Chapter 11

48 2 5
                                    

Zachery's POV


"Hey bes! Stop acting like a brat. You need to shut up your big mouth!" Angil ko sa kausap kong si Miaca.


She's threatening me that he'll tell Oliver that I'm with Owy if I will not going to tell her my whereabouts. Ha! As if I'm threatened.

"You! Crazy stubborn woman!" Sabi niya sa kabilang linya. Napairap na lang ako sa kawalan kahit di niya nakikita. "Take care, bes. Go home unscathed and pure!" Paalala niya bago ibaba ang tawag.

I gritted my teeth. I have a crazy best friend. But hey, I am also. We really fit at each others arms, then.



Napasalampak ako sa kama ng kwarto ni Owy at tumingin sa bintana na di na maaninaw ang labas dahil sa labo nito dulot ng ulan. We're enjoying the sky until the rain fell. We instantly ran inside their house. Tumayo ako at pumwesto sa may bintana.


Bhosxzsx 3moTerah!


I really don't know what I am feeling right now. It feels so right but this is actually all wrong. Playing with a player? Trying to win in his game? Let's talk about professionals here. I'm sure he is. And I am the freshman on this subject.


Just even this...let me win.


Kahit nakatingin ako sa labas, naramdaman kong nasa likod ko na siya.

"Zach, ito lang yung nakita kong pinakamaliit na shirt ko, eh." Sabay bato niya na sapul sa mukha ko. Tsk! Inis akong naglakad papunta sa banyo niya para magpalit. "You're welcome!" Sigaw niya bago ko isarado ang pintuan.

Napailing na lang ako. Napakabaliw talaga. Natigilan ako ng napaharap ako sa salamin. Ang ganda ko! Syempre joke lang. Natigilan ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Bakit ako nakangiti?


Ilang segundo ko pa tinitigan ang sarili ko sa salamin bago dumiretso sa shower. Hindi naman ako gaano nagtagal, nilalamig na ako agad, eh. Sinuot ko 'yung dala kong t-shirt. Pinahirapan ko lang talaga maghanap si Owy ng damit kanina. Genius, right?


Lumabas ako ng banyo niya at nagtama ang paningin namin. Nang bumaba ang kanyang tingin ay sumimangot siya. "May dala ka naman palang damit, eh. Bakit pinaghanap mo pa ko?" Inis na sabi niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Wala, gusto ko lang." Nakangiti ko pang sabi sa kanya. Nag iwas naman siya ng tingin at umiling. "Baliw talaga." Dinig kong sabi niya.

"Hoy, balaki! Pinagbubulong mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Nilapitan ko siya sa kama niya ng hindi siya kumibo o gumalaw man lang. "Balaki!" Sabi ko sabay tusok sa balikat niya.

Hindi siya kumibo, nakayuko lang siyang nakaupo. Kinakabahan ako sa balaki na 'to eh! Kakalabitin ko siya sana ulit ng—


"Hahahahaha— tama na! Hahahahahahaha ba— hahahaha— laki ka talaga! Hahahahahahaha please!" Ang sakit na ng panga ko sa kakatawa ko.


"Sinong balaki? Ha?!" Natatawang tanong niya habang kinikiliti ako sa batok. My weakest spot!

"Hahahahahahaha oh my hahahahahahaha! Ikaw hahahaha balaki!" Asar ko pa din sa kanya kahit konting oxygen na lang yata natitira sa akin.


Bigla siyang tumigil at nanlaki ang mga mata niya. Para naman akong sinampal ng labing lima sa mukha, up, down, left and right. Shit! Ang awkward ng posisyon namin! Nakaupo siya sa may bandang tyan ko but not totally. Habang yung isang kamay niya mahigpit na nakahawak sa dalawang kamay ko na nasa itaas ng ulo ko. Ang lapit na ng mukha namin!

Lalo akong nagulat ng nilalapit ni Owy ang mukha niya sa akin! Aangal sana ako at itutulak siya pero nang titigan ko siyang mabuti ay parang nanghina ako. Nadadala ako ng malalalim nyang tingin. Mga tingin na parang tagos hanggang artilleries. Isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Hindi ko akalaing pagbibigyan ko siya ng pagkakataon na ganito. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Para namang nadala ang akin, dahan dahan ko itong pinikit ng makitang malapit ng maglapat ang aming mga labi—


*tok! tok! tok!*


Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kwarto niya! Saved by the bell, maybe? Eh, bakit nanghihinayang ako? What the hell is happening to me. Agad kaming napaayos ng tayo ni Owy.


"A-ako na" Hahakbang na ko ng pigilan ako ni Owy gamit ang paghawak sa braso ko. Tinignan ko siya.

"Walang ibang tao dito kung 'di tayo lang. Kaya sino 'yan? Baka masamang loob 'yan." Seryosong sabi niya habang matalim na nakatingin sa pintuan.

Binatukan ko nga! "Aray! Ano ba?!" Asik niya sa akin.

Naglakad na ko papuntang pintuan, di ko na pinansin si Owy. Malapit ko ng buksan iyon ng higitin ako ulit ni Owy. Hay!


I gave him a bored look as I turn to him. "Bubuuuu?!" Inis na tanong ko na may kasamang pagpukpok sa gilid ng ulo ko. Ibig sabihin noon ay bobo. "May masamang loob bang kakatok sa pagnanakawan niya?! Ano 'yan magpapaalam?!"


Bigla namang lumiwanag 'yung mukha niya at napakamot sa ulo niya. "Oo nga 'no."


Inirapan ko na lang siya at pinihit na ang seradura. Nagulat ako sa taong naka tayo sa harap ko ngayon. Ganoon din ang nababakas sa mukha niya.





"Zachery?!"   "O-Oliver?" Sabay naming sabi sa isa't isa.

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon