Pasensya po short UD lang to’
-----------------------------------------------------------------------------
Kath’s POV:
Time Check: 12:05 am
Naalimpungatan kasi ako kung kaya’t napatingin ako sa orasan na nakalagay sa bedside table. Dahil nakaramdam din ako ng uhaw eh agad akong lumabas ng kwarto upang tumungo sa kusina.
Pabalik na sana ako sa kwarto dala-dala ang basong may tubig ng bigla akong napalingon sa sofang kinahihigaan ni DJ.
“Ma...”
Tsss.. nananaginip siguro ang loko. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad diretso sa kwarto nang bigla ko na naman syang narinig..
“Ma.. ang sakit..”
Sa sinabi nyang yun eh agad akong lumapit sa kinaroroonan nya. Namumutla sya.. puno rin ng pawis ang mukha nya.. kinapa ko agad ang noo nya para malaman kung mainit din ba ang katawan nya .. at VOILA! Ang init nya nga!
“DJ?” pagtawag ko sa kanya ngunit ni wala man lamang akong nakuhang sagot sa kanya kung kaya ay tinapik ko sya ng marahan.
“DJ? Gising DJ..”
“Umm..” ungol lamang ang naging sagot nya sa akin
Tinapik ko naman sya ulit para magising sya..
“oy.. DJ? Gising DJ..” pagpapatuloy ko
Pagkatapos pa ng ilang pagtapik ko sa kanya ay unti-unti na rin nyang naimulat ang mga mata nyang halatang nananamlay..
“DJ? Ang init mo. May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya
Ngunit hindi man lang sya nakasagot dahil unti-unti na namang pumikit ang mga mata nya..
“oy.. DJ ano ba? Gumising ka muna.. sige na..”
Unti-unti ay pilit na naman nyang minulat ang kanyang mga mata.
“Ang sakit..” sabi nya sabay ang marahang pagpikit na naman ng kanyang mga mata
“Ha? Anong masakit DJ? Wag ka munang matulog..” pilit kong panggigising sa kanya
BINABASA MO ANG
KathNiel: Young Parents (Completed)
FanfictionKathryn: Daniel Padilla? Tssss.. nakakairitang pakinggan! Bakit? Eh kasi naman sobrang yabang na nga babaero pa! But one day I just woke up with him beside me, and we are both.... . . . . NAKED!!??!! OH NO! At ang gabing yan ay nagbunga pa! LAG...