Repub (not edited)
***
ARA@thomara8_18: CAN'T CONTROL MY FEELS. OXYGEN PLSSS #ThomAraIsSailing pic.twitter/gwy36278.com
Nanlaki ang mata ko sa unang tweet na nakita ko. It was a picture of me and Thomas nung paalis kami ng hospital. Nakaalalay ang isa nyang kamay sa lower back ko habang yung isa ay nakahawak sa pinto ng sasakyan nya. Nakatalikod ako sa camera pero sya ay medyo nakatagilid kaya kita yung mukha nya. Obvious na obvious na ako yun. Nakasuot ba naman ng Galang ng shirsey?
Tiningnan ko ulit ng mabuti yung tweet. How did it appear on my feed?
Kim Fajardo retweeted
"KIM!!!!!" nagmadali akong bumaba ng hagdan.
Walangyang Kim! Issue na naman to kapag nagkataon!
Sa kusina ko sya naabutan, naga-almusal.
"Hoy Kim Fajardo! Bakit mo to ni-retweet? Issue to, di mo ba alam?" Dinutdot ko sa mukha nya ang phone ko. At ang kapitan, walang pake. Dedma at patuloy lang sa pagkain.
"Bruh, picture lang yan. Ikaw lang gumagawa ng issue. Saka di naman yan edited ah! Wag kang OA" seryoso?! Ganun lang?
Magsasalita pa sana ako nung biglang may kumatok.
"Oh dahil may kasalanan ka naman sakin, ikaw na magbukas ng pinto" di naman na sya nakipagtalo.
Medyo natagalan si Kim kaya pinuntahan ko na sya.
"Kimmang bakit ang ta---gal mo" napanganga ako sa nakita ko. The Kim Fajardo, giggling.
Sino kausap nya?
Almond Vosotros.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. May hawak na bouquet of flowers si Kuya.
Wtf, nililigawan nya si Kim?
"Hi Ara! Kamusta na? Beast mode ka na ulit idol ah"
"Nako Kuya, nambola ka pa. Di pa nga balik sa dati yung laro ko eh. Pero teka, anong ginagawa mo dito? Dont tell me"
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil binara na agad ako ni Kim "Nako Victonara sinasabi ko sayo mababatukan talaga kita"
"Bakit ka defensive Ate Kim? Wala naman akong sinasabi ah"
"Huy, nandito pa ako. Wag muna kayo mag-away haha"
Sabay kaming napalingon kay Kuya Almond. "Hehe pasensya na ah. Baliw kasi tong si Kim eh"
Sasagot pa sana si Kim kaso may biglang dumating.
"Thomas, bro! Akala ko ba di ka makakapunta? Pinagmadali mo pa ako"
"I had a feeling kasi na di mo ibibigay yung pinabibigay ko eh. Look, you're still holding the flowers"
Napatingin naman si Kuya Almond sa hawak nya "ay oo nga no haha"
Inabot nya sakin yung bulaklak. Teka di to para kay Kim?
"That's from Thomas. Peace offering daw"
Tinanggap ko naman yun at nagpasalamat kay Thomas.
"Kumain na ba kayo ng breakfast? Sabay na kayo samin" aya ni Kim. She's unusually 'demure' today. Epekto ba to ni Kuya Almond?
Magre-react sana ako pero pinanlakihan na ako ng mata ni Kim. Sige, mamaya ka sakin.
Isa-isa na ring nagbabaan ang ibang teammates namin.
"Julia, pakisampal nga ako! Nananaginip pa ata ako. Magkasama si ate Ara at Kuya Thomas! Kababasa ko to ng fanfic eh"

YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)