Chapter 13

30 1 4
                                    

Zachery's POV



"What took you so long Cactus Queen?" Dinig ko ang panunuya sa boses niya.



Hindi ko siya pinansin at sumakay na lang ako sa sasakyan niya. It's been more than a week since he's been doing this. Plus this..



"White roses for today, my queen." Aniya sabay lahad sa akin ng isang bouquet ng white roses.



Tumango lang ako sa kaniya. Tinatamad akong magsalita, eh. Narinig ko namang natawa siya. "Thank you, ha." Sabi niya. Sarcasm at it's finest.



Inirapan ko lang siya kaya lalo siyang natawa. "Cactus talaga." He murmured. Pinaandar niya na ang sasakyan. At sa loob ng mabilis na byaheng iyon, masasabi kong saludo talaga ako kay Owy sa galing kumanta. Grabe! Yung tipong papalakpakan mo na lang para matapos na siya.



Pinagbuksan niya ako ng pinto. And it's been more than a week also that we are the talk of the university. Mga tsismosa't tsismoso. Palibhasa walang kapana-panabik sa talambuhay nila.



Hashtag: Medyo bad girl



"Para tayong nagnakaw sa kaban ng bayan." Biro ko kay Owy na diretso lang din ang tingin at lakad.



Tumingin naman siya sa akin na parang ang big deal ng sinabi ko. "Zachery, tatawa na ba ko sa joke mo?"



Loko 'to ah. Minsan ko na nga lang mahanap humor ko, eh! Inirapan ko lang siya tsaka tumuloy sa paglalakad. Dinig ko naman ang tawa niya sa likuran ko. "Damn, lalo kang nakaka inlove." Bulong niya pero narinig ko pa din. Nagsimula na naman magtambol ang banda sa dibdib ko. Damn it, ayaw ko ng ganito!



"Thanks, bye." Sabi ko ng makarating ako sa room ko. Ni hindi ko siya nilingon at dumiretso na ako sa loob.




Nagdaan ang Psychology at Nihonggo class namin. Hindi ko na napansin ang oras, lunch na pala. Ganito yata talaga pag madaming iniisip. Tulala tuloy ako the whole time. Sana naman may notes si Miaca para mapag aralan ko mamaya.



"Wala. Tinamad akong magsulat." Mga salitang nagbibigay sa akin ng kagustuhang kahit mahal ko 'tong best friend ko, bibigwasan ko 'to!



Hinayaan kong si Miaca na ang umorder ng lunch naming dalawa. Umupo ako sa usual spot namin dito sa cafeteria. Sa kasulok-sulukang bahagi nito. Para bawas sa mga nakatingin sa akin na akala mo, eh, ikakaganda nila.



"U-Uh, M-Miss Cactus Queen..." Napaangat naman ang ulo ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakalahad ang tray na punong puno ng pagkain.



Tinaasan ko siya ng kilay. "Makiki-share ka?" Mataray na tanong na agaran niyang inilingan. "Oh, eh, ano 'yan? Binibigyan mo ba ko ng pwede kong itapon sa mukha ng mga lalaking manloloko, malandi at makati? Madami pa naman 'to oh. Sure ka ba?" Bored na tanong ko.



Ano ba kasing kailangan niya diba? Nakikilapag pa ng tray. Baka mapukpok ko siya bigla eh.




Nakita ko namang namutla siya sa sinabi ko. Yeah, that's right. Be scared of me.



"H-hindi po. Pinabili po 'yan ni Owy para daw sa lunch mo." Sagot niya habang nakayuko.



Tignan mo 'tong Owy na 'to. Nagpautos pa? Napaka tamad! Kikiligin na sana ako.

Ay pwe! Kikiligin? Parang di ka pa nasanay sa mga ganyan.



Tumayo ako para malaman kong ang laking tae— este tao pala nitong nasa harap ko. Pero dahil maganda ako, hindi ako papatinag. Hinigit ko ang kwelyo niya at tinitigan ang mga nanlalaki niyang mata.



"Makita pa kita ulit na makipaghalikan sa ibang babae sa harap ng girlfriend mong nagmamakaawa na tumigil ka na, hindi na kita papalagpasin. Deal?" Mariing sabi ko sa kanya.



Anong akala niyo? Na bully ako? Na basta basta akong namamahiya at nananakot ng tao? Well, think again. I'm not like that. In every action there's a certain reason, why. Hindi ako basta basta kumikilos ng walang dahilan at walang basehan.



"O-opo. Sorry po!"



"Wag sa akin. Doon sa girlfriend mo, pati sa anak mo! Nakakahiya ka." Sabay bitaw ko sa kanya ng malakas kaya napaatras siya.



Kung may ilalaki pa ang mata sa pagkagulat, sa kanya na iyon. "W-what d-do you m-mean?!"



Nginisian ko siya. "Dude, you don't deserve your..." Sabay tingin ko sa kanyang ibaba. "Dapat dyan pinuputol na." Pang asar kong sabi. Pasalamat siya nakakapag pigil pa ko. Umupo na ko ulit at tinaasan siya ng kilay.



"Get lost in one, tw—" Bago pa ko matapos sa pagsasalita ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng cafeteria.



Blockmate ko iyong girlfriend niya kaya alam ko ang nangyari. And, humingi din ng tulong sa akin yung babae. That's the least of help I can give.



"Winner ka doon bes! Hulaan ko, maliit na bagay lang iyan para sayo." Natatawa niyang sabi saka umupo sa harap ko at inayos ang pagkain.


Tumawa na lang din ako. "Yeah."


"Eh, kabog naman po pala si kuya niyo Owy. Binili lahat ng favorite mo!" Pang aasar pa niya.



"Sulitin na lang natin. Tatlong araw na lang tapos na 'yung deal." Sagot ko sa kawalan.



Humilig siya palapit sa akin at nagtanong. "Tell me, panalo ba siya sa deal?"




"Para sa akin, oo. Pero papakita ko sa kanyang hindi. I won't feed him the truth. All my life, I am pretending in many ways. Hiding him my true feelings?" I snapped at her and smirked. "That's just a piece of cake."


Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon