Repub (not edited)
Mayghad 2016 pa to at nakakalurki sa dami ng mali pero tinatamad akong magedit hahahaha
******-
KIM's POV
General champion na naman ang La Salle sa UAAP kaya eto, enjoy-enjoy rin sa mga rewards haha
Binigyan kami ng iphone 6+ at MacBook Air dahil champion kami tapos hakot awards pa. Best Setter ako (wala eh), Best blocker si Joy, Best Receiver at Digger si Dawn, Best Server si Mika tapos Finals MVP si Ara oh diba kami na.
"Okay athletes, may we have your attention please" pormal na sabi nung emcee.
"Coach Ramil and Coach Juno have an important announcement please be seated"
Mabilis namang nagtatakbo pabalik sa table namin sina Dawn, Mika at Ara. Magra-round three pa kasi sana sa buffet kala mo naman di pinapakain sa dorm!
Okay inaamin ko, minsan inaagawan ko sila pero may nakakain pa rin naman sila 'no.
"Oh dahil maganda ang pinakita nyo this season, syempre may all-expenses paid vacation" nakangiting paga-announce ni coach Juno.
Naghiyawan naman ang mga timawa.
At kabilang ako dun.
"Pero dahil marami kayo, iba-ibang destination. Bunutan 'to para walang inggitan. Team captains, punta kayo dito"
Mabilis pa sa ultra fast spike ni Ara ang pag-tayo ko. Ako pa nga ang nauna sa harap kahit na nasa bandang gitna yung table namin.
"Hayup ka Kim! Ang timawa mo" narinig kong sigaw ni Mika kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Nagtawanan naman ang iba pa naming co-athletes pero si Coach Ramil, tumaas ang kilay. Haha lagot ka damulag!
"Reyes, ang bibig" ma-otoridad na sabi nya.
"Graduate na ako, coach. Di na ako natatakot hahahaha di mo na ako pwedeng bigyan ng double training! I'm freeeee"
Mas lalong lumakas ang tawanan at kahit si Coach Ramil ay nagpipigil. May pagkasiraulo talaga.
"Oh dahil free ka naman na, yung bakasyon mo hindi free. Magbayad ka ah" pang-aasar ni Kots. Yung dimples eh lalong lumalim!
Biglang napatayo si Mika na ikinatawa na naman ng mga atleta, "'To naman si Coach, parang di mo ako nakasama ng limang taon. Nagbibiro lang ako alam mo namang lab na lab kita, ang ultimate bae ng La Salle, Ramil De Jesus! Woooh!"
Naghiyawan ang iba pa naming teammates, sa pangunguna ni Ate Cyd at Dawn.
"Hoy Macandili, hindi ka pa graduate! Triple training ka na"
Biglang nagbago ang mukha ni Dawn, "Woooh---pskiri tayo guys wag nyo pansinin yan ate Miks, bad influence yan eh"
"Nako Ramil 'yang mga bata mo kala mo hindi beast mode sa loob ng court, napakakukulit" amused na sabi ni Coach Juno.
Nasa tabi ko si Woo, team captain ng MVT. Pumasok sila sa final four pero hindi sa finals. Pero kung tutuusin, magandang simula yun dahil medyo matagal na rin silang di nakakapasok sa final four. Konti-kontiin lang. One step at a time.
"Idol, congrats! Sweet graduation ah" kung di lang ako maton nilandi ko na 'to. Napaka gwapo!
Jk.
"Hehe salamat. Kayo rin, ganda ng pinakita nyo ah. Never say die!"
Napakamot sya sa batok nya ka-cute! "Medyo kinulang naman nung huli"
"Ayos lang 'yan brad. One step at a time, at least alam nyo na na may ibubuga talaga kayo. Pag-igihan lang sa training, next season di mo na lang mapapansin nasa finals na kayo"
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)