Kantahin mo Beybe continuation
Sabaw 'to may lumulutang na pechay.
****
A R A
Beep
From: Mama
Kamusta 1st day mo sa dorm ng bball team, anak?Isa pa 'to si Mama sa kinaiinis ko. Unica Hija niya pinayagang lumipat sa tirahan ng mga lalaki?! Payag na payag pa siya at walang kahit na anong bahid ng pagtutol. Feeling ko tuloy gusto akong ibugaw ni Mama!
Tiningnan kong maigi ang text niya at nagdesisyon na wag ng mag-reply. Ano ba sasabihin ko 'Ma, ayos naman. May jowa na nga po pala ako kasi natalo ako sa laro. PS, nakakita po ako ng maiinit na pandesal' Tingnan na lang natin kung hindi ako soplakin.
Ayoko ring bumaba. Ayokong makita ang one-month-boyfriend ko. Hindi naman daw kasi siya fake boyfriend, sadyang may expiration lang talaga ang relasyon namin. Ayoko ring makita sila Jeron. Aba eh kulang na lang ipangalandakan nila sa Twitter lahat ng nangyari kahapon dahil sa dami ng post nila sa Twitter at IG. 'Pag talaga natapos 'tong isang buwan, kawawa ang mga umasa leche naman kasi sila Teng eh!
Grrr
Takte! Gutom na gutom na ako!
Okay, Ara. Kalma lang. Act as if walang mali, wag kang pahahalata na affected ka sa mga nangyari.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip kung may tao sa paligid. Clear! Dumiretso ako sa kusina at doon ko sila naabutan na nag-aalmusal.
Cheese Whiz! Penge ako ng Cheese Whiz!
"Dios mio Marimar! Ganito ba kayo palagi dito? Topless?!" reklamo ko habang nakatakip ang kanang kamay sa mga mata ko.
"Kunwari ka pa Ate Idol, eh may siwang naman yung kamay mo" pang-aasar ni Ricci.
Boom buking!
"Kapal ng mukha mo, boy! Asa namang pagnanasaan ko 'yang abs mo" nilakasan ko ang loob ko at tuluyan ng tinanggal ang kamay sa mata ko. Tinitigan ko ng maigi si Ricci sa mata. Hah! Madaan ka sa tingin!
Ginawa niya ang infamous lipbite niya. Kingmama, uuwi ata ako sa'min na pedophile na! Help me, "wala naman po akong sinabi na pagnanasaan niyo ang abs ko, idol. Sa inyo po nanggaling 'yan"
Nagtawanan naman sila Prince, Kib at Daryl. Oh edi ako na pinagtatawanan nila! Ako na namumula!
"Ang aga-aga, why are you laughing?" napalingon ako sa nagsalita.
Si Jeron Teng, nagkukusot pa ng mata, messy ang buhok. And just like everybody else, naka-topless. huhuhu
"Ayoko na, mama uwi na ako huhu" tinakpan kong muli ang mga mata ko at this time, wala na talagang siwang, pramis!
Nagsimula akong maglakad papalayo pero mukhang very wrong move yun dahil bumangga ako sa isang wall of pandesal and monay.
Mama! Help me ayoko na!
"What are you doing to my girlfriend? Mag t-shirt nga kayo!" kilalang-kilala ko ang boses na yun at kahit na inis na inis ako sa sitwasyon ko ngayon, tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Buti at may shirt siya.
"Huhu ayoko na dito, uwi na ako" pagmamaktol ko.
Nakarinig ako ng tunog ng inurong na upuan, "Kaya naman pala hindi pagnanasaan yung abs natin mga papi, kay Kuya Thomas pala ang gusto! Kitams? May yakap agad!"
Napabitaw tuloy ako kay Thomas. Dios ko po, anong kahihiyan ba itong ginagawa ko?! Urgh
"Don't mind them. Good morning, babe!" at hinalikan niya ako sa pisngi.
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)