Espasol Girl and the 7 Giants

3.3K 115 49
                                    

Repub (not edited)

******
A R A

"I AM SO DISAPPOINTED IN ALL OF YOU!" sigaw ni Coach Aldin.

"Kayo Ara at Kim, pinagkatiwalaan ko kayo. Malinaw ang usapan natin na uuwi kayo ng matiwasay. Anong nangyari?! Umuwi kayo nang puro kalmot at pasa!" dagdag sermon pa ni Coach Ramil.

Napatayo naman si Jeron, "Coach it wasn't our f--"

"I don't care kung kayo ang nagsimula o hindi! Nakipag-away pa rin kayo! And you even let the girls join the fight" madiin ang pagsasalita ni Coach A kaya lalo kaming natakot.

Napaaway kasi ang Archers kahapon at bilang mga inggitera kaming mga babae, nakisali na kami sa away. Imbis na happy Thursday ay naging rumble Thursday ang peg namin sa isang night club sa may Taft.

May isang grupo kasi ng kalalakihan na nambastos kay Mika at Kianna. Di naman na namin pinansin pero pati ako nadamay na, alukin ba naman ng one night stand? Edi galit na galit si Thomas at nasuntok pa yung lalaki. Naawat naman sana sila kaya lang humirit pa ang mga mukhang berdugo at si Dawn naman ang inalok. Ayun, all hell broke loose.

Kaya eto kami ngayon, puro pasa, kalmot, at putukan ang mga labi. Si Kim nga lang ang konti ang sugat, magaling pa lang makipagsapakan yun.

Iniwan kami ng mga coaches namin sa gym para mapagusapan nila ang parusa samin. Hindi naman nila kami pwedeng tanggalin sa team dahil lahat kami damay.

Lumapit si Thomas sa akin at niyakap ako, "I'm sorry I couldn't control myself last night," malambing na sabi niya.

"Di mo naman kasalanan 'no, naunahan mo lang akong suntukin yung manyak na 'yun," paniniguro ko.

"Yang kalandian niyo nagpapahamak satin eh," pang-aasar ni Jeron habang sinisipat ang pasa sa kaliwang pisngi.

Bumitaw si Thomas sa pagkakayakap, "wow nagsalita ang hindi malandi. Napigil na nga tayo, nanghahamon ka pa rin eh"

"Adrenaline, bro. But anyway, I hope they'd give us a light punishment," sabi ni Jeron.

"Asa naman. We're lucky na hindi na nakalabas yung gulo sa media kung hindi baka tanggal tayong lahat sa lineup. But still, sure ako na pahihirapan tayo nila coach," sagot ni Kib na halos maging violet na ang panga dahil sa mga pasa.

"Basta ako, I don't have any regrets. Parusahan na ako nila coach as long as Ara's safe, ayos na ako"

Edi kinilig naman ako sa speech ni Thomas. Hindi lang talaga ako makangiti ng maayos dahil may (medyo malalim na) kalmot sa gilid ng labi ko.

"Kalandian nga naman oh," pabugang sambit ni Prince.

Biglang sumingit si Thomas, "I prefer pag-ibig"

Di nagtagal at bumalik na rin sila Coach at kasama na ang mga assistant coaches namin. Lukot na lukot pa rin ang mga mukha nila kaya behave muna kami.

Para kaming mga batang paslit na naghahantay ng parusa. Tatawa na sana ako kay Kib dahil nanlalaki na ang butas ng ilong nya sa pagpipigil ng iyak kaya lang pinanlakihan ako ng mata ni Coach Ramil.

Eto na nga, behave na ako. Chill.

"We've already decided and be thankful na magaan lang ang ipagagawa namin sa inyo. What you did was enough to strip your rights to be on the team," sabi ni Coach A na halatang galit pa rin samin.

Napabuntong hininga naman ang nga kasama ko nang marinig ang salitang "magaan".

"There is a charity event and you will attend that. But before you get relaxed, kailangan niyong maghanda ng isang play for the children. The event program is finalized so is the play you will be doing, script na lang ang isesend sa inyo. We will give you the freedom to choose the actors but please mga anak, do not let us down. Pangalan ng La Salle ang nakataya dito," pag-eexplain ni Coach A.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now