CHAPTER 5 - The Kiss

3.1K 91 1
                                    

Pagkahatid niya kay Maricon sa tinutuluyang hotel, dumiretso na ng uwi si Gilbert at nagtuloy sa kanyang silid, alam niyang natutulog na si Martha. Hindi na niya ito inaabala 'pagganoong oras siya nakaka-uwi. Sanay narin naman ang katiwala sa kanya. Dumiretso siya sa comfort room upang magshower, maya-maya ay lumabas ng banyo ng naka-makapal na pajama at white shirt. Naupo sa couch na nasa isang sulok nang kanyang kuwarto, walang ekspresiyong tumingin sa kabuuan ng kanyang silid, Maya-maya ay nagawi ang tingin sa mga bote ng alak na nasa kanyang istante. Tumayo ito at kinuha ang isang bote ng mamahaling alak at isang baso. Muling bumalik sa couch at naupo, matapos magsalin sa baso ng alak ay inilapag sa malapad na center table ang alak at tinikman ang alak sa baso. Matapos ay tinitigan ang basong may laman paring alak, nagflashback sa loob ng baso ang nakangiting mukha ni Maricon, napakunot noo siya, tinungga niya ang natitirang laman ng baso at inilapag ang basong walang laman. Sumandal siya sa couch at hinawakan ang sintido saka pumikit. Muli ay lumabas sa kanyang balintataw ang mukha ni Maricon na nakangiti sa kanya suot ang wedding gown na isinukat kanina sa wedding shop at nung sinuutan niya ito ng engagement ring. Nag-flashback din sa isip niya ang paghalik ni Don Guillermo sa pisngi ni Maricon at ang tangkang paghawak nito sa kanyang kamay. Sa natunghayan niyang iyon, muli siyang nagsalin ng alak sa baso at tinungga, itinukod niya sa kanyang binti ang dalawang siko at sinapo ang ulo habang hinihilot ang magkabilang sintido. Sa sandaling iyon muling lumarawan sa isip niya ang tagpong kasayaw niya si Maricon at ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Napabuntong hininga si Gilbert. Hindi niya maunawaan ang sarili bakit naiinis siya kanina ng makita si Maricon sa piling ng iba?

Kinabukasan, maaga pa ng tumuloy sa bahay ni Gilbert si Maricon. Ang maid na si Martha ang kanyang nadatnan.

"Good morning Miss," bati ng tagalinis. "I am Martha, you are probably Ms. Connie?"

Nginitian niya ito. "Where is Lito?" Tanong niya dito.

"Lito is not yet around, but Mr. Gilbert is still sleeping in his room."

"Ha?!" Takang tanong nito. Hindi niya inaasahang sa ganitong oras ay tulog pa si Gilbert samantalang alam niyang walang sinasayang na oras ang binata.

Nagpatuloy sa ginagawang paglilinis ang katiwala habang siya ay nilibot ang tingin sa buong kabahayan. Napakasimple ng kabuuan ng bahay ni Gilbert subalit ito ang nagdadala ng pagkaelegante ng ayos, walang gaanong mga decoration, may ilan lamang malalaking paintings na nakasabit sa wall, karamihan sa mga paintings ay abstract. Nakailang minuto na siyang naghihintay, medyo naiinip na siya, alam kasi niyang ngayon ang usapan nila ni Don Guillermo, pero nagdadalawang isip siyang katagpuin ito dahil naiinis pa rin siya sa nalaman. Subalit kanina pa siya nito tinatawagan sa kanyang cellular phone. Maging kagabi ay hindi siya tinantanan sa kakatawag kaya nagpatay na lamang siya ng kanyang phone. Napatingin siya sa hagdanan paakyat ng pangalawang palapag ng bahay.

"Excuse me, if you want to have breakfast I can prepare it for you," lapit sa kanya ni Martha.

"No, I'm fine, thank you, but do you think it is just fine if I will wake him up?" Tinutukoy niya ay si Gilbert.

Ngumiti ang katiwala. "I guess so, he is your fiancé anyway," may tuksong himig ang sagot.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ni Maricon, medyo nagdadalawang isip siyang humakbang paakyat ng mataas na hagdanan, ng makalimang baitang na ito, muling lumingon sa naglilinis na katiwala. "Excuse me, may I know which room I am about to knock?" Tanong nito dahil apat na pintuan ang bumungad sa kanya.

"The last door to your left," nakangiting sagot ni Martha.

"Okay, thanks."

Kumatok siya ng apat na beses ng matapat sa pinto, walang nagbubukas. Atubili niyang pinihit ang doorknob, bukas naman pala, sumilip muna, tulog na tulog pa si Gilbert. Napilitan siyang pumasok. Maluwang ang silid ng binata, very manly ang design. May nakita siyang bote ng alak sa isang lamesita, kalahati na lamang ang laman nito, may kaunti pang natirang laman sa basong katabi ng alak. Tantiya niya ay uminom si Gilbert bago natulog kaya ito tinanghali ng gising. Lumapit ito sa nakadapang binata, malalim parin ang tulog nito.

"Ngayon lang kita natitigan, guwapo ka nga talaga," mahinang bulong nito sa sarili. Inilibot ng tingin sa buong katawan ni Gilbert. "Matangkad, mestiso at makisig. Sayang at puro negosyo ang nasa utak mo," muling bulong sa sarili.

"Why are you staring at me, miss!?"

Nagulat ito sa boses ng binata, hindi niya namalayang nagmulat na pala ito.

"Wa - - - wala, wala, masama bang tingnan ka?" Hindi na siya nakapagkaila dahil huli siya ng binata.

Umayos ng higa si Gilbert, tumihaya. Mabilis na idinako ng dalaga ang tingin sa ibang direksiyon, naasiwa kasi siya.

"Did your HD get enough and pleased with what you see?" Nanunukso ang mga tingin ng binata.

"Anong HD?" Kunot noong tanong ni Maricon.

"Hidden Desire," halos pabulong na sabi ni Gilbert.

"Aba! Ang lakas ng loob nito," namumulang sabi ng dalaga saka pa ito binato ng unan si Gilbert.

Pilyong ngumiti lamang si Gilbert at naupo matapos sanggain ang tumapong unan sa kanya. "What time is it?" Tanong nito habang bahagyang nagkusot ng mga mata.

"Past ten," asiwa paring sagot ni Maricon, "I'll go downstairs since you're wakeful. Doon nalang kita hintayin sa baba," atubiling paalam nito saka humakbang na palabas ng pinto.

"I'll just take a shower and come after," kaswal na sagot ni Gilbert saka sinundan ng tingin ang palabas na dalaga.

Muli ay naghintay sa sala si Maricon. Naupo sa sala at binuklat-buklat ang ilang business magazines sa magazine's rack. Maya-maya lang ay napatingala siya sa hagdanan ng marinig ang mga mabibilis na hakbang pababa sa hangdan. Bihis na ng pang office attire si Gilbert, as usual, dignified good looking man.

"Would you like me to make something for your morning snack?" Salubong ng katiwala sa may puno ng hagdan.

Umiling lamang si Gilbert at nagmamadaling humakbang patungo sa kanyang opisina. Sumunod naman si Maricon dito.

"I have an appointment today, I'm going to head out, here is the blank check, go and bring it to that old man," inabot ang cheke kay Maricon matapos mapirmahan.

Maiyak – iyak si Maricon sa tuwa ng abutin ang cheke.

"By the way, here is our contract, please sign it."

Walang atubiling kinuha ng dalaga ang sinasabing kontrata at pinirmahan agad-agad.

"You won't even read it?" Takang tanong ni Gilbert.

"I trust you, and I am very much thankful to you. For saving me."

Ngumiti ang binata. "Do I deserve a kiss?"

Hindi matantiya ng dalaga kung seryoso si Gilbert sa sinabi pero walang pagdadalawang isip na lumapit ito at akmang gawaran ng halik. Hindi inaasahan ni Maricon na haharap si Gilbert at salubungin ang kanyang labi. Napamaang siya.

"Got yah!" Nakangiting biro ni Gilbert saka pa kinindatan ang dalaga at saka tinungo na ang pintuan palabas.

Napahawak ang dalaga sa kanyang labi. "Gilbert!" Habol nito ng makabawi.

Huminto si Gilbert at lumingon sa kanya.

"Thank you for doing this to me," nakangiting wika ni Maricon.

Kumunot ang noo ng binata. "The kiss?"

"No!" Maagap na sagot ng dalaga saka pinamulahan ng pisngi. "The favor. The help," dugtong niya.

"Don't mention it, because you're going to do me a favor too!" Tuluyan na siyang lumabas ng opisina.

Napailing na lamang si Maricon sa ginawa ni Gilbert. "May kapilyuhan din pala ang isang iyon," wika pa sa sarili.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon