Chapter 1: POSITIVE!!!

212K 2.2K 115
                                    

----MONDAY--------

 

Kathryn’s POV:

 Diretso akong naglalakad sa hallway papuntang classroom. Hindi ko maintindihan pero feeling ko lutang lang ako, wala sa sarili at parang tangang walang nakikita sa paligid. Hanggang sa nakapasok na ako sa classroom eh ganun pa rin ako.. tulala lang at diretso nang umupo sa aking upuan. Parang wala akong naririnig sa paligid ko, wala ring nakikita, in short wala na akong pakialam sa nakapaligid sa akin. Baka akala nyo nakadrugs ako ha? Hooooy........ hindi naman. Pero sana nga nakadrugs lang ako, pero hindi eh.. mas malala pa jan ang problema ko ngayon :’(

 Flashback:

-----Sunday-------

Kath’s POV:

 Sunday ngayon kakagising ko lang. Naabutan ko sa dining table si Mommy.

 

Kath: Good morning ma (sabay beso)

Min: good morning din anak.

Kath: Si daddy ho ma? Tsaka si Kuya?

Min: Ah ang daddy mo anak nandun na sa office nya, ang kuya mo naman magdedate daw sila ng Ate Shaneen mo.

 

Tumango na lang ako kay mommy. Nakalagay na ako ng fried rice sa plato ko at susubo na sana  pero nang maamoy ko ang ito biglang umasim ang tyan ko at nasusuka na ako kaya dali dali akong nagpunta ng banyo. Nakasunod pala sakin si mommy. Hinagod hagod nya lang ang likod ko.

 

 Min: Kath anak masama ba ang pakiramdam mo?

Kath: Ah, opo ma.. medyo nahihilo nga po ako.

TMin: ganun ba? O sige uminom ka ng gamot ha pagkatapos magpahinga ka lang sa kwarto mo.

Kath: okay mommy..

Min: Sige anak I have to go.. kailangan pa namin magkita ng Tita Karla mo

Kath: Okay ma ingat po.

 

May sariling shop ang mommy ko pero meron rin silang Flower Shop ni Tita Karla. Nagpasya na akong huwag kumain dahil ayoko talaga ng amoy ng sinangag, ewan ko ba pero ngayon lang naman to kasi dati gusto ko naman talaga ang fried rice. Uminom na lang ako ng gatas. Umakyat na rin ako sa kwarto, hindi na rin kasi ako masyadong nahihilo pagkatapos kong makainom ng gatas. Pagpasok ko ng banyo sa kwarto ko ay nahagip ng tingin ko ang stock ko ng sanitary pad na wala pang bawas.. bigla akong napabilang at kinabahan ng malaman kong 3 months na pala akong delayed! OH NO! Wag naman sana.. sana hindi tama ang hinala ko. Naligo lang ako pagkatapos nun eh nagpunta na akong pharmacy para bumili ng ...

 

pregnancy test kit.

 

Pagdating sa bahay agad kong sinunod ang nakasulat na instruction dun. Ngayon nga nakapikit pa ako habang hawak ang PT. Natatakot akong tignan ang resulta..pilit kong nilakasan ang loob ko habang unti-unting minumulat ang mata ko para makita ang resulta. At VOILA...

POSITIVE!!

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon