Sorry for the long wait.. ENJOY!
----------
Kath’s POV:
“Oh the b*tch is here!” bungad agad sa akin ni Zharm nang mabuksan ko ang pinto ng unit ni DJ. Waiiit! ZHARM?! Bakit sya nandito?!
Nanlaki agad ang mga mata ko ng marealize ito..
“Hahaha.. shock? You know wh—
“ZHARM!” putol naman ni DJ sa sinasabi ni Zharm. Hindi ko magawang tingnan kung saan sya banda dahil nakaharang si Zharm sa paningin ko. Hindi rin ako makagalaw.. hindi ko alam bakit? Siguro dahil sa pagtataka at pagkabigla?
“Hmp!.” Pairap na sabi ni Zharm sabay lakad na palabas na sinadya pa akong banggain sa balikat ko.Ako naman.. tulala. Nkatayo pa rin dito habang nakatingin sa kaninangpwesto ni Zharm.. perokungkanina si Zharm ang nakikita ko dito ngayon naman ay si DJ na. Magkasalubong ang kilay nya na nakatingin din sa akin.
Hindi paman nagtatagal ang pagpapalitan namin ng masamang tingin ni Daniel ay tumalikod na sya at dumiretso sa kusina. What the..
Yun na ba yun? Hindi man lang ba sya magpapaliwanag kung bakit nandito ang Zharm na yun?
Naiinis na napakuyom ako ng aking palad. Nanginginig ang tuhod ko.. sa galit? Siguro. Kaya umupo ako agad sa isang single seater na sofa. Sakto namang pagkaupo ko ay ang paglitaw ni DJ na galing nga sa kusina na meron nang dala na can ng beer sa kanyang kamay. Hindi nya ako tiningnan ng maupo din sya sa sofa at binuksan ang beer at diretsong ininom. Hindi naman ako umimik at naghintay lang na magkusa sya ng pagpapaliwanag. Pero lumipas ang ilang minuto hindi naman sya nagsalita at patuloy lang sa pag-inom. Nakakainis ha.. hindi pa ba sya magsasalita? Hindi pa ba sya magpapaliwanag? Huminga ako ng malalim bago magsalita.
“Bakit hindika pumasok ng school?” hindi sya sumagot sa tanong ko kaya nagtanong ulit ako.
BINABASA MO ANG
KathNiel: Young Parents (Completed)
FanfictionKathryn: Daniel Padilla? Tssss.. nakakairitang pakinggan! Bakit? Eh kasi naman sobrang yabang na nga babaero pa! But one day I just woke up with him beside me, and we are both.... . . . . NAKED!!??!! OH NO! At ang gabing yan ay nagbunga pa! LAG...