CHAPTER 8 - First Day as a Couple

2.8K 75 1
                                    

Nabungaran ni Maricon ang masayang pagkukuwento ni Lito kay Gilbert sa loob ng opisina nito. Hindi siya napansin ng dalawa habang abala sa mga gawain at pagsusuri ng iba't ibang dokumento sa kanilang kaniya – kaniyang lamesa kasabay ng pagkukwento ni Lito at pakikinig naman ni Gilbert.

"Kung nakita mo lang talaga boss ang mukha niya, galit na galit na nilukot ang kopya ng marriage contract na ibigay ko sa kanya, wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang cheke, at sabi pa, he will hire an investigator to prove the marriage contract is fake, and he will then get back what belongs to him by hook or by crook," kuwento ni Lito sa pagitan ng mga tawa.

Tahimik lang na nakikinig at ngingiti-ngiti si Gilbert bakas sa mukha nito ang tagumpay.

Napatingin sila sa may pintuan ng marinig ang ring ng isang cellphone. Galing ito sa cellphone ni Maricon.

"He - - hello," nag-aalangan sagot nito.

"You deceived me!" Galit ang boses ng Don sa kabilang linya. "But it will not ends here, I will find a way to prove it myself that you're just playing a foul play! And I will make it sure that you'll be mine in the end!" Dugtong nito saka na pinutol ang linya.

Napasandal si Maricon sa pinto, nanlambot ang mga tuhod nito. Napalapit si Lito sa kanya upang alalayan siya.

Nakaramdam siya ng takot. Hindi siya sanay sa banta ng kung sino. Pinipilit niyang kalmantehin ang sarili. Ayon sa kanyang narinig na kuwento ni Lito kay Gilbert, malamang ay alam na niya kung bakit galit na galit siyang tinawagan ni Don Guillermo.

"Sino ba ang tumawag sa iyo at nagkakaganyan ka?" Takang tanong ni Lito nang maiupo si Maricon.

"Si Don Guillermo. May banta ang kanyang salita. Galit na galit ang kanyang tinig," pinapakalma parin niya ang kanyang boses pero pinangingiliran siya ng luha sa mata.

"He is only furious because he can't accept the fact of what he'd just learned. He has nothing to do with it anyway," kalmadong komento ni Gilbert.

"Don't worry, inayos na ni boss ang lahat. At tinanggap na ni Don Guillermo ang cheke kanina."

Tumingin si Maricon kay Gilbert.

"It doesn't make any sense if you keep yourself worrying," wika ni Gilbert at muling itinuon sa laptop nito ang pansin.

"By the way Tolits, deliver all the needed requirements to Mrs. Walter, especially the copy of the marriage contract. I need an ASAP result," utos ni Gilbert kay Lito.

"Yes boss, I will," sabay ng umalis si Lito upang sumunod na sa utos ni Gilbert bitbit ang inihandang mga papeles.

Tumayo na sa pagkakaupo si Maricon. "I'm leaving out this office, baka nakakaistorbo ako sa iyo."

Ni hindi man tinapunan ng tingin ni Gilbert ang umalis na asawa patuloy ang tipa at browse sa kanyang laptop.

Mag-isang tinungo ni Maricon ang Central Park kung saan sila unang nagkita ni Gilbert. Ngayon niya nakita ang ganda nito, dati kasi ay puno siya ng pag-aalala. Ngayon kahit paano ay unti-unti nang nawawala ang pressured sa kanya.

"Darating ang araw maaasikaso ko na ang aking pribadong buhay nang may katahimikan. I hope for that very soon," naibulong niya sa sarili. "Pero sa ngayon, kailangan ko munang maasikaso at mapanindigan ang pinasok kong kasunduan upang matapos ito kaagad," muling naisa-isip.

Nagtungo ito sa isang bahagi ng parke, sa harap ng Bethseda Fountain at doon ay maya-maya siyang naghahagis ng maliit na bato sa tubig.

May pag-aalala parin ito sa tuwing maiisip ang tawag kanina ni Don Guilermo. Ngunit pinilit parin niyang paniwalaan ang sinabi ni Gilbert na galit lamang ang matanda kaya niya nasasabi ang ganoong bagay.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon