Isinama si Maricon ng lalaki sa kanyang bahay, alam niyang mali ang ginawa niyang pagsama sa hindi kilala pero gusto niyang mag-bakasakali sa kanyang sitwasyon, at iyon lang ang tanging solusyong maaari niyang magawa kaysa sa magngunguyngoy sa central park hanggang gabi.
Tumuloy sila sa home office nito na nasa unang palapag lamang. Nagpalinga-linga si Maricon sa loob ng bahay.
"Napakalaki ng bahay ng lalaking ito, sa kanya daw ito, hindi kaya niya ako niloloko lang? Sabagay wala naman siyang mai-scam sa akin kung sakali," sa isip lamang iyon ni Maricon.
May nadatnan silang isang lalaking tila assistant nito at mukhang Pilipino rin at isang babaeng tila ibang lahi na tagalinis doon, hindi lang niya mawari kung ito ay Dutch or Canadian na sa tantiya niya ay nasa late 30's na.
"Tolits, did Mrs. Walter made a call with regards to my business deal?" Ang assistant nito ang kausap ng lalaki.
"Yes boss, in fact, she's waiting for you until next week to settle with her conditions," nakangiting sagot nito. Tantiya ni Maricon ay nasa kwarenta na ang edad ng assistant.
"And who's the lovely lady, Boss?" Tanong pa ng assistant habang ang tingin ay na kay Maricon.
"She is the answer, Tolits," nakangiting sagot nito.
Nakita ni Maricon na kumunot ang noo ng assistant.
"Your girlfriend? I didn't know you had one," halos pabulong na sabi ng tinawag na Tolits sa lalaki.
Napatawa ng bahagya ang lalaki, tumayo ito sa kanyang kinauupuang swivel chair at tinapik sa balikat ang assistant.
"That's what makes me busy these past few days," mahinang sagot niya sa assistant saka muling sumulyap sa nakamasid sa kanilang si Maricon. Kunot noo namang napakamot ulo ang assistant nito. Ilang sandali ay muli siyang bumalik sa kanyang kinauupuan at tumingin kay Maricon. "I know, you're confused right now, let me tell you the entire deal, which I want to offer you," sabi pa kay Maricon. "By the way, what is your name?" Dagdag pang tanong sa babaeng isinama sa pamamahay ng hindi alam ang pangalan.
"Maricon Villaluz, just call me Connie," Pakilala ng dalaga na may tipid na ngiti.
Inabot ng binata ang kanyang kamay upang formal na makipagkilala sa dalaga. "I'm Gilbert Servantes. And this is Lito, my assistant," pakilala nito.
Atubili namang nakipagkamay ni Maricon.
"I purposely stayed at the Central Park to find prospects," umpisang salaysay ni Gilbert. Magpapatuloy na sana ito ng tumunog ang cellular phone nito. Sumenyas siya sa assistant na ituloy ang pagpapaliwanag bago nito sagutin ang tawag.
"As I observed, sumama ka sa kanya without knowing the deal he is offering you, right?" Umpisa ng assistant. Tumango ang dalaga.
"Actually, Boss Gilbert always love challenges, hindi siya sumusuko sa lahat ng deal na pinapasok niya," medyo pabulong na sabi ni Lito. "Siya ang tipo ng lalaking walang inuurungang hamon sa larangan ng negosyo. And he will do the impossible just to win every deal he makes," patuloy nito. "I am 15 years in service for their family at bata pa iyan kilala ko na siya, workaholic yan, walang sinasayang na oras pagdating sa business, and look at him now," saka ngumiting bumaling kay Gilbert na nakatalikod sa kanila habang may kausap sa cellular phone nito. "Isa na siya sa mayayamang businessman dito sa New York sa edad na 28," dagdag chika pa ni Lito na pakiramdam ay palagay agad ang loob kay Maricon.
Napakunot noo si Maricon, gusto sana niyang tanungin kung ano naman ang care niya tungkol kay Gilbert at bakit kailangang i-chika nito ang mga bagay na hindi naman importante sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mr. Businessman ( Published)
RomanceShe was suffering as debt creditor until a cold-hearted young and handsome businessman offers her a short term marriage for convenience deal to benefits both parties. After the deal ends, she lives her life normal. But when she is about to settle h...