Chapter 7

51 3 0
                                    

Zachery's POV

Galing kami sa lungga ni Owy. Hindi kami nag usap. Okay lang naman, masarap lang manahimik dun eh. Nakaka-relax.

Oh, bukas pa ilaw sa bahay? 11:30 na ha? Tinigil ni Owy yung sasakyan niya sa tapat ng bahay.

"Iandar mo, balaki. Doon" sabay turo ko sa kabilang street.

"Ts! Oh ayan na!" Sungit.

I patted his head. "Good boy"

Kumunot naman noo niya. "Ano ako, aso?"

"Ay, hindi ba?" Asar ko sa kanya.

"Tsk! Napipikon na ko ha. Kanina balaki, ngayon naman aso. Sasapakin na kita!" Uy, init ng ulo. Hahaha!

"Oh my gosh, I'm scared." Walang ganang sabi ko at lumingon sa bintana sa tabi ko.

"Bumaba ka na nga!" Sabi niya kaya tinignan ko siya.

Sakto naman tinatanggal niya yung seatbelt ko. Sh*t, ang lapit ng mga mukha namin.

Tinatambol na naman yung dibdib ko. What are you doing to me Owy?

I felt his lips on my lips.

One

Loading...

Two

Loading...

Three

Loading...

Napaatras agad ako kaya nauntog ako sa salamin.

"Arayy!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko.

"Sh*t! I'm sorry, Zach!" Sabi niya ng makabawi sa gulat.

"Aray, tongue in s naman oh! Ba't ka ba kasi nanghahalik?!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Pero bakit ganun? May parteng gusto ko yung nangyari.

Oh shut up girl, malanding nilalang ka tonight ha!

"A-ano, hindi ko naman s-sadya eh!" Sabi niya at nag iwas ng tingin.

Lechugas! Bumaba na ko agad sa sasakyan niya at padabog na sinarado ang pintuan.

Kainis 'tong balaki na 'to!

"Uy Zachery! Sorry na." Aniya sabay hablot sa braso ko.

Naknang patola!

"Oo na, balaki!" With cross arms pa.

Para ganap ang pagtataray. Hehe.

"Uhm...Ah, gusto ko naman yung nangyari eh." Nahihiya nyang sabi.

Uminit ang mukha ko. Bakit kinikilig ako?!

"Shut up, balaki." Sabi ko sabay talikod at naglakad na papuntang bahay.

"Ingat babe! Bawasan ang blush on, masyadong mapula yung cheeks mo!" Sigaw niya.

Oh my, nakita niyang nagblush ako! Nakakahiya!

Umakyat ako ng gate. Tulog yung guard eh. Ayoko namang istorbohin. Bait ko diba?

Pagkabukas ko ng double doors namin, dire-diretso akong pumasok nang mapadaan ako sa salas...

"Where are you going young lady? We need to talk."

Natigilan ako. Wow, umuwi pala siya ngayon. Napailing ako.

I smirk "Mommy"




Owy's POV

Past 12 AM na ko nakarating sa bahay. Sumalubong naman agad sa akin si Kuya Oliver.

Nakatitig siya sakin na parang may ginawa akong kasalanan.

"Kuya?"

"You're with Zachery?" Seryosong tanong niya at lumapit sa akin.

"Yep. And guess what bro? Mukhang bibigay na." Natatawang sabi ko. Nakahalik na nga ko eh!

"So, hindi mo siya seseryosohin?!" Ha? Weirdo nito ni Kuya oh.

"Ha? Adik ka ba bro? The deal, remember?"

Napailing naman siya tsaka ako tinignan ng diretso. "Pwes ako, seseryosohin ko siya. Kaya pwede ba tigilan mo na yan, kasi di ko siya maligawan!"

Si Zachery? Liligawan ni Kuya?

"What?! Kuya, no! Akin siya!"

She's mine. Mine alone.

"No Owy. She's not yours. Matulog ka na." Aniya at umakyat na sa kwarto niya.

Si Kuya gusto si Zachery? Paano nangyari yun? Diba may gusto siyang iba? Baka naman si Zachery at yung babaeng mahal niya na tinutukoy niya ay iisa?!

Napasabunot ako sa buhok sa mga nalaman ko!

Kung ganoon nga, paano naman yung deal? Kakalabanin ko yung sarili kong kapatid?

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon