni Ryan ang aming pag-uusab at agad niyang tinawagan si Lester. Pero tulad ko, hindi rin sinagot ang kaniyang tawag. Kaya napilitan si Ryan na puntahan si Lester sa kanilang bahay.
Bigo si Ryan na makita niya si Lester sa kanilang tahanan at kahit ang kaniyang kapatid na babae ay nag-alala na rin.
"Hindi ko napansin na umalis si kuya noong nakaraan araw. Kasi dito naman ang lahat niyang gamit.
"Wala ba siyang sinabi sa'yo na may pupuntahan siya?"tanong ni Ryan.
"Wala rin."
Umalis si Ryan na walang alam kung saan si Lester, at nag-alala siya para sa kaibigan.
SUMAPIT ang gabi. Nakaramdam na ng malaking gutom si Lester. Dahil tatlong araw na itong nasa loob ng kahon. Buti nalang umulan at kahit papaano ay may mga patak na pumapasok at sinikap niyang maka inum kahit kunti.
"Hindi ako pwedeng mamatay,kailangan pa ako ni Yhanna."tanging sabi ni Lester sa kaniyang isip.
SAMANTALA ay sobrang nag-alala na ako para kay Lester. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita para sa lalaki. Palabas na ako galing trabaho ng makita ko si Charles sa harap ng labasan at kumakaway siya sa akin. Nanibago ako sa kaniyang mukha,dahil para itong galing sa puyat,at nangingitim ang kaniyang mga mata. Nilapitan ko siya.
"Hi sweet! Kumusta kana? Sobra kitang na miss,"wika niya sabay yakap.
"Saan ka ba galing?"tanong ko.
"Nagbakasyon lang."aniya
"Nagbakasyon ka? Hindi ka man lang nag-pasabi sa akin!"pagtatampo ko sa kaniya.
"Ayaw kasi kitang gambalin. Masyado ka kasing na busy sa paghahanap kay Lezlie"aniya.
"Nagkasakit ka ba?"tanong ko.
"Haaa!aah-wala naman Sweet. Lagi lang pagod."
"Ganoon ba."maikli kong sagod. Pero hindi niya ako mapaniwala sa kaniyang sinasabi. Pakiramdam ko may itinatago si Charles sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?
