Zachery's POV
"Nandyan pala si Tita Carol?" Tanong ni Oliver ng maka-sakay kami sa kotse niya.
Sinundo niya kasi ako sa bahay.
"Oo nga eh. Nagulat na lang din ako kagabi." Seryosong sagot ko.
Pinaandar na niya ang kotse niya. He's uneasy. Why? Hinawakan ko siya sa braso niya kung kaya't bigla siyang napapreno.
"Sorry, sorry! Okay ka lang ba?" Tarantang sabi niya.
"Ikaw ang dapat tanungin niyan. Okay ka lang ba? Come on, Lance. What's bothering you?"
Nag iwas siya ng tingin at pinaandar ulit ang sasakyan niya. Akala ko hindi niya na ko sasagutin...
"So you know what Owy is up to?"
So that's it. "Yeah."
Tumingin muna siya sa akin sandali bago ibinalik sa kalsada ang tingin.
"How?"
"Ex" Tipid na sagot ko.
"What?! Nag uusap na kayo?!" Sigaw niya.
OA talaga nito eh. Hahaha!
"Hahaha, just once. Nung sinabi niya lang sakin yung tungkol nga sa deal nila ni Clarence."
"Really, Z? Nakakatawa ka pa? He's playing with you!" Iritang sabi niya.
"Then we will play. Leave this to me, Lance." Kampanteng sagot ko.
Saktong tigil namin sa University. Tinignan niya ko ng parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"We'll see kung gaano kagaling 'yang kapatid mong magpa-fall. At kung gaano siya katinik sa pagiging heartbreaker."
Sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya.
"Bye, Lance. Thanks! Drive safely." Pahabol ko.
Tumango siya at tipid na ngumiti.
Alam ko namang nag aalala lang siya sa akin. I think I can handle this. I want Owy to learn his lesson. That not all girls he can get.
"Bes!" Sigaw ni Miaca. Bahala ka dyan, tinatamad akong lumingon. Hahaha!
"BEEEEESSSS!"
"Anak ka ng patola! Naman oh!"
Sumampa lang naman siya sa akin. Madalas niya yang gawin. Buti nga hindi kami nasusubsob eh.
"Hahahaha! Anak ako ni Eric at Cara. Hindi ni Patola." Sabi niya na parang ang bobo ng kausap niya.
Binagsak ko siya. "Awww! Ang sweet mo talaga!"
My turn to laugh. Hahaha! Tinayo ko siya, syempre mahal ko pa din 'yan.
Nagkalkal naman siya sa bag niya ng kung ano. Ano bang hinahanap nito?
"Uy baliw! Ano bang hinahanap mo dyan?" Tanong ko sabay usisa na din sa bag niya.
"Blade" simpleng sagot niya.
"Ay bakit? Papaayos kang kilay? Kakaayos lang natin nung nakaraan ah?" Baka mawalan na 'to ng kilay.
"Tanga, be-blade-in kita! Bessssss" Sabi niya ng may nakaka kilabot na ngiti.
Tumakbo ako, naghahabulan kaming parang bata habang tawa ng tawa.
"Zachery?" Napatigil kami sa pagtakbo sa nagsalita.
I smiled. "Oh, Owy?"
"Uhm...Can we talk?"
"Yeah, sure. Bes, maya na lang ah!"
Tumango naman si Miaca. Papunta kami sa rooftop ng building. Habang papunta naman kami ay maraming mata ang nakatingin sa amin. Who wouldn't?
Cactus Queen and the Heartbreaker, together? Parang sabay kaming maghahasik ng pusong sawi sa buong campus.
Tahimik kaming nakarating sa rooftop. Hindi siya nagsasalita kaya ganun din ako. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Tinitingnan ko siya with my blank and cold expression. Samantalang siya, bakas ang pagtataka at maraming katanungan.
Hanggang sa binasag niya ang katahimikan. Buti naman, akala ko magpapa-bad breath lang kami dito eh.
"About the deal."
"So?" Bored na tanong ko.
"Paano mo nalaman?" Seryosong tanong niya.
"Anong dapat mong gawin?" Tanong ko din.
"Sinong nagsabi sayo?"
Na-ah, not so fast boy.
"Magkano ba taya?" Tignan natin sinong bibigay.
"Bakit di mo ko inaway nung nalaman mo?"
"Bakit ako pa pinagpustahan niyo?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Bakit sumasama ka pa din sa akin kahit na alam mong pinaglalaruan lang kita?"
"Hindi niyo ba naisip kung anong mararamdaman ko?"
"Hindi ka ba natatakot masaktan?"
"Hindi ka ba natatakot na yung tinuturing niyong Cactus Queen ang pinaglalaruan mo?"
Mabilis na palitan namin ng tanong.
"Ugh! Damn it! Okay, okay! Two hundred thousand pesos. Make you fall then dump you after."
That's it. I slapped him real hard. Serves you right.
Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad paalis.
"Sandali! Gusto kong sabihin sayo na sa ilang linggo tayong magkasama, totoo lahat ng pinakita ko. Hindi ko naiisip yung deal pag kasama kita. Gusto kita, dati pa. Kaso cactus ka eh."
Huminto ako at humarap sa kanya. Tinignan ko siya ng matalim.
Ngumisi ako sa kanya.
"Gusto din kita, dati pa. Kaso gago ka, so wag na lang."
BINABASA MO ANG
Deal Or No Deal
Random"I am a damn heart breaker. I always play with girls. Innocent nor b*tches. She did it to me, I'm just getting even." -Oelejim Calderon "I am the Cactus Queen, as they say. I don't care. I'm a damn man hater. He cheated on me. That's why all boys ar...