Zachery's POV
It's been one week since Owy courted me. Every morning, bunch of flowers are waiting, coffee and my favorite chocolate cake. Every lunch, perfect meal for me. Every afternoon, he'll bring something I crave for. Every night, he'll send me home safely and text me by any chance.
I honestly appreciate all of it.
It's Wednesday and it means...rest day! Kaya naman papunta ako ngayon sa bahay nila Owy. It's not that far from ours, though. Gayun pa man, ayoko namang haggardo verzosa ang beauty ko kaya nagpahatid na lang ako sa driver namin.
Hindi ko ipinaalam na pupunta ako sa kanila. What if wala pala siya doon? Oh my gosh, Zachery Feigh! Why so stupid all of a sudden?
"Kuya, dito na lang po. Wag niyo na po akong hintayin. Kung tumawag man po si Mommy, pakisabi nasa bahay lang ng kaibigan. Salamat po." Paalam ko sa driver namin habang pinagbuksan niya ako ng pinto. Kumamot siya sa batok niya tsaka tumango.
Nang makaalis na ang sasakyan namin ay nagdoorbell na ko sa mansyon nila. Yeah, mansyon. But they preferred to called it "bahay". Agad naman akong pinagbuksan ni Ate Seling, katulong nila na ilang taon lang ang tanda sa akin.
"Zachery! Naku, pasok ka po. Tulog pa po si Sir Oliver." Nahihiyang sabi niya habang iminimuwestra sa akin ang daan papasok sa loob.
Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa sofa. Madalas kaming pumunta noon dito ni Oliver kaya kilala na ako ng mga kasama nila sa bahay nila.
"Ah, Ma'am— este Zachery, ano pong gusto niyo? Paghahanda ko kayo ng meryenda...O gigisingin ko po muna si Sir Oliver?" Natatarantang batid niya sa akin.
Tumawa ako sa pagkataranta niya. "Ano ba, Ate! Para namang reyna ng London ang kaharap mo. Kalma ka lang, Ate..." Natawa na din siya habang nahihiyang umayos ng tayo.
"Tsaka hindi po si Oliver ang sadya ko dito.." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Bakit ba nahihiya akong pinupuntahan ko si Owy dito? Nakita ko namang nagtataka si ate Seling.
Nang itutuloy ko na sana ang sasabihin ko ay may bigla namang nag exist na balaking creature malapit sa kusina.
"Ate Seling, nasaan na po 'yung cho—" Natigilan siya ng makita ako sa salas nila habang si ate Seling ay humahagikgik sa gilid ko. "—co..late..cake..." Aniya habang tulala siya sa akin.
Di ko na napigilan. "Pfft. Hahahahahahahaha! Oh my! Hahahahahahaha! Cute ng boxers natin, dude ha? Angry birds? Hahahaha!"
Natauhan siya sa sinabi ko kaya naman agad niya iyong tinakpan. Pfft, too late.
"Hoy Zachery! Maghintay ka diyan, magbibihis lang ako!" Aniya at mabilis na tumakbo paakyat sa taas. Marahil sa kwarto niya.
"Sige! Bilisan mo, sabay nating tiradurin ang mga baboy!" Sigaw ko na sana ay narinig niya. Natawa na din si ate Seling kaya natawa ulit ako.
Wala pang limang minuto ay narinig ko na ang kalabog sa taas at mabibilis na yabag sa hagdanan. Nagmamadali? Nagmamadali?
"Hey..." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik. "What are you doing here?" Malambing ang boses niya ng tinanong iyon.
Seducing me, eh?
I shrugged my shoulders. "Just a thought of coming here out of nowhere. Are you doing something?" Tanong ko ng mapagtantong baka naistorbo ko siya.
Umiling siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Obviously I'm doing nothing."
"Zachery, what are you doing here?" Nagulat ako ng makita si Oliver. Magulo pa ang buhok niya, mukhang bagong gising lang. Tinanong niya iyon habang papalit paulit ang tingin niya sa akin at kay Owy.
"Uh, wala kasi akong maga—"
"Kuya, nililigawan mo ba si Zachery?" Nagulat ako sa diretsahang tanong ni Owy!
My goodness!
"Owy!" Saway ko sa kaniya.
"Oo. Bakit?" Tinignan ko ng diretso si Oliver na Seryoso at diretso ding nakatingin kay Owy.
Alam ni Oliver na hindi ako pumayag na manligaw siya. We better stay as friends. Mas okay iyon. Pero ang sabi ni Oliver, pumayag man daw ako o hindi, itutuloy niya pa din. Pinaalam niya lang naman daw na manliligaw siya. It's been one year. No doubt, magkapatid talaga sila.
And I'm kind of guilty na nagkakaroon ng kumpetisyon sa kanilang magkapatid nang dahil sa akin.
"Ako din, eh." Mapang asar na sabi ni Owy at ngumisi.
Binatukan ko nga. Loko talaga 'to!
"Edi wow." Sabi ni Oliver at tumalikod na. He's pissed, I know.
"Kuya!" Tawag niya kay Oliver kaya naman tumigil ito. "Walk out ka na naman? Dumadalas 'yan. Dyan ka lang, kami na magwa-walk out!" Natatawang sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Sa gulat ko ay nagpatianod na lang ako sa kaniya.
Nasa sasakyan na kami at siya ay tahimik lang na nagmamaneho. Tumunog ang cellphone hudyat na may nagtext.
From: Oliver
Update me kung saan kayo pupunta, kay?
Napangiti ako ng mapait ng mabasa iyon. Bittersweet. Ang dami kong sana para kay Oliver.
To: Oliver
Aye, aye, Captain!
"When you're with me, I hope you'll give your full attention to me." Malamig na sabi niya habang diretsong nakatingin sa kalsada.
Agad kong ipinatong sa dashboard niya ang cellphone ko. "Sorry."
Ilang minuto pa bago siya bayolenteng bumuntong hininga bago nagsalita.
"It's been a while since the last time I felt this.." He murmured. My eyes narrowed at him. Before I could utter a word, he turned his gaze on me.
Kumalabog ang puso ko sa tingin niyang iyon.
"I am damn jealous, Zachery. So much."
BINABASA MO ANG
Deal Or No Deal
Random"I am a damn heart breaker. I always play with girls. Innocent nor b*tches. She did it to me, I'm just getting even." -Oelejim Calderon "I am the Cactus Queen, as they say. I don't care. I'm a damn man hater. He cheated on me. That's why all boys ar...