Chapter 3

94 7 4
                                    



Owy's POV



Nakapangalong-baba lang ako dito sa classroom. Kahit anong sikap kong intindihin ang sinasabi ng prof namin, eh ayaw rumehistro sa utak ko.



Anong iniisip ko?


Edi si Zach lang naman. This feelings sucks!


Lalo na kanina nung magkalapit ang mga mukha namin. Tinataksil ng puso ko ang isip ko.




Damn! So gay!




Di ko naman kasi naintindihan kung bakit tila may banda sa puso ko, at kanina nang lapitan nya ako eh parang nagdra-drums sila ng sabay sabay!


Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Shete!



Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko at bumalik ang naglalakbay kong diwa nang batukan ako ni Cav.




-________-





"Tapos na klase pre, walang wala ka sa sarili ha!" Tsaka sya tumawang tumawa.



Psh!


Oo nga wala ako sa sarili. Dahil dun sa babaeng yon! "Nag iisip lang ng pakulo pre" tsaka ako nagbigay ng makahulugang ngiti.




*********


Wednesday


Pareho kaming walang pasok ni Zachery ngayon. Naisip ko ding ngayon na lang sya yayain lumabas, para di sya tumanggi!

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin.


Shete otso!


Nangangalu-mata ako, hindi kasi ako nakatulog! Sa tuwing susubukan kong ipikit yung mata ko, yung mukha nung babaeng yun yung nag a-appear!

Tinawagan ko yung number na binigay nya sa akin. Matagal bago nya sinagot. Marahil tulog pa, 6:30 palang ng umaga! Haha.


Maya maya pa ay sinagot nya din...


"H-hello?" Bakas sa boses nya na kakagising pa lang neto. Garalgal pa eh.


"Hello?! Sino ba to?!" Agad kong nailayo ang cellphone ko sa tenga. Ang sakit!

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon