Zachery's POV
"Hi ate Z!"
"Ate Z! Ate Z!"
"Omg! Ate Z!"
Sabay sabay na sigaw ng mga bata. Kinawayan ko sila at dinala ang mga pasalubong na binili ko para sa kanila. Ang tagal ko ng hindi napadpad dito. Ilang buwan na din ang nakararaan nang huli kong nabisita ang itinuturing kong pangalawang tahanan at pamilya.
"Z, give me that. Mabigat 'yang dala dala mo. Puro laruan 'yan eh." Iritadong sabi sa akin ni Oliver. Hay naku, tingin niya kasi sa akin, mahina.
Ngumiwi ako sa kanya. "Shut up, Ver. Kaya ko 'to. Tara na, please?" Ngumiti pa ko para bitawan niya ang braso ko.
Nang bitawan niya ako ay agad akong naglakad palapit sa mga batang naghihintay sa akin. Pati na din sila Sister.
Niyakap nila Macoy, Rina, at Arthur ang mga binti ko. Niyakap naman ako ni Niña, pinakamatanda sa kanila at mas bata naman sa akin ng isang taon. Natawa naman ako sa kakulitan nila Alice at Ren na nakayakap sa likuran ko. Rinig ko ang hagikgikan nila.
"How about kuya Oliboy? He wants some hugs too." Sigaw naman ni Ver na lumuhod pa at umarteng nanghihina. Napairap na lang ako at tumawa.
Dali daling tumakbo ang mga bata papunta sa kanya kaya naman nakawala na ako sa kanila. Napahinga ako ng malalim. I miss this place. I miss them. Hospicio de San Jose is so close to me.
"Zachery, hija." Bati sa akin ni Sister Elena.
Nagmano ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Sina Sister Lourdes po?" Tanong ko.
"Naku! Inaasikaso ang mga bagong dating. Dalawa ang dagdag dito. Nakakalungkot lang dahil iyong isa ay iniwan lang sa may isang plant box na puno ng basura. Isang taong gulang yata iyon, babae. Iyong isa naman labing isang taong gulang. Humingi ng tulong dito dahil aniya'y binubugbog ng magulang." Kita ko ang lungkot kay Sister Elena. At wala akong ibang naramdaman kung hindi, pagkahabag sa mga batang iyon.
Bakit nga ba may mga magulang na ang lakas gumawa ng milagro at matapos magbunga ay itatapon ang bata? Dahil kasalanan lang iyon? Kasalanan ang bata? Kahit kailan hindi kasalanan ang buhay na biyaya ng Diyos.
Bakit may mga magulang na nagbubuhat ng kamay sa kanilang mga anak? Para madisiplina? That's pure bullshit. A kid that was raise through violence will never be good. Hindi natin alam ang dulot nito sa isang bata. Maaring dalhin niya iyon sa paglaki niya at hanggang sa magpamilya ito. Dalawa lang iyan, it's either that will serves as a lesson not to discipline through violence or worst history will repeats itself.
Kaya swerte ang mga taong may mga magulang na susuportahan ka lagi. Iyong pakikinggan ka at papangaralan ka kung may mali. They are rare.
"Nakakaawa naman po sila. Bisitahin po namin sila ni Oliver mamaya, Sister." Sabi ko habang nakatingin sa direksyon nila Oliver na naliligo sa yakap at halik ng mga bata.
Napatingin ulit ako kay Sister ng magsalita siya. "Sige, hija. Salamat at napadalaw kayo ha. Ang mommy mo pala, kumusta siya?" Inosenteng tanong niya at nag iwas agad ako ng tingin sa kanya.
"S-she's fine...I-I guess." Naiilang kong sagot.
Nakita ko sa gilid ng mga mata kong tumango si Sister sa sinabi ko. Isa si Mommy sa pinakamalaking sponsor ng Hospicio na ito. Alam ko kung bakit kahit wala namang hilig si Mommy sa bata ay nagsponsor siya dito. Less tax sa gobyerno. Oh, about her company again.
Matagal na panahon na iyon, nang ipakilala niya sa akin ang hospicio. Naging malapit agad ako sa mga tao dito kung kaya't magmula noong nagkaroon ng malaking wall sa gitna namin ni Mommy, sila ang naging pangalawang pamilya. At isa sa activities ng Hospicio ay ang outreach noon sa probinsya kung saan ko nakilala si Oliver.
Napabalik naman ang naglalakbay kong diwa ng tawagin ako ni Ver.
"How about a hug from ate Z? Right kids?" Aniya sabay lahad ng mga braso niya sa akin. Nagtilian naman ang mga bata.
Tumawa na lang ako sa kalokohan nila at lumapit kay Oliver para yakapin siya ng mahigpit. He is very special to me. Niyakap niya ko pabalik at hinaplos ang buhok ko. "Ang lalim ng iniisip mo kanina ha?" Bulong niya.
Kumalas ako sa yakapan namin at nagkibit balikat na lang sa kanya. Mabilis akong nagpunta sa likuran niya at sumampa.
Piggy back ride!
He chuckled. "Oh, baby Z wants to play!" Asar niya kaya naman binatukan ko siya. Baby ha.
"The handsome Ver and pretty Z wants to eat a kid! Who wants to be eaten?!" Sigaw ko at nagboses monster pa.
Nagtilian at nagtawanan naman ang mga bata at nagsimula silang tumakbo. Kumapit naman ako ng mahigpit sa natatawang si Ver. "Hold me tight, alright? I don't want you to fall. I'm not there to catch you." Pahabol niya bago nagsimulang tumakbo.
Napaisip ako sa sinabi ni Ver. Nawala ako sa konsentrasyon. Alam kong iba ang ibig sabihin niya doon. O ako lang nag iisip nun?
"Heto na kami!" Sigaw pa ni Ver. Pinilig ko ang ulo ko at pinagtuonan ng atensyon ang mga bata.
Masaya kaming naglaro ng kung ano ano. Habulan, taguan, patintero. Tanghalian na at gutom na ang mga bata, ganun din kami. Napagod kami sa paglalaro.
Kumain kami ng sabay sabay. Kasama ang mga pagkaing dala namin ni Oliver. Nakakagaan lang ng loob na nakikitang masaya sila dahil sa presensya namin.
Nang matapos ay pinauna na naming maligo ang mga bata para maka tulog na bago kami. Nakatayo si Ver sa corridor pinagmamasdan ang garden na may birhen. Kumunot ang noo ko at dali daling may kinuha ako sa bag ko tsaka lumapit sa kanya.
"Fvck!" Sigaw niya sa gulat. Sabay sigaw ng "Sorry po!" Natawa naman ako sa kanya.
"Wag kang malikot. Basang basa na 'yung likod mo." Sabi ko habang pinupunasan siya ng pink towel na kinuha ko sa bag kanina.
Nang matapos na ay humarap siya sa akin ng may malaking ngiti. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa pagtatanong kung bakit. Kinurot niya ang ilong ko.
"Wag ka ngang ganyan." Sabi niya sa akin ng hindi nakatingin.
Napakunot noo naman ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Naglakad ako sa direksyon ng tingin niya.
"What are you saying? Anong wag ganyan?" Takang tanong ko at nag iwas ulit siya ng tingin.
"Wag kang ganyan. Wag kang masyadong maalaga. Wag kang sweet!" Medyo may pagtataas ng boses niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. We've been like this since God knows when. Anong problema? Anong bago?
"What?! We used to be like this! We've been like this. You care for me and I care for you. What the hell is wrong now?! Masama ba 'to—"
Nagulat ako ng sumigaw siya at nanghina ang tuhod ko sa mga sunod niya pang sinabi. Humarap siya sa akin at sinalubong niya ang titig ko.
"Oo, masama na! Masama na nag aalala ka! Masama na inaalagaan mo ko! Masama na sweet ka sakin! Masama na ganito pa din tayo! Masama na...mahal na mahal kita." Halos bulong at panghihina ang pagkakasabi niya ng huling mga salita.
"At alam mo kung anong pinaka masama? Masama na mahalin pa kita kasi kapatid ko 'yung mahal mo."
BINABASA MO ANG
Deal Or No Deal
Random"I am a damn heart breaker. I always play with girls. Innocent nor b*tches. She did it to me, I'm just getting even." -Oelejim Calderon "I am the Cactus Queen, as they say. I don't care. I'm a damn man hater. He cheated on me. That's why all boys ar...