Chapter 2: Julia's Birthday

176K 1.8K 63
                                    

Flashback:

 

Kathryn’s POV:

 

Saturday night ngayon & nandito ako sa bahay nina Julia, 17th Birthday nya kasi ngayon. Ako, si Miles, at Julia lang ang nandito, ang parents kasi ni Julia ay merong business trip.. sanay na rin naman syang parating wala ang parents nya at naiintindihan nya naman ang mga ito. Pinag-day off nya rin lahat ng katulong nila para naman daw mas makapag-enjoy kami sa party nya. Kami lang din ni Miles ang ininvite nya kasi gusto nya daw mga close friends lang ang makasama nya. Maliban sa amin ni Miles meron pa daw syang inimbitahan na close friends nya din.

 Nandito kami ngayon sa living room at nasa harap namin ang maraming pagkain at inumin. Itong si Julia & Miles kasi ang hilig uminom, ako naman umiinom rin pero konti lang at occasionally lang naman ang pag-inom ko. Tulad ngayon, iinom lang naman ako dahil birthday ni Julia.

*Beep.. Beep*

 

 Julia: Oops.. wait lang mga teh ha bubuksan ko lang ang gate baka sila na yan..

 

 

Tumango lang kami ni Miles kay Julia. Hindi namin alam kung sino yung mga hinihintay nyang friends ayaw nya din kasing sabihin sa amin eh. Ilang minuto lang pumasok na si Julia at nasa likod nya ang mga sinasabi nyang friends na makakaparty namin this night..

guess who....

..ang P5 lang naman! HUWAAAAAAT ang P5????!!!!!!!

Sh*t alam naman ni Julia na galit ako sa mga mokong na yan, lalo na kay DJ noh!!!! Puro sila mayayabang at babaero!!! Ughhhh.. pinukulan ko ng WHAT-THE-FVCK Look si Julia, pero ngumiti lang sya at nag peace sign! Naku naman itong babaeng ito talaga, kaya pala ayaw nya sabihin sa amin kung sino yung ininvite nya pang friends! Haaaaaaaayyyyyyyyyyy pero dahil birthday nya pakikisamahan ko na lang tong mga mokong na ito.

Lester: Oyyyyyy!!!! May chicks pala dito! :) (Sabay tingin sa amin ni Miles)

Duhhhh!!! Kita mo na! Ang babastos talaga! Inirapan ko lang si Lester! Bigla naman sumingit si Sed.

Sed: Julia pre, okay lang ba tabihan namin tong dalawang magagandang binibini dito?
 

Julia: haha! Ewan ko sa’yo Sed sila ang tanungin mo noh! Wag ako..


 

Ughhhh!! Itong si Julia naman nakikisakay pa sa mga mokong na ito.! Hay naku ewan ko ba kung bakit nya naging kaibigan ang mga ito! Ay, oo nga pala sabi ni Julia naging schoolmates nya daw kasi tong mga mokong na ito nung elementary nya at nagkataon din na ninang nya si Tita Karla.

Lester: Yun oh!!!

Sed: Leggo!

 

Dali-daling tumabi sa amin ni Miles ang dalawang mokong na ito. Hinayaan ko na lamang sila, ayoko na lang din magpaka KJ sa birthday ni Julia eh. Sa akin tumabi si Lester at si Sed naman kay Miles.

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon