Warning: Super cliché
******
Ara's POV
Positive.
Hindi ko pa rin matanggap ang resulta. Naka apat na pregnancy tests na ako pero lahat sila positive. Ni hindi pa nga kami kasal! Tapos madalas pa kaming mag-away nung mga nagdaang araw.
Paano kung hindi nya tanggapin? Paano kung iwan nya ako?
Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo.
"Hoy Victonara! Bakit ang tagal mo? Saka ano yan, bakit may hawak kang... pregnancy test? Buntis ka Ara?" Disappointment. Yun ang sinisigaw ng mukha ni Carol.
Medyo napalakas ata ang sigaw nya kaya isa-isang nagpasukan ang mga kaibigan ko sa banyo.
"Sinong buntis?" tanong ni Kim.
Hindi ko napigilan ang luha ko nung niyakap ako ni Mika. "Daks, wag ka ng umiyak masama yan sa baby. We're always here for you, ano ka ba. Nasabi mo na ba sa kanya?"
Dahan dahan akong umiling, "Natatakot akong sabihin, Ye"
Inalalayan nila ako pabalik sa kwarto ko. Halos dalawang taon na rin mula nung naka graduate kami. Nagdecide din kami na bumili ng condo unit para sa aming apat nina Mika, Carol at Kim.
"Nagkaayos na ba kayo, Vic?"
Umiling ako. Masyadong napapadalas ang away namin nung mga nagdaang araw. Linggo na nga ata. Madalas kaming walang oras para sa isa't-isa dahil sa kanya-kanya naming trabaho. Nagpa-draft na sya sa PBA at nakuha sya ng Ginebra. Alam kong matagal nya ng pangarap yun kaya pilit ko syang iniintindi pero hindi namin matapos tapos ang away.
**
Dahil may spare key ako sa condo ni Thomas, nagdesisyon akong pumunta para maipagluto sya. Alam kong galing sya sa training at siguradong pagod yun pagdating.
Pagpasok ko, halos wala namang pinagbago mula nung una akong bumisita. Knowing Thomas, sobrang organized nya sa mga gamit.
Maingat kong inilapag ang mga pinamili ko sa kitchen counter nya at nagsimulang magluto.
Maga-alas seis na nung natapos ako at anytime darating na sya.
Pero lumipas ang ilang oras, walang Thomas Torres na dumating. Kahit na may training pa ako bukas, naghintay pa rin ako sa kanya. Patapos na yung Zodiac movie na pinapanuod ko (na halos tatlong oras ang haba) nung dumating sya.
"Anong ginagawa mo dito?" halos walang emosyong sabi niya.
"Wala man lang, good evening?" Nakangiting sabi ko expecting na ngingiti rin sya sakin pabalik.
Pero mali ako, "Pwede ba? I'm tired. You should head home"
"Nagluto ako. Kain tayo"
Tiningnan nya ako ng masama, "I already ate. Go home"
Wow. So after all the efforts I exerted, pauuwiin lang ako?
"Ano bang problema? I took an extra effort to come here and cook you food kahit may early training ako bukas because I know na pagod ka from training and now this is what I get?"
"In the first place, I did not ask you to come over. I did not ask you to cook for me. Alam mo naman palang may early training ka bukas eh, bakit ka pa pumunta? Wag mo akong sumbatan!"
For the first time in nearly three years of relationship, ngayon nya lang ako sinigawan. "That is not the point, Thom. Hindi kita sinusumbatan, kahit konting appreciation lang naman ang hinihingi ko. I know hindi mo ko sinabihang pum--"
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)