CHAPTER 14 - Afraid to lose you

2.8K 92 2
                                    

Kinabukasan ay medyo awkward parin si Maricon ng pumunta siya sa office at nadatnan niya doon si Gilbert at abala sa kakabrowse ng emails sa laptop niya.

Nginitian siya ni Gilbert nang makita ang pagpasok niya sa opisina at muling itinuon ang tingin sa laptop.

Bahagyang ngiti ang itinugon ni Maricon at inumpisahan niyang ayusin ang ilang files sa mahabang mesa.

"I don't remember getting in to my room last night, and still, I am wearing my same clothes yesterday when I woke up. Did you......," alanganin at tila nahihiyang tanong ni Maricon kay Gilbert ng hindi niya ito tinitingnan sa halip ay patuloy ang pag-aayos ng mga files na hawak niya.

".........Yeah, I did. I carried you to your room," bahagya siyang sinulyapan ni Gilbert.

Napakunot noo si Maricon sa nakumpirma saka bumaling ng tingin kay Gilbert. "Why didn't you wake me up?"

"I did, but you really are in a deep sleep so I didn't bother to wake you up," saka tumingin na kay Maricon at tiningnan ang reaction nito matapos niyang ngitian.

Naging mailap ang mga mata ni Maricon saka muling ipinokus ang tingin sa ginagawa.

"Magkasama ba kayong dalawa the whole day yesterday? Pareho ko kayong hindi makontak," bungad ni Lito nang madatnan niya ang dalawa sa home office at kanya-kanya ng ginagawa sa mga papeles na inaayos.

"Interrogation ba ito?" Nakangiting sagot ni Maricon kay Lito habang pinagpapatuloy ang kanyang ginagawa at bahagyang nilingon ang kausap. Samantalang walang kibo namang patuloy na nagbabrowse si Gilbert sa kanyang laptop at maya-maya ay may pinipirmahan o sinusulat sa ilang mga dokumento.

"Saan naman kayo nanggaling? O nag-date?"

"Magkasama lang nag-date na agad?" Depensa ni Maricon, ipinagpasalamat niya ang pagdating ni Lito para hindi na siya ma-awkward na sila lang ni Gilbert sa opisina.

"Kapag ang isang lalaki at isang babae ay lumabas na walang kinalaman sa trabaho ang tawag dun ay ..........,"

"........... Tolits, I just have received an email from the office of Mr. Thomas Jacob, kindly go to the House of Luxury and get the quotations they're providing us," putol naman ni Gilbert sa dapat ay sasabihin ni Lito.

"Now na ba, boss?"

Tumango si Gilbert habang nakatingin parin sa kanyang laptop.

"Ibig sabihin ba nito ay naayos na ang problema natin sa Glamour Hotel? Mabibigyan na natin sila ng mga request sets of furnitures ng kanilang itatayong hotel sa Singapore?" Nakangiting tanong ni Lito.

Napabaling naman ng tingin si Maricon kay Gilbert, naghihintay din siya ng sagot mula dito.

"Yes," nakangiting sagot ni Gilbert at sinabayan pa ng tango.

"Wow, salamat naman at naayos na ang problema nating iyan. So can we call for a celebration?" Pagdiriwang ni Lito.

"We will have it when we had the completed deliveries of the furniture and had closed the transactions to Glamour Hotel," wika ni Gilbert saka na muling itinuon ang pansin sa mga binabasang hawak na dokumento.

"Can I be the one to go to the House of Luxury so that I can meet Mr. Jacob and personaly thank him?" Nakangiting wika ni Maricon na lumapit at itinukod ang dalawang kamay sa mesa ni Gilbert. Naiba na rin ang mood niya, agad ng nawala ang awkwardness niya.

Matamang tiningnan siya ni Gilbert na tila nag-iisip kung papayag o hindi sa request ni Maricon.

Pinalawig pa ni Maricon ang kanyang matamis na ngiti kay Gilbert at bahagya pang nagbeautiful eyes.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon