Poll Two: Cadbury Flavor

5.6K 130 17
                                    

KIM'S POV

Define imbyerna?

Kainis naman kasi si Yeye eh. Akalain mo nga naman bang sa sobrang pikon nun eh idadamay pa ako sa poll.

Pero ayos lang. Di naman masyadong obvious yung choices. Di katulad nung sa kanya, ang daming nakahula agad.

"Baks! Gets ko yung roasted almond pero yung caramello, hindi" pangungulit ni Carol kay Yeye.

Ngumiti naman nakakaloka sa akin ang bruha.

Bwiset! Sarap magpaka-bmdc!

"Wait mo na lang ang revelation, ati para may thrill" sagot ni Mika habang nakatingin pa rin sakin ng nakakaloko.

Sarap jombagin! Don't me ah.

Sa likod ng bus ako umupo since madalas sa harap pumupwesto sila Mika. Ayoko muna sya masyadong makita, baka unconsciously eh mauntog ko sa muscles ko. Mahirap na.

"Ate, na-try mo na ba yung caramello na flavor ng cadbury? Masarap? Di ko alam yun eh" out of nowhere na tanong ni May.

Jusko po bigyan nyo po ako ng pasensya. Yung sobrang haba, di tulad ng tinagal namin ng ex ko.

Juk. Masingit lang talaga yung ex.

"Oo na-try ko na. Masarap, pasabog yung fillings. Bet" sagot ko.

"Ayun naman! Bet pala ang caramello! Mga ati, pasabog daw ang fillings. Ano bang fillings yan, cap? Share mo naman" ngiting-ngiting pagbabalita ni Kianna sa teammates namin.

Pati si coach ramil eh nakangisi na rin.

Parang ang sikip tuloy ng bus. Ang traffic pa! Huhuhu

Lumipat si Ara sa tabi ko, "oo nga naman Imi, share mo na samin yang fillings na yan. Iba pa naman sa ngayon, the more na di mo shine-share, the more na masama sa heart!"

Di ko napigilan ang kamay ko na dumapo sa ulo nya, "gaga! Feelings na yang sinasabi mo eh"

Sumama naman ang tingin sakin ng bruha, "bakit, eh diba fillings naman ang pinag-uusapan natin?  Unless hindi fillings na as in f-i-l-l-i-n-g-s ang nasa isip mo. Ano ba akala mo? Feelings na nararamdaman?"

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa pang-aasar ni Ara. Halos lahat naman ng mga ka-team ko, nakangisi na sa direksyon ko.

Taft why u so layo?

"Ay iba sya, speechless ang peg" sabi ni Ate Mowks na ikinatawa naman ni Eli at Julia. Mga lapastangan!

"Eh totoo naman! Feelings na as in nararamdaman yung pino-point out ni Ara kanina. May nalalaman pang the more, the more blah blah" depensa ko.

Tumaas ang kilay nya. Sige teh, pangalandakan mo pa na perpekto yan. Bwiset. "Luh, assuming! Totoo naman na the more na di mo shineshare, the more na masama sa heart. Aba masama ang sobrang chocolate sa katawan! Diba ate Lace?"

Tumango naman si Ate Lace habang nagpipigil ng tawa.

"Ay, assuming ang bakla. Baka naman kasi may nararamdaman talagang involved" kunwari ay pabulong na sabi ni Carol pero alam kong sadya nya talagang pinarinig sa lahat.

Pasalamat sya, malayo ang upuan nya sakin!

**

Pagkadating namin sa dorm, kanya-kanyang hilata na kami. ni-congratulate namin ang team B dahil nanalo sila sa FSC. Syempre mga proud ate naman kami. Pero dahil pagod ang lahat, napagdesisyunan na bukas na lang mags-celebrate ng maayos.

Si Mika, ngiting tagumpay habang tutok sa phone nya.

If I know, nagkabati na yan sila ni Teng. Eh napaka-daling suyuin ng babaeng yan eh. Hintayin mo lang na mag-inarte ng ilang oras tapos bigla mong alukin ng libre sa buffet, ayos na yan. Dapat yung mga dragon sa tiyan niya ang i-bribe para mas mapadali ang pag-aayos.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now