Grocery

7.2K 174 85
                                    

Because ang wild ng team kagabi. Hahahahaha

*********
ARA'S POV

"Hoy Thomas! Samahan mo 'ko sa grocery ng may taga-buhat ako" sigaw ko mula sa sala.

"Yes boss. I'll change clothes lang, wait"

One year and four months. One year and four months na kaming kasal. Mahirap pero masaya. Maraming naging problema pero iba kasi si Thomas. Sobrang patient nya sakin, di tulad nung past relationships ko na konting away lang, break agad o kaya cool off.

Thomas Christopher Torres, para syang presong kumawala sa selda nya at hinostage ako. Joke. Para syang ah basta para syang savior ko na dumating sakto nung muntik na akong magpadala sa identity crisis ko noon.

Binuhay nya ang malandi kong hormones, pinasok nya ang kaloob sakin ni Bro at pinasasaya ako. Yung legit na saya, walang halong pressure.

"Okay na ako. Ihanda ko lang yung kotse, wait mo na lang ako sa may gate" hinalikan nya ako sa labi bago kinuha ang susi sa counter at lumabas.

Oo na. Kahit na lagi naman nya akong hinahalikan (oo shet mainggit kayo) kinililig pa rin ako. Iba eh. Iba ang labi ng isang Thomas Torres. Nakaka-adik.

Ni-lock ko ang mga pinto at bintana ng bahay namin. Sinigurado ko rin na wala ng nakasaksak dahil walang maiiwan.

Pagkasakay ko ng kotse, siya na ang nagsuot sakin ng seatbelt edi instant chansing naman ang pagong bwiset.

"Chansing ka na naman! Tigil-tigilan mo ko Torres" sinamaan ko sya ng tingin at ang bwiset, tumawa lang.

"Ars I've touched every part of your body. Even the most hidden, ngayon ka pa ba maiinis? Eh gustong-gusto mo pa nga pag hinahawakan kita eh" sumandaling tingin sya sakin at kumindat.

Edi ako na walang masabi! Di ko naman 'to pwedeng hampasin, baka maaksidente kami. Nanahimik na lang ako at sumandal sa bintana. Mtv hahaha

"Galit ka po?" Tanong ng asawa ko. Heh, manigas sya.

"Totoo naman na nahawakan ko na ang lahat ng parte ng katawan mo ah. In fact, I've kissed 80% of your body, eh halos araw-arawin ba naman natin" Hoy! Di naman araw-araw ah! Twice a week lang! Okay minsan thrice. Max na.

Hinampas ko sya ng napakalakas kaya medyo nag-swerve kami, buti na lang at walang ibang sasakyan kundi patay na.

"Bwisit ka talaga! Anong araw-araw?! Gago ka tigilan mo ko Torres ah, sa banyo ka matutulog mamaya"

Parang di naman nya sineryoso dahil tinawanan niya lang ako lalo. Siraulo talaga, pakidala nga sa Manda.

Nakarating kami sa grocery after 10 minutes. Usually, pinagbubuksan nya ako ng pinto pero dahil nag-iinarte ako ngayon, nauna na akong bumaba at pumasok sa grocery.

"Hey babe, I'm sorry wag ka na magalit" inakbayan ako ni Thomas pero nakatuon pa rin sa Lays ang atensyon ko.

Anong pinaka masarap? Barbecue, Classic o Sour cream and onion? O Nova na lang? Masyadong mahal ang Lays, maalat pa. Nova na lang para pasok sa budget.

"Victonara, talk to me na please" di ko pa rin sya pinansin at dumiretso sa cookies section. Gusto ko ng chips delight!

"Shet anong mas masarap? Eto o eto?" Tanong ko sa sarili ko habang kaharap ang dalawang flavor ng cookies.

Isa sa pinakamahirap na desisyon sa buhay ang mamili kung anong flavor ang mas masarap. Lalo na kung tight ang budget. Money san ka na?

"Ars"

Ang hirap mamili!

"Anong mas masarap?" Bale ang tagal ko na rito.

"Mas masarap ako dyan"

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now