Chapter 10

39 1 1
                                    

Zachery's POV

Inaayos ko na ang gamit ko. Well, just powder, handkerchief, lip tint, extra shirt, first aid kit. Girl scout 'to, e!

Saan ako pupunta? Niyaya ako ni Owy ngayon, e. Somewhere, I don't know. Hahaha! After our mini confrontation at the rooftop, back to normal kami. I mean, parang hindi ko alam na pinapaikot niya lang ako.

Not me, Calderon. I'm better than that. You can play with me, but you can't fool me.

Tinawagan ko na si Owy, ang tagal, e. Usapan namin five o'clock nandito na siya. 5:03 AM na kaya! "Helloooooo!" Bungad ko ng sagutin niya iyon.

[Lumabas ka na. Nandito na ako.] Pagkarinig ko nun ay pinatay ko na ang tawag at saka binitbit ang back pack ko. Naka short lang ako at medyo malaking tshirt.

Simple.

"Saan ba tayo?" Tanong ko ng makasakay na kami sa sasakyan niya.

"Mommy mo ba 'yung nasa pintuan kanina?" Tanong niya din sa akin. Nandoon kasi si mommy kanina, tinatanong kung saan ako pupunta saka sinong kasama ko. I just ignored her.

"Yup. So, saan tayo pupunta?" Liko ko agad ng usapan. Ayokong mapag usapan 'yung tungkol sa nanay ko. Why? I just...Just like that!

He started the engine bago nagsalita. "Laguna. Kailangan kong tignan yung business namin doon. Wala 'yung parents namin eh. Nagkaproblema yata kaya tingnan na natin tapos pasyal tayo."

Laguna, huh?

Tahimik lang ang naging byahe namin. Tinulugan ko lang siya. Bahala siya, inaantok ako, e.

"Hoy Zachery! Kausapin mo ko, makakatulog ako sa byahe, e!" Reklamo niya sa akin. Di ko siya pinansin. Di ko pa din dinidilat yung mata ko. Bahala ka sa buhay mo. Hahaha!

"ANAK KA NGA NAMAN NG NANAY AT TATAY MO OH!" Shit! Hawak ko ng maigi ang sarili ko. Etong ugok na 'to, biglang nagpreno! Muntik na kong sumubsob sa dashboard niya. Feeling ko lumabas 'yung kaluluwa ko ng mga two seconds!

Tumawa siya ng tumawa. Sinapak ko nga! "Aray! Bumaba ka na nga, nandito na tayo." Natatawa niya pa ring sabi.

Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang isang water refilling station. Oh? E, nandito na pala kami nag iinarte pa 'tong balaki na 'to!

Hindi rin kami nagtagal. Hindi naman pala masyadong malaki ang problema. Naging OA lang yata si Oliver kaya pinapunta agad si Owy.

Nakarating kami sa isang mansyon. Halos lahat ay salamin na dito. Pero ang ganda ng combination when it comes to the interior. Maraming painting na nakasabit. White and black ang kabuuang kulay. Ang classy kung tignan.

Nagluto ako ng Adobong oink oink. Iyon lang kasi ang alam kong lutuin. Sana hindi napadami ang toyo ko. Madalas kasi ang ending ng adobo ko, maalat.

"Ang alat, Zach!" Sabi ni Owy ng tikman niya ang sabaw nito. Dali dali kong tinikman ito. Shet! Perfect!

"Tse! Ang sarap nga, e. Kung di mo trip, ako na lang kakain. Bahala ka sa buhay mo."

Pero syempre, joke lang 'yon. Ako ang naghain para sa aming dalawa. Malamang papakainin ko siya, bahay niya kaya 'to! Palayasin pa ko nito, e. Malayo pa naman 'to sa kabihasnan.

Kabihasnan talaga? Really Z? Makata?

Natawa na lang ako sa kalokohan ng brain cells ko.

Matapos namin kumain ay nagpahinga muna kami. Natulog si Owy, ako naman kausap si Oliver. Hindi niya alam kung nasaan ako at kung sinong kasama ko. Panggulo lang siya. Sorry not sorry, Ver.



Sumapit ang dilim ng mga ala sais ng gabi. Naka tulog ako kaninang mga ala una, nang naalimpungatan ako ng mga alas tres ng hapon, hindi ko na makita si Owy. And you know what's worst?

He locked me up in this big room. Great!

Punyatero 'tong balaki na 'to. Buti na lang bumukas na ito. Woah! Naglakad ako sa baba at dinala ako sa garden ng mga paa ko.

I'm stunned sa ayos ng garden. Pwedeng mag star gazing. Tumindig ang balahibo ko ng maramdaman ang init ng kanyang haplos sa aking braso galing sa likod.

"Marami daw stars ngayon. May meteor shower pa. Tara, sabay tayong mag wish."

Nakakita ako ng shooting star! "Tara, wish tayo." Pumikit ako.

Tama na sana lahat ng 'to. Ayoko na, e.

I'm falling. Fine! And I hate that fact! He's just playing with me. Don't let him win this game, Zachery.

"Anong winish mo?" Tanong ko nang makita kong dumilat na siya.

Tinignan niya ko ng naka ngiti.



"Ikaw. Na sana makita mo na ang totoo sa hindi."

Deal Or No DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon