Chapter 29: Exchange of Tweets

107K 1.1K 96
                                    

HAPPY NEW YEAR! :)

 

‘Sa hindi nakakakilala kay Thomas Torres.. sya po yung basketball player ng La Salle na umamin sa GGV na may crush sya kay Kath :)

 

Okay.. ENJOY!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“Si THOMAS TORRES!!!”

 

Halos mabingi naman si Kathryn sa lakas ng boses nina Julia at Miles.

 

Hindi nya alam kung bakit kilig na kilig ang dalawang kaibigan nya.

‘ Sino ba kasi yang Thomas Torres na yan? Hay bahala na nga.. wala na akong pakialam kung sino man yang Pontio Pilatong yan. Mareplyan na nga lang para matapus na to..’ ani ng isip ni Kath

 

“Ah okay.. oh ano nang irereply ko?” –Kath

Tanong nya sa dalawa habang nakatingin sa screen ng laptop. Nakita nya nga doon ang tweet ng @iamthomastorres na yun. Simpleng  smiley lang din pala ang reply nito sa tweet nya. Kung kaya hindi nya maintindihan kung bakit ba ganun na lang ang reaksyon ng mga kaibigan nya. Na kung tutuusin nga eh marami naman ang nagreply lang din ng smiley sa na itweet nya.

Nang hindi sya makatanggap ng sagot mula kina Julia at Miles, napatingala sya sa mga ito.

“Hoy ano na—

 

Natigil naman sya sa kanyang sasabihin ng makita ang dalawang kaibigan nya na nakatulala lang sa kanya.

“Oh anong nangyari sa inyong dalawa?” takang tanong nya sa dalawang kaibigan na nakatulala sa kanya.

“Kath yun lang?” –Miles

“Yun lang ang alin?” –Kath

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon