Ang bilis kong mag-update :)
Haha.. minamadali ko na tong matapus eh at may naghihintay pang dalawang story ko na nakatambay. Sa readers ko dito ng BMTG.. pagnatapus ko na po tong KYP tsaka ko yon itutuloy :)
ENJOY!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
8 o’clock na nang gabi at papunta pa lang ako kina Kath. Pagkatapos ko kasi kaninang tumakas dun sa Starbucks dahil sa pagdating ng asungot na si Zharm eh dumiretso na kami ng mga kaibigan ko sa condo. Dun na lang kami tumambay at nagkwentohan na syempre may kasamang konting inuman.
Pagdoorbell ko palang eh agad na akong pinagbukas ni Ate Jane. Pinapasok nya na rin ako kaagad. Pagdating sa loob ng bahay nina Kath ay agad syang hinanap ng aking mga mata. Pero bigo akong makita sya.. tanging sina Tito Teddy, Tita Min at Kuya Kevin lang ang naabutan ko sa living room nina Kath na nanonood ng TV.
“Hello po Tita,Tito at Bro Kevs! (sabay ngiti) Magandang gabi ho..” –DJ
“Magandang gabi rin Daniel.. dadalawin mo ba si Kath?” –Tito Teddy
“Opo..” nakangiti ko pa ring sagot
“Ginabi ka ata ngayon sa pagdalaw Dj?” –Tita Min
“Ah ..may lakad po kasi kami ng mga kaibigan ko kanina Tita” –DJ
“Ganun ba? Oh sige umupo ka muna at ipapatawag ko si Kath kay Jane.” –Min
Nginitian ko lang si Tita Min at naupo na rin ako sa tabi ni Kuya Kevin.
“Oh bro DJ wala ka atang dalang pasalubong kay bunso ngayon? Tumigil na ba yun sa kakahingi ng kung ano-anong pagkain sayo?”nangingiting sabi ni Kuya Kevin
BINABASA MO ANG
KathNiel: Young Parents (Completed)
FanfictionKathryn: Daniel Padilla? Tssss.. nakakairitang pakinggan! Bakit? Eh kasi naman sobrang yabang na nga babaero pa! But one day I just woke up with him beside me, and we are both.... . . . . NAKED!!??!! OH NO! At ang gabing yan ay nagbunga pa! LAG...