Chapter 6

60 3 4
                                    

Zachery's POV

One week na kaming lumalabas ni Owy. Kakain sa labas, mall. Paulit ulit lang.

Nakakaantok naman 'tong Nihongo class. Di naman magagamit sa Philippines 'yan.

"Bes, ilang minuto pa?" Walang ganang tanong ni Miaca sa akin.

Maya't maya niya tinatanong 'yan dahil maging siya ay nababagot din. Well, best friends. Haha!

I look on my watch. "Seven minutes."

"The last seven hell minutes!" Buryong na sabi niya tsaka sinubsob ang ulo niya sa desk.

"Class dismissed" Parang magic words naman samin yun at mabilis pa sa ninja ay sumibat na kami ni Miaca.

Papunta kaming canteen ni Miaca dahil nagwawala na ang aming mga alaga. Hehe.

"Honey, please tell to this poor little bitch that you two are over." Oh, maldita.

Hinila naman ako ni Miaca sa kung saan. Dun pala sa kung nasaan yung commotion. Napairap na lang ako. Ts, grabe talaga.

Owy, the heartbreaker.

"Nooo! Sa'kin siya! He's with me last night! Right, baby?!" Sabi naman nung isa at hinila pa si owy.

Si owy? Nakangiti lang sa kanilang dalawa. Sama ng ugali, di man lang awatin.

Ang bilis ng pangyayari, nagsasabunutan na yung dalawang babae pero walang umaawat. Now, where's the school guards?

Sira na mga uniforms nila at nagka-kalmutan na. Napapa iling iling na lang ako habang lumalapit sa kanila.

B*tches

"Hey b*tches!" Sigaw ko, tumigil sila at tumingin sa akin pero sumugod ulit yung isa.

Nyemas, ang kulit ng mga anit niyo ha!

"IN. THE. COUNT. OF. THREE! ONE!" Awtoridad kong sabi.

Tumigil sila pero ayaw pa din bitawan yung buhok ng isa't isa.

"TWO! IBUBUHOL KO YANG BUHOK NYO SA PUNO NG NARRA SA LABAS." Edi nagbitaw sila. They look so messed.

"Honey, mamili ka na sa amin. Sino ba sa amin ha?!" Sabi nung isang girl, may papadyak padyak pa ng paa.

"Cactus Queen, tulungan mo naman ako. Sino ba sa kanila yung deserve ko?" Nakakalokong tanong sa akin ni Owy.

I smirk.

"Wala." Ngumiti naman siya. "Wala kang deserve sa kanilang dalawa. Hindi nila deserve yung tulad mo." Napawi naman yung ngiti niya. Halatang nasaktan sa sinabi ko.

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon