Chapter 70.5: Paghaharap

37.9K 670 82
                                    

Inhale..Exhale!

 

 

-----

Kath’s POV:

 

“Oh that bitch!! She deserves to rot in hell!!”

 

“Napakawalang hiya nilang dalawa!!”

 

“Alam mo Kath kung ako sayo, nung nakita mo sila sa kama sana di mo na ginising. Kumuha ka sana ng kutsilyo at kinaliskisan ang babaeng yun ng sa ganun mawala ang kati sa katawan!”

 

“Oo nga! Naku kung makita ko lang talaga tong babaeng to sisiguraduhin ko talagang makakatanggap sya sakin ng mag-asawang sampal! Tingnan natin kung di sya matauhan!”

 

Hindi ko na halos marinig lahat ng sinasabi nina Miles at Julia sa tabi ko dahil sa busy ako kakaiyak habang nakadapa sa kama. Wala sana akong balak na sabihin sa kanila ang problema ko pero nung tumawag sakin si Julia at nag-ayang magpa-spa eh nahimigan ata nya sa boses ko na may problema. Nabigla na lang ako ng kumatok na lang sila bigla sa kwarto ko.

Tinanong nila ako kung anong problema. Hindi ako nagsumbong at pinili ko pa ring itikom ang bibig ko.Pero nung niyakap na nila akong dalawa at sinabi nilang lagi lang silang nandyan sa tabi ko eh hindi ko na napigilan at napahagulgol ako ng husto. Nasabi ko na rin sa kanila lahat ng nangyari.. mula sa pagtanggap ko ng dalawang litratong yun hanggang sa sinugod ko sila sa condo ni Daniel.

Muli.. naalala ko na naman ang mga nangyari sa pagsugod ko..

 

(Earlier in DJ’s Condo)

Hindi ko maiwasang maluha habang nasa elevator at hinihintay na humantong ito sa floor kung nasan ang unit ni Daniel. Dala ko ngayon sa aking bag ang dalawang litratona pinadala sa akin ng di kilalang numero. Ipinrint ko ito upang ipakita kay Daniel at itanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin nun. Gusto kong marinig ang paliwanag nya.

Tinawagan ko si Tita Karla at tinanong kung nandun ba si Daniel sa bahay nila pero ang sabi nito wala daw. Kaya heto ako ngayon papunta sa condo nya. Malakas kasi ang pakiramdam ko na kailangan ko syang komprontahin at kailangan kong pakinggan ang paliwanag nya. Ayokong magpadalos-dalos.. baka kasi may naninira lang sa aming dalawa. Malaki ang tiwala ko kay Daniel.

Inaamin ko sa mga larawang yun sobra na akong nasaktan. Pero handa akong pakinggan si DJ sa eksplanasyon nya kung bakit nangyari yun. Kaninang madaling araw matapos kong matanggap ang MMS na iyon ay di na ako nakatulog pa. Wla akong ginawa kundi umiyak. But then when I saw my daughter sleeping peacefully ay natauhan ako at nakapag-isip isip. Hindi ko pwedeng isuko lang si DJ. Ineed him in my life and my daughter also needs his daddy. Kaya kung pakana man ito ni  Zharm, gusto kong ipakita sa kanya na hindi nya ko matatalo. Hindi nya kami mawawasak ni Daniel.

Muli kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mga mata ng tumunog ang elevator hudyat na naririto na ako sa floor na sadya ko.

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon