Chapter 15

45 1 5
                                    

Zachery's POV



Today is the day.




*beep! beep!*




Tinignan ko muna sa salamin ang sarili ko. Kung maayos ba, malinis at kung mukhang dyosa na ba ako. Well, natural naman talaga 'yon, kaya lang hindi talaga maiiwasang ma-conscious.




Charot!



Nang makuntento na ako sa itsura ko ay dali dali akong bumaba at nagbilin na din kila Manang, saka ako lumabas ng bahay. Nakita ko agad ang lalaking naka-uniform, matangkad, maputi, may mahahabang pilik-mata, kumakaway na dimples, mapupulang labi, expressive na mga mata, matangos na ilong—



Yuck! Ew!



Umuulan ng papuri para sa balaki na 'to? Masyadong makasalanan ngayon ang utak ko, puro kasinungalingan!



"Oh!" Mabilis siyang lumapit sa akin at inabot ang panyo niya.



Tumaas naman ang kilay ko sa kaniya. Tinignan ko ang panyo niyang nakalahad. Gagawin ko dyan?




Nagulat ako ng pinahid niya iyon sa gilid ng labi ko. Napaatras ako sa ginawa niya. "Tulo laway ka, concern lang." Hambog na sabi niya sabay halukipkip.



Yabang talaga nitong balaking 'to! Di naman tumulo laway ko, ah? Ugh, bwiset!




Inirapan ko na lang siya at sumakay na ako sa chevy niya. Pinagmasdan ko siyang umikot papunta sa driver's seat na tumatawa. Yabang talaga!



"Bakit sinundo mo pa ako? Parehas ba tayo ng oras ng pasok ngayon?" Tanong ko ng makasakay siya.



Imbes na sumagot ay may kinukuha siya sa likuran ng sasakyan. Nagulat ako ng makita ko kung ano iyon— bouquet of red roses, my favorite chocolates and...a paper card?



Teka, bakit may ganito pa? Tapos na ngayon 'yung deal, ah? Ah, baka dahil last day na, he's giving his 101% best to make me fall. He's really serious about this deal, huh? Masyadong nanghihinayang sa two hundred thousand niya.



Does money really matters most more than anything else? What a world.



"Nope. Rest day ko today. Ihahatid lang kita." Sagot niya sa tanong ko kaya nginisian ko siya. Kumunot naman ang noo niya sa reaksyon ko.



Hindi ko na iyon pinansin. Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit.






"Zach? Zach, nandito na tayo." Naalimpungatan ako ng marinig ko iyon.



Psh, may pasok pala ako ngayon! Feeling ko nasa bahay lang ako. Hinatid nga pala ako ni Owy sa school. Umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko. Kinuha ko 'yung mga binigay niya na ipinagtaka niya naman. "Why are you bringing those? Susunduin naman kita mamaya. Mahihirapan ka lang sa pagdala niyan." Sabi niya habang nagtataka akong tinignan.



Naka-set na kasi sa utak ko na kapag dumating na ang araw na 'to, wala na 'to lahat. Though honestly, mamimiss ko 'to. Nakasanayan ko na 'to, eh. But I shouldn't settle for these acts. Yeah, acts.



Tumango ako tsaka binalik 'yung bulaklak. Iyong paper card tsaka chocolates, nilagay ko sa bag ko. Kakainin ko mamaya, bakit ba. Kinalas ko 'yung seatbelt ko at bago ko pa mabuksan 'yung pinto ay nagawa na ni Owy. Ang bilis ah.



"If that's your best shot." Bulong ko pa.



"Huh?" Narinig niya kaya?



Umiling ako sa kaniya. "Nothing. Bye, ingat." Sambit ko tsaka dire-diretsong naglakad palayo sa kanya at di na ko lumingon ulit.



****



"Ano na, bes?" Tanong ni Miaca sabay lapag ng pagkain namin.



Ang tinutukoy niya ay about sa deal and kay Owy. Nandito kami sa usual spot namin sa cafeteria. Kakatapos lang ng dalawang subject namin and one more later.



Bumuntong hininga ako na ikinakunot ng noo niya. Alam kong mukha akong problemadong ewan ngayon.



"Gosh, bes. Extra sweet pa siya ngayon. He's really serious about this deal and hurting me!" Iritadong sabi ko sabay hampas sa braso niya na ikina-'Aray' niya naman. "He gave me red roses, my favorite chocolates, and— uh, paper card?"



"Gaga! Letter 'yun! Parang 'di sanay tumanggap ng letter 'te?! Sabagay, papel papel lang naman 'yung iba. Anong laman ng letter?!" Excited na tanong niya. Sumimangot ako sa kaniya. Best friend ko ba 'to? Pinaglalaruan na ko, natutuwa pa?



"Hindi ko alam. Mamaya ko pa babasahin." Tamad na sagot ko saka nagsimula ng kumain.



Tumango siya pero nakangiti pa din. Tanggalan ko 'to ng ngipin eh! "Aaminin mo ba sa kaniya? I mean, 'yung feelings mo—"



"No!" Sigaw ko.



"Woah! Alright, alright! G na g, 'te?" Natatawang sabi niya.



Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali pa ay natapos na kami at nagdesisyon na bumalik sa room namin. Malapit na kami ng marinig namin ang ingay sa room namin. Nagkatinginan kami ni Miaca.



I also don't know what's happening, girl.



Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Nang makarating kami ay pareho kaming natigilan ni Miaca.



Lahat ng kaklase namin may hawak na red balloon. May petals sa floor. Lahat sila nakangiting nakatingin sa akin. Weird.



Narinig ko naman ang strum ng gitara at palo sa beat box. "One, two, three, go!" Sigaw pa ng kung sinong nilalang.



Sino kayang nilalang ang gagawa neto? Well, kung sino man siya, ANG KORNI NG BUHAY NIYA. Puro love life, musta aral? Hay nako.



Dumiretso ako sa pagpasok habang naka poker face lang. Sinusundan nila ako ng tingin. Chararat kayo, wag niyo kong tignan! Sarap sanang isigaw, eh.



"Oh, ang isang katulad mo

Ay di na dapat pang pakawalan.

Alam mo bang pag naging tayo,

Hindi na kita bibitawan.

Aalagaan ka't hindi pababayaan—"



Parang niyanig ang mundo ko ng makita kung sino ang kumakanta. All smiles siya habang pumapalo sa beat box. Nakasuot ng puting long sleeves na nakatupi hanggang siko at black pants.


Owy


Di ko namalayan na tapos na siyang kumanta. Nandito na siya ngayon sa harap ko nakatayo kaya tumayo na din ako. Nagtilian ang mga kaklase ko. Lalandi niyo, uy! Mauna pa kayong kiligin kesa sa akin?



"Hindi ko alam kung alam mong nanliligaw na ako sayo mahigit isang linggo na ang nakalilipas. Syempre wala naman akong sinabi sayo.." He scratch his nape. "Pero ngayon, alam mo na!" Tumawa naman siya. Baliw na ata 'to. Huminga siya ng malalim at maigi akong tiningnan.



"Zachery Feigh, I am courting you." That's not a question. He did not even ask for a permission. For damn's sake, what's his problem? Really?



Anong pakulo 'to?



"Sabi kasi nila, kung gusto mo talagang ligawan 'yung babae, pumayag man o hindi, liligawan mo! Gusto mo eh, diba? Paghirapan daw dapat. Nagpaalam ka man o hindi, dapat magpursige ka." He steps closer to me and he smiles.







"Because the person who is worth having is worth waiting and fighting for."

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon