Chapter 8

50 3 0
                                    

Owy's POV

Bwiset naman oh. Alas dos na ng umaga.

Dear Antok,

Namimiss na kita. Dalaw ka naman, yung ngayon na.

Nagmamahal,
Owy pogi

Tapos wala pang makausap! Hindi ko naman makausap si kuya, snob ako eh. Famous. Hahaha!

To: Clarence

Pareyy, guess what? Naka-kiss na ko! Ready your money pareyy. HAHAHAHA

But that kiss...

It was not really my intention to kiss her. It just happened. Parang magnet siya at bakal ako na naattract.

Hindi ako makatulog dahil sa kiss na yon. Ano ba Owy, ang dami mo ng nahalikan ah? Ano ba naman yung dampi ng labi mo sa labi ni Zachery?

Nakakabobo na talaga 'to!

Naglaro ako ng kung ano ano. Pero di pa din ako dinadalaw ni pareng antok. Kaurat naman oh!

Sabi nila, ang tao daw kapag iniisip mo sa gabi hindi daw maka tulog. Eh kanina ko pa siya iniisip, so hindi pa din siya nakakatulog? Diba? Isa ka talagang henyo, Owy! Tawagan ko nga.

[Hello...Sino 'to?]

Tignan mo 'to, sasagot sagot ng tawag di man lang tinitignan kung sino yung tumatawag!

Ha! Pagtripan ko nga!

"Ako 'to. Mahal na mahal pa din kita, Zach." Sabi ko with feelings pa. Tang*na kadiri.

[.....] Bakit di nagsasalita?

"Zach?"

[ULUL BALAKI!!!] Aw sh*t! Sakit sa tenga. Parang full force yung pagsigaw niya. Tsk!

"Aray naman! Nakakabwiset naman to, makasigaw!" Tsk.

[Mga trip mo kasi eh! Bakit ka ba tumawag?!] Ts, high blood.

"Can't sleep." Simpleng sagot ko.

[Ah, kaya ka nangbubulabog ng tulog na?!] Naiimagine kong kasing taas na ng Eiffel Tower kung kilay niya. Sungit eh!

"Di ako makatulog kasi iniisip kita."

[.....]

"Zachery?"

I heard her sigh. [Owy, magkano?]

Kumalabog yung dibdib ko sa kaba kahit yun lang naman yung tanong niya.

"A-anong magkano?" Sh*t, wag kang mautal! Parang may ginawa kang kasalanan.

On the second thought, meron naman talaga diba?

[Do you really want to continue this game?]

Sh*t!

"A-ah...Uhm"

[Look Owy, magkano ba?]

Alam niya, fvck!

"Anong magkano?" Deny pa Owy, kaya mo yan. Tang*na.

[Don't play with me, or else...] Magkahalong galit at awtoridad ang narinig ko sa boses niya

"Or else what?"

[You will lose in your own game.]

Then the line went off.

Pinanlamigan ako ng katawan. Si Zachery lang nagparamdam sa akin ng ganito. Yung dapat maging maingat ako sa ginagawa ko. Dahil sa mga galaw ko, ako din ang talo.


***

Fvck, sakit ng ulo ko! Kinapa ko ang phone ko para tignan ang oras. 7 AM pa lang! Talong oras pa lang ako nakakatulog, may pasok pa ako mamaya. Langya!

Sinubukan ko ulit matulog pero wala na talaga. Ang sakit na sa ulo kaya tumayo na ko. Tsk!

Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumain. Nandito pa si Kuya? Agad naman nag init ang dugo ko. Naalala ko yung kay Zachery!

"Owy, kumain ka na." Sabi niya ng makita ako.

Umupo muna ako at kumuha ng makakain. Habang kumakain ay nakikita kong tingin ng tingin si Kuya sa phone niya. Ngiting ngiti pa siya habang nagtitipa ng sa palagay ko ay mensahe. Malamang si Zachery yan. Ts!

Nang matapos ako kumain ay di pa siya tapos, dahil inuuna nga niya ang kung sino mang nilalang ang kausap niya.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Kuya, bakit?"

Kumunot ang noo niya at umayos ng upo.

"Anong bakit?"

"Bakit siya? Bakit siya yung nagustuhan mo? Bakit kailangan kalabanin mo pa ako?...Bakit mo sinabi sa kanya yung deal?"

Ngumisi lang siya sa akin bago magsalita.

"Ang pag ibig, walang pinipili. Pag nagmahal ka, dalawa lang ang pagpipilian mo. Aalagaan mo yung nararamdaman mo o kakalimutan mo 'yun. Mahal ko siya, dahil siya siya. Kilala ko siya sa paraang di niyo siya kinilala bilang siya."

Now, that's confusing. Ang lalim, wengya!

"...Lastly, hindi ko sinabi sa kaniya yung tungkol sa deal. Pinipigilan ko ngang masaktan siya diba. Kung sinabi ko yun, edi nasaktan ko na din siya nun. Basic, bro. Salamat sa masarap na almusal na mga tanong."

Yun lang at umalis na siya. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay tumigil siya at humarap sa akin.

Ang huling sinabi niya ang nagbigay ng namumuong galit sa akin...






"At...oo, kakalabanin kita kahit kapatid kita. Ayoko siyang masaktan pa. Masira na tayo, ayos lang. Mahal ko siya eh."

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon