Fallin' Upside Down

2.5K 80 10
                                    

Repub (not edited)

****
ARA

Pagkababa ko ng hagdan, nakabusangot na mukha ni Kimmy ang unang nakita ko.

Talk about good morning, diba?

"Bakit nakasimangot tong si Fajardo?" Tanong ko kay Mika na nagtitimpla ng Milo.

"Ewan ko dyan. Kanina nya pa hawak yang phone nya tapos bulong pa ng bulong ng 'hindi naman ako ganito ah!' 'Ay grabe, ang hard nyo sa kulay ko ah!'"

Napalingon naman ako sa kapitan namin na nagsisimula ng sigawan ang phone nya.

"Grabe! Ang OA ah. Bakit ba trip na trip nyo kulay ko?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kim.

"Bruh, ano meron?"

Hinarap nya sakin ang phone nya.

Wattpad.

"Teka, nagbabasa ka sa wattpad, Imi?"

"Oo, sabi kasi ni Bebe Norielle try ko raw. Maganda raw kasi characterization ko sa mga fanfic. Tangina, eto ba yung maganda? Lahat ng nabasa ko kulay ko ang pinupuntirya! Kesyo kaya raw ako mahilig sa kape kasi kakulay ko! Sarap batukan ng kung sino man ang gumawa nito eh!" Inis na sagot nya. "Tapos grabe kayo dito! Lakas nyo mambully! Lalo na si Carol"

Sinubukan kong basahin ang binabasa nya. Hindi ko napigilan ang tawa sa mga nakasulat. In fairness naman, havey ang mga jokes nila.

"May pambully na kami sayo Kap! Hahaha putcha, pinapartner ka nila kay Jeric Teng?! Ganda mo ah"

"Syempre. Kaya nga ako nagpaka-boyish kasi baka makabog ko pa ang model dyan sa tabi-tabi" sabay flip pa ng hair si Kim.

"Kapal. Wait, pati si Kuya Almond? Puta, KimMond? Walangya di ko ma-imagine! HAHAHAHA"

Pabiro naman nya akong sinuntok sa balikat "nakaka-insulto ka na ah. Basahin mo yan, pinapartner ka nila kay Thomas! Aba, dehado yun sayo bruh. Pogi nya, tapos ikaw?"

"Ay wow ah. FYI, sinabi nya dati na idol nya ako. Ganda ko kaya" hinatak ko ng kaunti ang maikli nyang buhok.

At syempre, bilang competitive si Kim Fajardo, hinatak nya rin ang buhok ko.

"Tigilan nyo nga yan! Buhusan ko kayo ng Milo eh!"

Sabay naman kaming bumitaw. Joke joke lang yun, syempre.

"Oh sige na, pupunta pa ako Henry. Text nyo na lang ako kung saan tayo kakain mamaya ah" paalam ko.

"Achi Ara! Sabay na ako, Henry class ko eh" sabi ni Tin habang inaayos ang bag nya.

"Sige sige"

*

"Ay Achi! Nagtext class beadel namin, free cut daw kami. Una na ako ah, punta pa akong lib eh"

"Oks lang, kitakits na lang sa training mamaya!"

Mabilis na tumakbo si Tin palayo. Mukhang naghahabol ah.

Dire-diretso naman akong naglakad. Kikitain ko si Tigs. Manghihingi ako ng muscle tape. Aba, kuripot kaya ako. Saka sabi nya marami raw sya nun, better na hingin na kang kesa sa di nya magamit diba?

Hindi ko napansin na may lalaking mabilis na tumatakbo. The next thing I knew, may malakas na impact.

And my right wrist is throbbing with so much pain.

Dahil bagsak na rin naman ako sa floor, napapilipit na lang ako. Feeling ko nabali ang wrist ko dahil tinungkod ko nung nabunggo ako ng kung sino mang walangyang to.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now