Chapter 5

51 3 1
                                    

Zachery's POV

After namin kumain, nag arcade kami saglit. Saglit lang. Ang KJ kasi ng kasama ko eh. Hay!

Papunta kami ngayon sa haven nya daw. It's past 11 PM na din kaya medyo malamig na.

We stopped sa medyo madilim na lugar.

"Oh, suot mo 'to. Malamig na, kapos pa naman yang tela ng damit mo." Sabay bato sa akin ng jacket niya.

Sweet naman pala eh.

Sinuot ko muna yun bago ako bumaba. Nilapitan ko agad siya.

"Where are we?" Tanong ko habang nakatingin sa direksyong tinitignan niya din.

Inabot nya sakin yung chips na binili namin kanina, dala nya naman yung beers and soft drinks bago nagsalita.

"Dulo ng syudad. A place where we can relax." Aniya at ngumiti sakin tsaka naglakad.

"Relax? Ang dilim dilim oh. Ang creepy kaya dito. Many trees, so silent. Baka may manakmal satin dito ha!" Promise nakakatakot kaya. Ang lalaki pa naman ng mga puno.

"Tsk! Daldal mo!"

Sungit! I pouted kahit di niya naman kita. Sumunod na lang ako. Maya maya pa, huminto siya. Woah, may wooden table dito! Astig!

And the view, oh myyy. City lights. My heart just dropped. Ang peaceful ng aura. Paano kaya nalaman nitong unggoy na 'to itong lugar?

"I've once ran away. Away from this world full of bitches. Then, my feet dropped me here. This place gives me peace of mind." Sagot nya sa tanong ko. Mind reader yata to eh.

"Hindi ako mind reader. Your face speaks it all. Haha!" Natatawa nyang sabi.

Kailan pa nagsalita ang mukha? Adik!

Naka isang canned beer lang ako, dalawa naman si owy. Oo binilang ko talaga, mamaya di kami makauwi eh. Hehe. Hindi kami nag uusap. Grabe, sobrang relaxing dito.

"Alam mo..." He trailed off. "Pwede kang maglabas ng sama ng loob dito. Shout. Shout as loud as you can. So it can ease the pain. Effective yun. Proven and tested." Sabi niya sabay tawa. Gwapo!

I let out a deep sigh. Siguro tamang lugar 'to para ilabas 'to. Sana nga maka tulong. Tumayo ako at tinitigan kong maigi ang kabuuan ng syudad. Hanggang unti unting bumalik ulit sa akin lahat. Naalala ko lahat ng saya, tawa, lungkot, sakit, yung pangloloko niya, at higit sa lahat...siya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! ANG TANGA TANGA MO KASI NILOKO MO KO! PERO MAS TANGA AKO KASI NAGPALOKO AKO! KASI TINIIS KO! KAHIT ALAM KONG MALABO NA, LUMABAN PA DIN AKO! KAHIT AKO NA LANG YUNG LUMALABAN! NILOKO MO NA KO'T LAHAT LAHAT, BAKIT GANUN?! BAKIT...mahal pa din kita?!"



Owy's POV

"...KAHIT ALAM KONG MALABO NA, LUMABAN PA DIN AKO! KAHIT AKO NA LANG YUNG LUMALABAN! NILOKO MO NA KO'T LAHAT LAHAT, BAKIT GANUN?! BAKIT" Tumigil siya sandali "mahal pa din kita?!" Halos pabulong niya na lang na sinabi.

At umiyak siya ng umiyak. Pero tahimik lang. Parang ayaw nyang lumikha ng ingay.

Sabihin niyo nga sakin, tama ba na sinabi ko pang pwede sya maglabas ng sama ng loob? Aba'y grabe naman pala yung dala dala nito eh! Kaya naman pala cactus 'to eh!

Tumabi siya sakin at nagkwento. All ears naman ako! Interesting kaya malaman ang reason kung bakit Campus Cactus Queen to!

"Two years ago, I had a boyfriend. We've been together for two years. Two fvcking years! His my puppy love, my first love. He cheated on me. Not just once, twice nor thrice, but five fvcking times. Nung una, sige okay lang. Mahal ko eh. Second chance, third chance, fourth chance. Pinagbigyan na, sinayang pa! Di ko na kinaya, parang di na ko tao nun. Masyado akong na-take for granted. Masyado kong nabigay lahat. Kaya heto, masyado ding nasasaktan." And she smiled at me. A sad one.



Nobody understands you for being rude at men, for being heartless, but I do. Now, I do.

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon