Zachery's POV
"Zachery?!" "O-Oliver?" Sabay naming sabi sa isa't isa.
"What the hell are you doing here?" Tanong niya nang makabawi siya sa pagkagulat.
"Sinama ako ni Owy dito." Sabay turo ko sa katabi kong-
Nagtakip agad ako ng mata. Pesteng balaki 'to! Napaka bastos! Di ko napansin na naghubad na pala siya ng tshirt niya. Nakita ko tuloy yung malalaking muscles niya pati yung...yung six pack abs niya mga ateng! Ay, ang halay ko!
Nabigla ako ng higitin ako ni Oliver sa kanya.
"Owy, madamit ka nga. May kasama tayong babae." Malamig na sambit ni Oliver sa kapatid niya na ngayon ay may nakakalokong ngisi sa mukha.
Iniinis niya ba Kuya niya? Well, kung oo, congratulations sa kanya. Kasi kitang kita ko sa mukha ni Oliver ang pagkaasar habang hila hila ako papunta sa garden nila.
Kita ko ang galit, inis, lungkot at sakit sa mata niya ng tumigil siya at humarap sa akin. "A-anong ginagawa niyo?" Nakayuko niyang tanong.
Nagulat ako dahil sa amo at lumanay ng boses niya. Akala ko kasi magagalit siya at sisigawan niya ako. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at hinawakan iyon. Tumunghay siya at sinalubong ang titig ko.
"Niyaya niya ako na umalis. Hindi ko alam na dito pala kami pupunta." Sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti.
"Ano ba 'tong ginagawa mo, Zachery?" Nanlambot ako ng marinig ang pagkabasag ng boses ni Oliver. "Nilalamon na ko ng selos. At natatakot akong mahulog ka ng tuluyan sa kapatid ko. Na mahulog ka sa laro niya. Ayaw ko ng masaktan ka na naman. Tama na 'to, please?"
Oliver is special to me. He's my friend and he's always there for me. Good times and bad times. But as long as I want to return the feelings he has for me...I can't. Sabi nila, kapag lalo mong pinagpipilitan, hindi mo iyon mapapantayan. All this time, I'm wishing, hoping and praying na...sana si Oliver na lang.
While here is his brother. Na wala namang ibang ginawa kung hindi pagtripan ako, insultuhin, paglaruan...bakit siya? Bakit ang dali lang noong siya ang dumating?
Love comes through the most unexpected ways.
Kalokohan. Pero may katotohanan. Shit lang talaga!
Umiling ako kay Oliver. "Hindi ako mahuhulog sa kanya. I'm a cactus." Malakas na sabi ko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at tsaka bumulong. "Yan na 'yung chant sa utak ko. I won't fall. I'm a cactus. Pero tama nga sila...hindi nadidiktahan ng isip ang puso."
Owy's POV
"Hindi ako mahuhulog sa kanya. I'm a cactus." Madiin na sabi ni Zachery at niyakap si Kuya.
I felt hundreds of needles stabbing my chest. What's this? Why am I feeling this?
I've been true today to you, Zachery. Sa tingin mo ba palabas pa din 'to? Bakit ko ba ginagawa 'to?
Ah! You're one hell of a lucky Zachery Perez. Because for the second time around, I'll be dead serious.
BINABASA MO ANG
Deal Or No Deal
Random"I am a damn heart breaker. I always play with girls. Innocent nor b*tches. She did it to me, I'm just getting even." -Oelejim Calderon "I am the Cactus Queen, as they say. I don't care. I'm a damn man hater. He cheated on me. That's why all boys ar...