Chapter 39: Dig Deeper

100K 1K 37
                                    

Spread the KN Love <3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Time: 9 pm

Nagsusuklay ako ng aking buhok ng lumabas si Yana mula sa banyo ng kwarto ko. Dito muna sila magsstay ngayong gabi nina Tita dahil ang bahay nila dito sa Manila ay binenta na nila nung nagmigrate sila ng Melbourne. Actually ang main reason nga ng pagmigrate nila sa Melbourne eh para sa pagpapagamot ni Yana. May heart failure kasi sya simula pa lang noong bata sya.

Kanina nga ng masundo na namin sila Tita sa airport eh dumiretso na kami sa bahay .. syempre kasama ang mga kaibigan ko’ at si Lester na nasalang pa kanina sa hot seat. Pinukulan lang naman sya ng napakaraming tanong at kantyaw ng kanyang mga kabarkada. Syempre hindi mo naman masisisi ang mga yun..  kasi sa pagkakaalam nila eh walang girlfriend si Lester tapus bigla na lang sinabi ni Tita Marie na boyfriend daw ni Yana si Lester. Lahat kami nagulat! Lalo naman ako.. nagtataka nga ako kung pano sila nagkakilala eh?

Pero nung umpisahan na namin silang interbyuhin nang nasa van kami pauwi sa bahay ay todo tanggi silang dalawa na may relasyon sila. Sabi nila eh magkaibigan lang daw sila. Pero syempre walang naniwala isa man sa amin! Kasi kung magkaibigan nga lang sila bakit naman sasabihin ni Tita Marie na boyfriend ni Yana si Lester? At may tawagan pa sila sa isa’t-isa.. ‘GP’ tawag ni Les kay Yana.. at ‘BP’ naman tawag ni Yana kay Les. Sabi pa naming eh baka naman ang ibig sabihin ng ‘GP’ ay ‘GirlPrend’ at ang ‘BP’  naman ay ‘BoyPrend’  hahaha.. pero hindi daw! Tinanong namin sila kung ano ang ibig sabihin nun.. pero hindi nila kami sinagot at tumawa lang silang dalawa! Tapus tong si Lester iba makatitig kay Yana.. yung mga titig nya kay Yana eh katulad nang titig ni DJ sa akin.Yung tipong ikaw lang ang nakikita nya.. na ikaw lang ang maganda.. at ikaw lang ang mahal nya.

Si Yana naman iba din ang ngiti pag nag-uusap sila ni Lester. At ang pagkakakilala ko kay Yana ay hindi sya ganung klaseng tao.. yung tipong makikisabay sa malakas na tawanan. Bata pa lang kasi sya eh alam nya na ang tungkol sa sakit nya at dahil dito kaya sa tingin ko ay malungkutin syang bata. Hindi sya makikipagtawanan nang ganun kapag may kausap syang ibang tao maliban sa aming kapamilya nya. Sa naobserbahan ko rin ay parang napakakomportable nilang dalawa sa isa’t-isa.

Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko ring maniwala na magkaibigan lang sila. I know there is something fishy going on between them. I just need to dig deeper..

 

“Hey sissy why are you smiling like that?” –Yana

 

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon