CHAPTER 10 - Being Mrs. Servantes

2.7K 73 0
                                    

Nagpatuloy ang mga araw, nakita ni Maricon ang takbo ng buhay ni Gilbert, walang pahinga ito sa iba't-ibang transactions sa halos araw-araw ay kabilaang mga business dealings and shares buying from different companies ang hinaharap at inaayos, nagvolunteer naring tumulong si Maricon sa ibang mga transaction pati pag-aasikaso ng ibang mga papeles, madalas siyang isinasama ni Gilbert sa kanyang mga business meeting at acquaintances. Siyempre pa, ipinakikilala siyang asawa niya. Noong una ay lagi siyang na o-awkward kapag ginagawa iyon ni Gilbert lalo na ang mga sweet gestures nito sa kanya kapag kaharap ng ibang tao pero nasanay na rin siya kinalaunan. Nalibang rin siya at natuto na ring maghandle ng ibang mga transactions. Binibigyan din siya ng savings and allowances ni Gilbert na ayaw sana niyang tanggapin subalit kailangan niya ito para sa ibang pan-sarili niyang gastusin. Siya narin ang nagbabudget sa lahat ng gastusin sa bahay at iba pang pangangailangan nila.

"Hindi kaba nagwoworry na baka hindi kana makapag-asawa or makakilala ng right one for you dahil ikinalat mong kasal kana?" Minsan ay naitanong ni Maricon kay Gilbert habang lulan sila ng Lexus na minamaneho ng huli pauwi ng bahay galing sa isang party.

"Not really," matipid na sagot ni Gilbert saka siya sinulyapan.

"Nag-aalala lang kasi ako. It's been eleven months since we got into this contract."

"For what? Affectionate with somebody already? That's why you're worrying that he might not able to pursue you?" Kaswal na tanong ni Gilbert habang abala ang mga mata sa daan.

"Hindi ah, sabi ko nga baka ikaw."

"Currently, I am happy with my career, so don't worry much about me," nakangiting pag-a-assure ni Gilbert.

Hindi na kumibo pa si Maricon hanggang makarating sila ng bahay. At katulad ng dati, pagdating ng bahay, magkakanya-kanya sila ni Gilbert, ang huli ay didiretso sa kanyang home office at siya naman ay aakyat na sa kanyang kuwarto at kapag nainip ay pinupuntahan si Martha sa kusina upang paminsan-minsan ay tulungan sa pagluluto.

*****

"Good Morning Miss Martha," bati niya sa katiwala isang umagang tinanghali siya ng gising.

"Good Morning Madam, seems you had a good sleep last night and just getting up late today," nakangiting bati rin sa kanya ng katiwala habang inaayos ang mga pinamili na noon ay kagagaling lang sa grocery.

"I don't have any business to deal with today, so I opt to stay home. And I will be the one to cook for our lunch today," nakangiti nitong sabi.

"Oh, wow, Filipino food," masayang sabi ni Martha na laging kinasasabikan ang mga luto ni Maricon simula ng doon na ito tumira dahil sarap na sarap siya sa pagkaing Pilipino.

Lumapit sa double door refrigerator si Maricon at nicheck kung alin ang pwede niyang mailuto. Nilabas niya ang ox-tail at iba pang mga gulay na kakailanganin sa Kare-Kare recipe niya.

Agad namang pumuwesto sa may mesa si Martha upang tumulong sa panghihiwa ng mga sangkap na inilabas ni Maricon.

"What is our meal for today?" Tanong ni Martha.

"It's called Kare-Kare."

"Yeah! I remember that dish. It is Sir Gilbert's favorite dish."

Ngumiti lamang si Maricon habang hinahango sa lalagyan ang nakababad na defrost meat.

Maya-maya lang ay inumpisahan na niyang iluto ito. Habang si Martha ay naglilinis ng mga pinaggamitang gamit.

"Hi, the ladies are busy doing house chores," nakangiting bati ni Lito na bagong dating.

"You seem to have a long nose and has sniffed what we have for lunch," biro ni Martha sa kanya.

"Oh, yeah, seems I knew who cooked our boss' favorite food," nakangiting sagot nito.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon