Daniel’s POV:
“Juls halika na!” tawag ko kay Julia na busy sa pakikipagtawanan dun sa kaklase naming Echo ata ang pangalan?
“Mauna kana lang jay.. susunod na ako.” Nakangiting sagot nya. Tss.. halatang kinikilig dun sa kausap nya. Hay mga babae talaga.. halatang-halata basta inlove.Tinanguan ko na lang sya at lumabas na ako ng room.
Kakatapos lang kasi ng last subject ko ngayong umaga at tulad ng nakasanayan ko na ay pupuntahan ko si Kath para sabay kaming kumain. Siguradong hindi pa tapus ang klase nun kasi mas unang matapos ang klase ko sa kanya ng 30 minutes.
Nasa labas na ako ng room nila ng mahalata kong iilan na lang ang tao dito. Wala rin akong nakitang teacher sa harap. Bakit ganun? Akala ko ba 12:00 pa ang dismissal nila? 11:38 pa lang naman ah? Mas lalo pa akong nagtaka ng makita kong bakante ang upuan ni Kath. Si Bird at Shai lang ang nandun.
“Girls!” tawag ko sa kanilang dalawa.
Agad naman silang humarap at ngumiti sa akin.
“San si Kath?” –DJ
Nagkatinginan naman silang dalawa bago ako sagutin.
“Hindi ba nagtext sayo si Kath?” –Shai
Napakibit-balikat na lang ako.
“Lumabas sila ni Enrique eh..” –Bird
Nag-init naman agad ang ulo ko sa sinabi ni Bird.
“Lumabas? San sila nagpunta?” –DJ
“That, I don’t know. Pero ang sabi lang nila may kailangan daw silang bilhin for our activity mamayang hapon. Magkapartner kasi sila at sila ang unang magpeperform.” –Shai
BINABASA MO ANG
KathNiel: Young Parents (Completed)
Hayran KurguKathryn: Daniel Padilla? Tssss.. nakakairitang pakinggan! Bakit? Eh kasi naman sobrang yabang na nga babaero pa! But one day I just woke up with him beside me, and we are both.... . . . . NAKED!!??!! OH NO! At ang gabing yan ay nagbunga pa! LAG...