Because I miss Daisy Siete lol
***
Dito sa tahanang may pag-ibig na nag-umpisa...
"Ara! Wait for me," sigaw ng isang batang lalaki habang hinahabol ang kaibigang umiiyak at nagmamaktol.
Imbes na huminto ay lalo lamang itong umiyak, "wait mo mukha mo! Iiwan mo na nga ako eh huhuhu"
Bumagal ang takbo niya marahil sa pagod kaya mabilis siyang nahabol, "Ara lilipat lang kami pero we're still friends! I'll visit you when I can, promise!"
Inilahad niya sa harap ni Ara ang hinliliit ngunit hindi ito tinanggap ng kaibigan, "baliin ko yang finger mo eh! Nagpromise ka dati na di mo ko iiwan, Thomas"
Natawa siya sa inasal ni Ara, "ang arte mo talaga"
"Bad ka! Layas! Umalis ka na! Ganyan naman diba? Iiwan mo na ako kasi maarte ako. Maghanap ka na ng bagong bespren na di maarte katulad ko!"
"Hahahaha! O diba? Ang arte mo. Wag ka na kasi sumama kay yaya loleng na manuod ng mexicanovela," sabi ni Thomas habang pinupunasan ang mga luha ni Ara.
"Problema mo? Ganda kaya ni Thalia! Saka di na ako nanunuod nun! Daisy siete pinapanuod ko"
Aalisin na sana ni Thomas ang kamay sa mukha ni Ara nang pigilan siya nito, "meron pang luha! Ayusin mo naman pagpunas. Yan na nga lang gagawin mo eh"
Marahang tumawa ang batang lalaki bago sinunod ang gusto ng kaibigan. Ilang minuto rin silang nahiga sa sahig at hindi nagsalita. Tanging ang huni ng ibon at ang pagsayaw ng mga dahon ng acacia ang maririnig.
Gustuhin man nilang magsalita, alam nila parehas na mas maiging manahimik at sulitin na lamang ang oras na meron sila. Sa murang edad ay alam na nilang dalawa ang makabubuti sa kanila. Minsa'y may tampuhan pero hindi natatapos ang araw na hindi sila nag-aayos.
Hindi pa nila alam ang kahulugan ng pag-ibig pero ang mga puso nila ay pinagbuhol na ni kupido.
Kulay kahel na ang kalangitan nang dumating ang ina ni Thomas, hudyat na kailangan na nilang umalis. Maingat silang bumangon at muling hinarap ang isat-isa.
"You will always be my Queen Ara," mahinang bulong ni Thomas.
Nagbadya na naman ang mga luha ng batang si Ara ngunit pinigil niya ito, ayaw na sirain ang mga pangyayari.
Bago lumisan ay napagdesisyunan nilang dalawa na ukitin ang huling paalam sa isa't-isa sa puno ng acacia.
Maliit ang mga letrang inukit ngunit ang bawat guhit ay puno ng pagmamahal at pighati ng magkaibigang ayaw mawalay.
Sa pagliit ng imahe ng sasakyang lulan ang pamilya Torres ay ang paglaki ng mga butil ng luha ni Ara.
Balang araw ay muli siyang babalik sa tahanang kumupkop sa kanilang dalawa. Balang araw.
***
Araw, linggo, buwan, taon ang lumipas ngunit hindi na muling bumalik si Thomas. Ni isang sulat o tawag ay walang natanggap si Ara.
![](https://img.wattpad.com/cover/63078829-288-k657024.jpg)
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)