CHAPTER 6 - Make me yours!

3.2K 96 0
                                    

Nagtuloy sa bahay ni Don Guillermo ang dalaga pagkagaling kay Gilbert.

"It's a surprise that you're here visiting me without calling you Connie," maluwang ang pagkakangiti ng Don habang palapit siya kay Maricon na naghihintay sa sala. "I told you that my driver will pick you for gown fitting. Why came so early?" Dugtong pa at tangkang hahalik ang Don sa kanya ng iwasan niya ito. Pilit na itinago ng Don ang kanyang pagkapahiya at dismaya.

"About last night, I am worried about you, and keep on calling you, but you rejected all my calls, I am thinking that you really mad at me," wika nito.

Hindi parin kumibo ang dalaga.

"Please sit down. Make yourself comfortable, this will be your home soon eventually."

"I won't stay long Don Guillermo,"seryosong sabi ng dalaga na nanatili pa ring hindi umuupo.

"I told you just call me Guiller, you'll be my wife soon," naupo na ang Don ng hindi tuminag si Maricon sa pagkakatayo.

"I have the check here, a blank check actually," inabot niya sa Don ang cheke.

Kumunot ang noo ng matandang mestiso habang tinatanggap ang cheke. "What is this check for?"

"Payment for my obligations," may pagmamalaking sagot ni Maricon.

"Instead of marrying me? Is that what you are trying to imply?" Unti-unting rumerehistro sa mukha ng Don ang galit.

"Yes. I'm buying my freedom?" Walang kurap na sagot ng dalaga at ikinagulat niya ang ginawang pagpunit ng Don sa hawak niyang cheke.

"I don't know where you got this damn check! But I tell you, I am not selling you! I don't want money, because I have a lot of it, but it is you that I want! And I need! I'd already invested for you," galit at madiing sabi ng Don.

Pakiramdam ni Maricon ay muling gumuho ang kanyang mundo, daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon, kahit anong pigil ng kanyang emosyon ay pilit na naglaglagan ang kanyang mga luha.

"Our wedding will push through as it was scheduled!" Matigas na sabi ng Don. "Nobody is allowed to interfere!" Madiin nitong muling sabi.

Nagkuyom ng kamao si Maricon, galit na galit siya sa response ng matanda sa effort niyang humanap ng paraan upang makabayad siya dito, subalit walang silbi pala ang lahat.

"I already told you that I did what I've done just to have you, and knowing that I already have what I want, I will never! .....never allow anybody to meddle with it! And even you, cannot do something about it! You already bonded with me Maricon! So don't think of any reasons to get out of it, you're just wasting your effort in trying to do so!" Madidiin ang bawat salitang binibitiwan ng Don at may kalakip na galit.

Walang nasabi si Maricon sa halip ay muling walang paalam na tinalikuran si Don Guillermo. Pumara siya ng taxi, wala siyang alam na pupuntahan at tatakbuhan kung hindi ang bahay ni Gilbert.

Malalaki ang hakbang nitong pumasok sa loob ng bahay pagkabukas ni Martha sa pintuan, tumuloy siya sa kuwarto ni Gilbert, doon kasi siya nakakita ng alak, kanina pa sa taxi niya pinipigilan ang nagpupuyos niyang damdamin, panay ang punas ng mga luha niya upang hindi masyadong mapansin ng taxi driver ang kanyang pag-iyak, gusto niyang lunurin ang sarili sa alak ng oras na iyon. Alam niyang wala pa si Gilbert at Lito. Nakarinig siya ng katok sa pinto ng kuwarto.

"Miss Connie, are you okay?" Sinundan pala siya ng tigalinis at nag-aalalang tinanong.

"Yeah, I'm fine, I just want to be alone, please," umiiyak niyang sagot.

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon