CHAPTER 13

606 30 4
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 13

"Bakit ka natatakot Sweet?"tanong ko,dahil nagtaka ako sa kaniyang mga ikinikilos at nakita ko rin sa kaniyang mukha ang pamumutla.

"Aaa--ano kasi Sweet! Baka mapahamak ka. Baka saktan ka ni Lezlie!"kandautal niyang sagot.

"Hindi ako sasaktan ng aking kapatid Charles,mahal ako ni Lezlie,hindi niya ako kayang saktan. Kung natatakot ka, ay huwag kanang sumama."wika ko,sabay alis ko sa kaniyang kamay.

Nagtuloy ako sa itaas at sumunod naman ang aking mga magulang. Pero si Charles ay hindi ko napansin na sumunod. Nang makapasok na kami sa kuwarto ng aking kapatid ay agad kong hinahanap kung ano ang nabasag o nasira sa loob. Pero kahit kunting bakas ay wala kaming nakita.

"Ahhhhh.....!"sigaw ni Charles sa ibaba.

"Ahhhhh.....!"sigaw niya ulit.

Napatakbo ako patungong ibaba at nakita kong nakabaluktot si Charles, sa may sulok.

"Sweet,anong nangyari?"tanong ko.

"Iyong-'yung mga pagkain!"sabi niya, sabay turo niya nito na hindi man lang tumitingin.

"Bakit,ano ang meron sa mga pagkain?"pagtataka ko.

"Maraming uod! Maraming-marami!"wika ni Charles na sobra ang panginginig.

Nang nilapitan ko ang pag-kain ay wala naman akong nakitang uod kahit isa.

"Sweet,wala naman,"malumanay kong sabi.

"Hindi! Meron talaga Sweet,kitang-kita ko!"pamimilit ni Charles.

"Halika,tingnan mo."yaya ko sa kaniya,at hinawakan ko ang kaniyang kamay para maalalayan siya.

Saka palang umalma si Charles ng makita niyang malinis ang lamesa.

Dahil sa sobrang takot ay napilitan si Charles, na mag-papaalam sa amin para umuwi na. At hindi ko lang lubos maisip kung bakit siya nagkaganoon. Napansin ko na siya,mula pa noong nawala si Lezlie.

Lumipas na naman ang mga araw,hindi na naman nagpaparamdam sa akin si Charles. At dalawang linggo na rin ang nakalipas na wala pa rin kaming balita sa pagkawala ni Lester. Pero gumawa na ng akasyon ang kaniyang mga kasamahan para hanapin siya.

Samantala ay patuloy pa ring lumalaban si Lester sa loob ng kahon. Sobrang gutom na ang kaniyang nararamdaman. Pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa.

"Ano! Buhay ka pa ba?"boses ni Charles.

"Sino ka! Isa kang duwag,palabasin mo ako rito!"sagot ni Lester.

"Hahaha...! Palabasin!? Para ano? Para hayaan ko na patuloy ninyo akong pagtataksilan?"ani Charles.

Dahil sa sinabi ni Charles ay nakilala siya ni Lester.

"Hayop ka! Humanda ka sa akin Charles,pag-makawala ako dito! Dahil ako ang papatay sayo!"gigil na boses ni Lester.

"Masyado kang pakialamero! Pati syota ko gusto mong agawin sa akin! Pero hindi mo na magagawa iyan,dahil magpapakasal na kami."

"Hahadlangan kita Charles! Hindi pwedeng matuloy ang kasal na iyan!"

"Loko! Paano mo kami hahadlangan! Ngayong nasa loob kanang kabaong. At para siguradong wala kang magagawa,ililibing nalang kitang buhay!"

Pagkatapos mag-salita si Charles ay kumuha ito ng pala,sabay bungkal niya sa lupa. Dahil tumunog ang kaniyang mobile ay humihinto muna siya sa kaniyang ginagawa para tingnan ang tawag.

Calling........ Sweet Yhanna..

Nagdadalawang isip si Charles kung sagutin ba niya ito. Pero ang dahilan ko sa pagtawag ay para makausap ko siya ng personal. Dahil gusto kong sabihin sa kaniya na huwag munang ituloy ang kasal. Sapagkat ay nagdadalawang isip pa ako.

"Hello Sweet,napatawag ka?"boses sa kabilang linya.

"Nasaan ka ba? Ilang araw kanang hindi nagpapakita sa akin. At ilang beses kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko."tanong ko sa kaniya.

"Paumanhin Sweet,marami lang akong inaayos para sa kasal natin."pagsisinongaling niya.

"Sigurado ka? Kung inaayos mo, bakit hindi mo ako isinasama sa mga lakad na iyan? Baka nakalimutan mo na tayong dalawa ang ikakasal!"napipikon kong tanong.

"A-Ano kasi Sweet,ayaw ko na mapagod ka."

Sa mga pagdadahilan ni Charles,ay alam kong nagsinungaling siya sa akin.

"Ganoon ba!? Pwede ba tayong magkita bukas ng tanghalian? May importante tayong pag-uusapan tungkol sa kasal natin."

"Ha! Aaaah.... Okay Sweet, pero huwag sa bahay ninyo ha. Dahil natatakot ako."sagot ni Charles.

Palaisipan sa akin ang sinabi niya.

"Bakit Sweet? Anong masama kung sa bahay tayo mag-usap?"tanong ko.

"Natatakot ako Sweet."aniya.

"Kanino ka natatakot?"pagtataka ko.

"Kay Lezlie! Lagi siyang nagpaparamdam sa akin."

" Ano!? Bakit Charles may kinalaman ka ba sa pagkawala ng aking kapatid?"

"Naku! Wala Sweet. Bakit naman napunta ang usapan diyan?"tugon ni Charles.

Pagkatapos naming makapag-usap ay bigla nalang bumalik sa aking alaala ang lahat. Simula sa araw nang mawala ang aking kapatid. At iyon rin ang araw na hindi siya nakarating sa bahay. At ang kalmot sa kaniyang leeg at ang sunod-sunod na pagkamatay ng kaniyang mga kaibigan.

"Hindi kaya'y may kinalaman si Charles sa pagkawala ng aking kapatid?"sa isip ko.

Kinabukasan ay nagkita nga kami ni Charles,at pinuntahan niya ako sa aking pinapasokan.

Sa loob ng kaniyang sasakyan ay pinapakiramdaman ko ang bawat kilos ni Charles. Sobrang tahimik lang niya.

"Ihinto mo muna Charles,"pakiusap ko sa kaniya at ipinarada naman niya sa gilid ng kalsada.

"Ano ba ang pag-uusapan natin Sweet?"

"Sana huwag mong masamain Sweet,huwag muna nating ituloy ang kasal natin."sabi ko sa mahinang boses.

"Bakit! Dahil may iba kanang mahal!? Dahil ba kay Lester ha! Sagutin mo ako!"

"Nasasaktan ako Charles! Bitawan mo ang braso ko.!"nabigla ako sa ginawa ni Charles sa akin.

Sobra akong nasaktan sa pagkahawak niya sa akin,at hindi ko inaasahan na bigla niya akong sisigawan.

"Akala mo na wala akong alam sa inyo ni Lester!? Manloloko kayong dalawa!"

"Ano bang pinagsasabi mo! Paakkk..!"sabay sampal ko sa kaniyang mukha.

Dahil wala akong alam sa kaniyang mga ibinibintang sa amin ni Lester. At dahil sa pagkasampal ko sa kaniya ay mas lalong nagalit si Charles sa akin. Parang umaapoy ang kaniyang mga mata habang nakatitig siya sa akin.

"I'm so-sorry. Nabigla lang ako."sabi ko.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan at halos paliparin niya ito.

"Charles,dahan-dahan lang,baka mababangga tayo!"

Pero hindi pa rin siya nakikinig at mas lalo pa niyang pinabilisan ang takbo.

"Charles, ano ba!"bulyaw ko sa kaniya sabay hawak ko sa kaniyang kamay,at bigla niya akong kinabig.

Dahil sa lakas ng pagkakabig niya sa akin ay tumama ang kaniyang kamay sa aking labi. At pumutok ito,dahilan sa pagdudugo......ITUTULOY.....




Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon