Katulad ng dati ay mabilis na lumipas ang mga linggo, kanya-kanya sila ng lakad nina Gilbert, Lito at Maricon upang makipagmeeting sa mga kliyente nila at gumawa ng ilang paperworks at presentations.
Hindi agad umalis ng bahay ng araw na iyon si Maricon dahil ang kanyang appointment ay alas diyes pa ng umaga.
Gayak na siya ng bumaba ng hagdanan buhat sa kanyang kuwarto.
"Why don't you have breakfast first before you leave?" Alok ni Martha.
"I'll just have it at the coffee shop."
"Okay then, just take care."
Katulad ng dati ay nagtataxi lamang siya kapag busy ang dalawa niyang kasama upang ihatid siya sa kanyang lakad. Kahit sinabihan na siya ni Gilbert na kumuha ng New York driving license ay hindi siya nagka-interest dahil alam din naman niyang hindi naman siya magtatagal sa bansang iyon. Mas gusto niyang magdrive sa Pilipinas at namimiss na nga rin niya ang kanyang sariling sasakyan doon. Nag-overseas calls nga siya nung nakaraang araw kay Manang Thelma, ang kanilang katiwala sa bahay, upang kamustahin ang mga ito sa bahay. Natutuwa naman siya dahil kahit sila-sila lang na katiwala ay inaalagaan paring mabuti ang kanyang iniwang tahanan.
*****
Nakarating na siya sa kanyang appointment at nameet narin niya ang kausap. Ngayon ay nagkakape na siya sa isang coffee shop. Kahit pa lagpas na ng tanghali ay hindi parin siya nakaramdam ng gutom kaya mas pinili niyang magkape sa malamig na panahon.
Matapos manggaling sa coffee shop ay nilibang niya ang sarili sa mga magagandang shops. Kasalukuyang siyang nasa Fifth Avenue shopping area kung saan may malawak na space para sa pedestrian at magandang maglakad-lakad sa shopping area.
Maya-maya may nagtext sa kanya.
"Where are you?" – Gilbert
Tumipa siya sa kanyang cellphone. "Fifth Avenue," - Message sent
"What is your purpose for being there?" – Gilbert
"I'm just hanging around after my meeting," – Message sent
"Text me your complete location and I'll fetch you," –Gilbert
Nang maitext niya ay naupo siya sa isang bench upang hintayin si Gilbert. Trenta minutos na siyang nakaupo sa bench ng may isang lalaki ang lumapit sa kanya, may dala itong bugkos ng bulaklak at inabot sa kanya. Napaangat siya ng tingin. "Hey, you must be mistaken," sabi nito sa lalaki.
"You are Mrs. Maricon Servantes aren't you?" Pagkumpirma ng lalaki.
Alanganing tumango si Maricon.
"Just read what is penned on the gift card," saka na siya tinalikuran ng lalaki.
"Thank you," halos mahinang sabi ni Maricon saka hinagilap ang nakaipit na gift card sa mga bulaklak.
Happy Anniversary!
Gilbert.
Kuno't-noo niyang inilibot ang paningin niya. Nakita niyang nakangiting kumaway si Gilbert sa kanya. Nginitian niya ito saka inamoy ang mababangong bulaklak saka tumayo sa kinauupuan upang salubungin ang palapit ding si Gilbert sa kanya.
"Thank you," wika ni Maricon nang magkalapit na sila. "I'm sorry, I don't have anything for you, I forgot actually. Naka-isang taon na pala tayo."
"It's fine. I don't expect anyway," saka pa ngumiti ito sa kanya.
"Ang sweet mo naman. Pagnakita ito nina Lito pag-uwi natin manunukso na naman ang dalawang iyon."
"Yeah, he is Martha's tandem."
"Maaga ka atang natapos ngayon sa transactions mo?"
"Actually, I just canceled the remaining meetings and appointments."
"So, uuwi na tayo? Tapos narin naman ako sa lakad ko."
"I want to invite you to watch a movie with me, are you willing?"
"Wow, a bouquet and a movie date ah, I think I like that," nakangiting biro ni Maricon.
Nakangiti itong inakbayan ni Gilbert patungong movie house. Nanood sila with a shared popcorn and two soda cans. Nagcandle light dinner din sila matapos manood ng sine at masayang nagkuwentuhan ng nasa sasakyan na sila pauwi, napagkuwentuhan nila ang napanood na comedy love story. Hanggang sa papasok na ng bahay kasabay pa ng malulutong na tawa ni Maricon.
"Wow! Flowers with a happy face," tukso ni Lito.
"What a nice and sweet couple," singit naman ni Martha habang nagba-vacuum ng sahig.
"Boss, totohanan na ba iyan?" Pasimpleng bulong ni Lito kay Gilbert, na narinig naman ni Maricon.
"Both of you are starting to pick on us again," nailing na biro ni Maricon.
"We just had celebrated our wedding anniversary," nakangiting wika ni Gilbert.
"May ganun pang nalalaman ah, akala mo totoo ang lahat," muling biro ni Lito.
Bahagyang pinanghampas ni Maricon kay Lito ang hawak na bouquet, "Panira ka talaga ng trip," nakangiting saway nito kay Lito.
"Bakit kasi hindi pa totohanin, you're both free naman di ba?" Pangungumbinsi ni Lito.
Naiiling na dumiretso sa opisina niya si Gilbert.
"Ano, pinopormahan kana ba ni boss?" Pabulong na tanong ni Lito kay Maricon. "Sagutin mo na agad, wala kana namang takas kasal ka naman sa kanya, baka naman mag-pakipot kapa."
"Ewan ko sa iyo," nakangiting wika ni Maricon saka iniwan na ang nanunuksong kausap saka siya dumiretso ng kuwarto niya.
"Wala man lang handaan anniversary pala, sila lang talaga ang nagcelebrate," parinig pa ni Lito bago tuluyang sumunod kay Gilbert papasok ng opisina.
BINABASA MO ANG
Mr. Businessman ( Published)
RomantikShe was suffering as debt creditor until a cold-hearted young and handsome businessman offers her a short term marriage for convenience deal to benefits both parties. After the deal ends, she lives her life normal. But when she is about to settle h...