Zachery's POV
"Miaca Rouisse! Nasaan ka ba?" Para na akong batang inagawan ng barbie dito.
Paano ba naman kasi, bigla bigla na lang 'tong nawawalang babaitang ito. Kahapon lang kasama ko siyang gumawa ng assignment namin na nauwi sa shopping. Minsan ang sarap na lang itapon nitong babaeng 'to sa ilog pasig, eh. Pasalamat siya best friend ko siya!
“Ano lang, nandito sa...ano..” Magulo niyang sagot sa kabilang linya.
“Kokotongan na kita, Miaca, ha. Nagtatago ka na ba sa akin? Akala ko ba best friend mo ko?” With feelings pa talaga ‘yung last sentence para ganap ang pag iinarte. Pak!
“Hay! Naku naman oh! I'm in a amusement park. In a far, far, away land. A land where you can't follow me!” Ramdam kong bumelat pa ‘yan, kahit alam niyang ‘di ko iyon makikita.
Hay, paalala niyo nga sa akin kung paano at bakit ko ba kaibigan ‘tong baliw na ‘to. Kidding aside, kahit konti na lang masisiraan na ‘yan ng bait, lhaBsxzs ko ‘yan! She's my half that's why I valued her a lot. Oh diba, ang sentimental ko na naman!
“And who's with you, my dear best friend?” Tukso ko sa kaniya.
“Miaca, here's your food.” Dinig ko sa kabilang linya. Oh my god! “Hey, bes! I'll just call you later. Take care, bye!” Sabi niya at binaba ang tawag.
Lalaki ‘yung boses ah! May ka-date si Miaca? And if I'm not mistaken, that's Ullyses! My goodness! Well, he's kind of nice, quiet, and— but hell! He's one of U-hearthrob, therefore he is also a chic magnet! Or worse, a total manwhore!
Naagaw ang atensyon ko ng mag vibrate ang phone ko. May nagtext.
From: Miachaka
Stop over thinking, chararat. He's a nice guy. Trust me with this. xoxo
I heaved a deep sigh. Alright, trust her, Zach. She can handle herself. I'm just worried. I don't want her hurt. I don't want her to suffer what I'd suffered.
Kinuha ko na iyong sling bag ko at tumayo. Pinasadahan kong muli ng tingin ang mukha ko sa salamin. I'm wearing a button down white and gray dress and a sneakers. I just put some powder and a lip shiner. Nothing more. Lalarga na si watashi!
“Manang, tumawag na po ba si Mommy?” Tanong ko nang makababa ako.
Pinasadahan ako ng tingin ni Manang Len tsaka ako sinagot. “Hindi pa, hija. Aalis ka?”
Hay. Tinanguan ko si Manang at nagmano. She's like my second mother. All my life she's with me. “Kila Owy lang po, manang...”
“Mag iingat ka. Sasabihin ko agad sa iyo kapag tumawag na ang iyong mommy.” Aniya at ngumiti sa akin.
“Opo, salamat po..”
Agad akong sumakay sa sasakyan na nandito. Yes! Makakapag drive na ako! Actually, marunong na ako dahil tinuruan naman ako noon ni Oliver. Ngayon ko lang mata-try. Nakaka-excite tuloy!
Palabas na ako ng gate with 20 as my speed. Nakaka-kaba din pala ‘to. Mabilis kong inapakan ang brake nang may tumigil na sasakyan sa harap ko! Nasapo ko ang dibdib ko sa sobrang gulat at kaba. What the hell?!
May kumatok sa window sa side ko kaya binaba ko iyon. Sinalubong ako ng galit na mukha ni Owy. Tsk! Sapakin ko ‘to eh! Siya pa ang galit?! “What?!” Iritadong sabi ko sa kaniya.
“Baba.”
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Inuutusan niya ba ako?!
“Who told you to drive? I told you that I'll pick you up, right? Now, get down.” Mahinahon ngunit mariin niyang sinabi. My knees got trembling with his words. Seriously?!
Bumaba ako. Right! Tsk, swerte nitong pangit na ‘to, wala akong time makipag argue sa kaniya! May usapan kasi kaming pupunta ako sa kanila because he wants me to bake a cupcake. Sabi ko ako na ang bahala pumunta sa kanila eh. Pero dahil siya si Owy, tatlo ang bunbunan niya kaya mas makulit pa siya sa makulit.
“Naka-ready na lahat ng kailangan mo sa kitchen. Bakit may carrots?” Aniya ng makapasok kami sa mansyon nila.
Since hindi kumakain si Owy ng gulay, I've decided na gamitin na lang ang carrots for cupcakes. Yes, I'll make carrot cupcakes. “Carrot cupcakes” Simpleng sagot ko sa kaniya at naglakad na ko diretso sa kitchen nila. Truly, nakahanda na nga lahat.
I removed my bracelet and watch. Of course, that's an etiquette. I didn't wore a hair net, though. But I put my hair into a bun. Nung apron na ang isusuot ko ay inuna kong tali ang sa ibaba dahil hindi ko matali ang sa taas. Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Owy sa batok ko. My goodness, what's happening to me? Tinatali lang niya yung apron, Zachery!
Within thirty minutes ay naisalang ko na sa oven ‘yung cupcakes. Sana lang talaga nagawa ko ng tama! Paano ba naman kasi, all this time, nakatitig lang sa akin si Owy! Nakakainis nga eh, pinapaalis ko kasi nahihiya ako pero nginingisian lang ako. The nerve of that guy!
“So...” Pagsisimula niya habang hinihintay ma-bake ‘yung cupcakes. “I want to ask something. May I?”
I smirked at him. “Why so formal, balaki? But, you may.”
He nodded at me. “Mahal mo pa ba ‘yung ex mo? Yung nangloko sa'yo.”
Aray ha! Ipagduldulan ba namang niloko ako? Sakit, bes!
Binuksan ko ‘yung oven tapos tinusok ko iyong toothpick para i-check kung okay na ba. May sumama pa sa stick kaya binalik ko iyon ulit. Humarap ako sa kaniya tsaka nagsalita. “Siguro...” I pointed my heart and added “Masakit pa din, eh.”
Tumango siya sa sagot ko. “Sino ba siya?” Imbes na sagutin siya ay nginitian ko lang siya.
No, you don't need to know. You shouldn't...
“Hindi ko ba pwedeng malaman? Kilala ko ba? Ano?” Nagtataka niyang tanong. Ugh, Owy, why are you so curious?!
“Gusto mo ba talagang malaman? Gusto mo ba talagang makilala kung sino?” Hamon ko sa kaniya na agaran niyang tinanguan. “Bakit?”
“Gusto ko lang makilala ‘yung gagong nanloko sayo para masapak ko.” Proud niya pang sagot na akala mo isa na siyang hero. Psh!
Nginisian ko siya. “Gago ka din diba? Sapakin mo na sarili mo.”
Kumamot siya ng ulo tsaka tumawa. “You got me there. Tsk!” Maktol niya kaya natawa na din ako.
“You really want to know, Posadas?” Paninigurado ko. Tumango naman siya ulit sa akin. “Who are your best friends again?”
Kumunot ang noo niya sa akin. Kahit nagtataka ay sinagot niya ako. “Well, of course, Kuya Oliver then Biboy, Cav, Ully, and lastly, Ranz.”
I sighed and smiled a bit at him. “The last one.”
“Ha?”
Tinalikuran ko na siya at inasikaso ang cupcakes. Ang slow, psh!
Nang maintindihan niya siguro ang ibig kong sabihin ay halos mapasigaw siya. “Si Ranz Kyle ‘yung ex-boyfriend mo?!”
BINABASA MO ANG
Deal Or No Deal
Random"I am a damn heart breaker. I always play with girls. Innocent nor b*tches. She did it to me, I'm just getting even." -Oelejim Calderon "I am the Cactus Queen, as they say. I don't care. I'm a damn man hater. He cheated on me. That's why all boys ar...