CHAPTER 3 - The Preparations

3.3K 94 0
                                    

Kinabukasan, maagang gumayak si Maricon upang magpunta sa bahay ni Gilbert. Si Lito ang nadatnan niya doon at ang maid na naglilinis.

"Maagang umalis si boss Gilbert, pero ibinilin kana niya sa akin. Mag-almusal ka muna daw at mamaya ay ihahatid kita sa isang mall at doon kayo magkikita upang bumili ng wedding gown mo," Salubong sa kanya ni Lito.

Kunot noong bahagyang tumango si Maricon sa tinuran ni Lito habang tinitingala ang kabuuan ng paligid ng bahay na tila isang inspector. Nagring ang kanyang cellphone, ang matandang mapapangasawa niya, si Don Guillermo Fernandez.

"Hello," nagdadalawang isip na sinagot niya ang mobile phone na hawak.

"Where are you, Connie? My driver went to the hotel where you are staying, and he hadn't seen you there," tila nag-aalalang tanong ng nasa kabilang linya.

"a---- I---- just took a walk in the near park," pagdadahilan niya na sa simula ay medyo na bulol pa.

"Is that so, well I have a plan to invite you for dinner tonight in one five star hotel near the City,"

"Oh, su---sure. I will come," Saka bumuntong hininga.

"Okay, I will just ask my driver again to fetch you at 6 pm? At your suite?"

"No, don't bother, I will be the one to get there, just text me the details."

"Are you sure?"

"Yeah. I am."

"Okay, goodbye then. See you later."

"Bye," humalukipkip siya kasabay ng butong hininga matapos makipag-usap sa matanda. "Si Don Guillermo iyon, siya ang pinagkakautangan ng family namin, He's inviting me for a dinner date tonight," sagot niya sa mga tingin ni Lito na tila gustong sabihing magkuwento siya.

"Pumayag ka naman?"

"I have to. Wala akong magagawa until I did not settle things with him. I must go with the flow for a while," malungkot nitong sabi.

"Pero paano ang pagkikita ninyo ni boss?"

"Maaga pa naman, hindi naman siguro kami aabot ng before 6 pm."

Tumunog ang cellphone ni Lito. "Yes boss, we'll be there," sagot nito at tumingin kay Maricon. "Papunta na daw si boss sa meeting place."

Tumango lang si Maricon saka na siya niyaya ni Lito sa sasakyan. Nang makarating sila ni Lito, andun na si Gilbert at naghihintay.

"Sensya na boss, medyo na-delay kami," maumanhin ni Lito.

"It's alright," matipid na tango ni Gilbert.

Niyakag sila ng binata sa isang mamahaling wedding shop. Nauuna sa paglakad si Gilbert habang may kausap sa cellphone nito. Nakabuntot lamang sila ni Lito sa kanya. At paminsan-minsan ay nagkukuwentuhan ng mga bagay tungkol sa mga lugar sa Pilipinas at New York. Nang marating nila ang shop, pinapili siya ng mga ready made na wedding gowns. Isa-isa niyang isinukat ang ilang mga suggested gown ng sales lady at maya-maya ay lumalabas ng dressing room upang irampa sa dalawa at apruban kung okay na.

"Wow, you look so lovely, Connie," nanlalaking matang puri ni Lito ng lumabas siya ng dressing room suot ang isang laced mermaid style off shoulder off white sexy wedding gown. Humubog kasi sa katawan niya ang damit at naging elegante ng maisuot niya.

"Do you think this is okay Lito?" Pag-aalala nito na tila daring para sa kanya ang sinukat na gown. Napatingin siya kay Gilbert na noon ay busy sa pakikipag-usap sa cellphone.

"Okay iyan, maganda..... maganda," maluwag ang ngiting sang-ayon ni Lito saka binalingan si Gilbert. "Di ba boss? She's very gorgeous with that gown?" Tanong niya rito ng makuha ang attention nito at mabilis ding ibinalik ang tingin kay Maricon at muling sinipat ng tingin.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon