Chapter 48: Destiny

86.2K 888 136
                                    

Piniga ko ang utak ko ngayon kaya pasensya na po kung ito lang ang lumabas.

 

 

 

ENJOY!

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“Baby ok lang sige na mauna kana at mamaya pa ang klase ko..”

 

 

“Okay babe. Pahatid kana lang kay Kuya Mario ha. Itext mo din ako babe pagpapunta kana ng school, okay?”

 

 

“Yes boss!”

 

“Sige babe at kailangan ko nang umalis baka malate ako eh. I love you baby! Mwah!”

 

 

“Okay, I love you too baby. Ingat!”

 

Tuesday ngayon at 8:30 pa ang klase ko. Kay DJ naman 7:30 ang first subject nya. Yun nga at tumawag sa akin kasi gusto nya na magsabay kaming magpunta sa school. Pero sabi ko naman, ano namang gagawin ko dun pagsumama ako sa kanya ng 7:30 eh 8:30 pa nga ang klase ko. Nagwoworry sya at hindi nya daw ako masusundo. Sabi ko naman sa kanya okay lang at meron namang driver dito sa bahay. Yun nga at umOO na lang. Wala din naman syang magagawa ano. Buti rin nga to na di gaanong maaga ang klase ko di tulad tuwing MWF kasi 7:00 am ang first subject ko. Nakakaloka.. mas okay na to para medyo maeextend ang tulog ko.

 

------------------

 

8:31 na at  kakarating ko lang dito sa school. Nagmamadali kong tinungo ang classroom namin. Lagot! Ayokong pa namang malate. Baka mamaya terror na naman ang magiging teacher namin at mapahiya pa ako. Ayoko nun! Well sino ba naman ang may gustong mapahiya, diba?

Hingal na hingal ako nang marating ko na ang classroom namin. Buti na lang at wala pang teacher pagtingin ko sa harapan. Agad akong naghanap ng mauupuan.

 

“Hey Kath! Over here!”

 

Napangiti naman ako nang tinawag ako ni Shaira. Agad naman akong lumapit sa kanya. Katabi nya na rin pala si Bird at may upuang inilaan na sila para sa akin.

KathNiel: Young Parents (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon