CHAPTER 11 - Jealousy

3K 72 1
                                    

"Boss, there is a new restaurant near the Grand Central Terminal, some of my friends saying the food being served there is superb. Would you like me to drive you there?" Nakangiting suhestiyon ni Lito habang sakay sila ng minamanehong sasakyan ni Gilbert, galing silang tatlo sa isang business meeting ng araw na iyon.

"If you wish, let's try it," nakangiting sang-ayon ni Gilbert saka nilingon sa backseat si Maricon na nagbabrowse ng kanyang cellphone.

"I'm tired, I want to go home, nagpaluto ako kanina kay Miss Martha ng pagkain natin, let's do it home, makakatipid pa tayo," sagot nito ng hindi tumitingin sa dalawa, patuloy lamang itong nagsa-swipe ng kanyang cellphone.

"The wife has rejected the idea, sorry for that, let's just have it next time," nangingiting sabi ni Gilbert kay Lito.

"Oo nga boss, mahigpit si kumander," nakangiti ring komento ni Lito.

Pinagkunutan lamang sila ng noo ni Maricon habang patuloy parin itong nagbabrowse sa kanyang cellphone.

"Did you follow up with Mrs. Walter? How is it?" Pag-iibang tanong ni Gilbert kay Lito.

"Actually, I personally visited her office, but I'd learned that she's still in Australia for vacation."

"By the way, New York real estate sent me an email this morning attached the invitation regarding their model units viewing tomorrow with their cocktail party as well," singit ni Maricon.

"Okay, we'll have it," sagot ni Gilbert habang nakatingin sa dinadaanan.

"May appointment kami bukas ni Lito sa time square," wika ni Maricon.

"For what?" Tanong ni Gilbert saka tumingin sa sunshield mirror ng sasakyan na nasaharapan niya upang sulyapan si Maricon sa backseat imbis na lingunin kagaya ng ginawa niya kanina.

"Follow up details of the new brand shirts with Mr. Bradley," sagot ni Maricon na bahagyang sumulyap din sa salamin upang salubungin ang tingin ni Gilbert at agad ring tumingin sa hawak na binabrowse na cellphone screen.

"Boss kasama sa mga shipments natin next month iyon sa Pilipinas," singit ni Lito.

"Do the follow-ups Lito. I must have Connie tomorrow at the event," marami sa sinabi ang utos.

Hindi na kumibo ang dalawang kausap.

Kinabukasan nga ay magkasama sila ni Gilbert sa event. Tulad ng dati, panay ang bati sa kanila ng mga kakilala nila at ang ibang hindi pa niya kakilala ay ipinakikilala siya ni Gilbert bilang Mrs. Servantes. Lagi lamang siyang nakasunod kay Gilbert, paminsan-minsan naman ay may mga medyo ka-close siyang nakikita at nakikipagkuwentuhan siya dito. Sa tinagal-tagal kasi niya sa pagtulong at pakikipagtransactions in behalf of Gilbert, nagkaroon narin siya ng ibang mga kakilala sa larangan ng negosyo. At kung dati ay bagot na bagot kapag nakikinig lang sa mga kuwentuhan nila Gilbert at kaibigan sa negosyo, ngayon ay nakikipagsabayan narin ito kahit papaano.

May mga ibang familiar client ding bumabati sa kanya at nakikipag-converse. Maya-maya ay naiiwanan siya ni Gilbert habang nakikipag-meet and greet siya sa ibang kliyenteng kakilala siya, habang si Gilbert naman ay panay rin ang bati at tawag sa kanya ng mga business associates nito. Subalit maya-maya lang ay hinahatak siyang pabalik sa kanya ni Gilbert matapos i-excuse sa kung sino man ang kausap.

"Ginuguwardiyahan ba ako netong fake husband ko?" Kuno't noong naisip niya ng makahalata. "Hindi naman siguro, nais lamang niya akong ipakilala malamang sa kanyang mga business acquaintances," siya narin ang nagtama sa naisip.

"Hi Angie! How are you?" Magiliw na bati niya sa isang blonde hair na tumawag sa kanya. Sandali niyang iniwan si Gilbert na nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon