CHAPTER 4 - Captured the Businessman's Heart

3.3K 92 1
                                    

Nakarating si Maricon sa meeting place eksaktong alas sais ng gabi. Malayo pa lang siya ay nasulyapan na niya ang maluwang na ngiti ng matandang Don pagkakita sa kanya. Hindi niya naiwasan ang salubong na halik sa pisngi ng matanda at iniabot ang bugkos ng mga bulaklak.

"Have a seat," masayang wika ng matanda.

"Thank you," seryosong sabi ni Maricon saka naupo.

Tinawag ng matanda ang waiter at saka sila umorder. Napakaganda ng ambiance sa restaurant na iyon, kung sanang mahal niya ang kasalo ay maiisip niyang isa siyang prinsesa ng mga sandaling iyon. Kasabay pa ng classical music na tinutugtog ng band on stage.

"I talked to my lawyer yesterday, and I authorized him to be in-charged with all the requirements for our wedding preparations," nakangiting kuwento ng matanda.

Tumango-tango lamang ang dalaga. "Kung alam mo lang na naunahan ka na naming magpaschedule," sabi sa sarili.

"I will bring you to a famous wedding designer here in New York tomorrow so that you can have a gown fitting and be rushed. I already approved the layout of our invitations and my secretary will rush them to our wedding coordinator tomorrow," Masayang kuwento ng matanda.

"Naku patay! Kailangan talaga madaliin na ni Gilbert ang pag-asikaso para hindi ako maipit," Sabi niya ulit sa sarili.

"Do you have any suggestions or ideas on how our wedding would be you?" Tanong ng Don. Noon ay inumpisahan ng idulot ang kanilang in-order na pagkain.

Hindi pinansin ni Maricon ang tanong ng Don sa halip kunwa'y inabala ang sarili niya sa panonood sa waiter habang inaayos sa kanilang harapan ang dalang pagkain.

Todo abot naman ng pagkain sa kanya ang Don matapos makaalis ang waiter sa kanilang harapan at nailagay na lahat ng kanilang order.

"Do you want to get involved in the preparations for our wedding?" Muling tanong ng Don.

Umiling lamang si Maricon saka tila walang ganang nakatingin lang sa pagkaing nasa plato nito na inilagay ng Don.

"I promise, you will not regret this," malambing pang sabi ng matanda at nagtangkang hawakan ang kanyang kamay. Bahagyang naiurong naman niya at ikinagulat naman ng sa halip ay isang kamay mula sa kanyang likuran ang humawak.

"May I please dance with your date, Mister? I promise it won't take long."

Nagulat man si Don Guillermo ay hindi ito agad nakabawi ng tanggi. Tanging pilit na ngiti lamang ang kanyang naging pagsang-ayon.

Gulat man ang dalaga ay hindi ito nag-atubiling sumama sa dance floor ng mapagsino ang humawak ng kanyang kamay.

Nagsimula silang pumagitna sa ibang mga magkakaparehang nagsasayaw din sa tugtog ng isang malamyos na awitin.

"What are you doing here?" Pabulong na tanong ni Maricon sa binata.

Hapit siya sa baywang ni Gilbert at siya naman ay nakahawak sa magkabilang balikat ng binata.

"I'm in a business deal at the moment, and then I notice you with that old man," walang ngiting sagot ni Gilbert. "Where is your ring?" Puna ni Gilbert

"I took it off, hindi kasi niya pwedeng makita," paliwanag ni Maricon habang nailang sa sitwasyon nila ni Gilbert, pakiramdam niya ay ma-otoridad ang mga hawak sa kanya ng kasayaw.

"Why are you with that man?" Tanong ulit ni Gilbert.

Hindi mawari ni Maricon kung naiinis ang kausap sa tanong o may kakaiba siyang damdaming nakikita sa binata.

"He invited me for a dinner date, hindi ko siya maaaring tangihan, not until you've settled my commitment with him. Bukas nga daw ay pasusukatan na niya ako ng wedding gown and our wedding invitations will be rushing on the process."

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon