Like I Am

2.1K 48 8
                                    

Repub (Not Edited)

KimMond

*********

KIM

"Iba ka talaga baks! Setter ka ba talaga? Baka may balak ka ng palitan ako, sabihin mo lang para naman makapag-ready ako sa sakit ng maagawan"

Kanina pa ako kinukulit ng mga teammates ko. Lalo na si Carol. Best player kasi ako.

Well, Kim Fajardo kaya to. Naaawa lang talaga ako sa kanila kaya medyo hinay-hinay lang sa pagpuntos. Baka i-convert ako ni coach Ramil. Pwede nga rin na ako na lang eh. Receive ko, set ko tapos spike ko ganon!

Joke!

Pero jokes are half meant.

Chos

Pero 'chos' is half... Okay corny na.

"Ay bakla talaga. Na POG lang, tulala na? Pers taym mo Kimmy? Jusko" isang malakas na hampas ang binigay ko kay Carol na maging hudyat ng paluan wars.

Kahit si Mika na hindi naman talaga kasali eh nakihampas na.

Psh. Gaya-gaya!

"Hep! Hep! Hep!" Para kaming sumali sa stop dance nung nagsalita si Ara.

"Di pwedeng di ako kasali dyan!" Sabay hampas ng sobrang lakas sa likod ko.

Feeling ko nawalan ako ng hangin dahil sa palo nya.

"Aba masakit yun ah!" Pinalo ko sya ng malakas sa balikat pero nakaiwas sya kaya ang iba ang natamaan ko.

Hulaan nyo kung sino.

Kung ang hula nyo ay si coach Ramil, inyo na ang jackpot!

"Fajardo, gusto mo bang mag-training ulit? Parang gusto mo pa eh, palo ka ng palo" Sabi ni coach habang nginangata ang babolgam nya.

"Ayaw po coach. Pinatay ko lang po yung bangaw. Alam mo naman na ayaw kitang nadudumihan kots baka magkasakit ka! Pano na lang kami diba, girls?" Tumingin ako sa mga teammates ko para humingi ng tulong pero ang mga walanghiya, tinitigan lang ako.

Nag-belat pa si Mika sakin! Hilain ko yang dila mo eh!

"Bangaw? Napatay mo ba?" Nang-aasar na sagot ni coach.

Lagot na.

"Unfortunately, hindi po. Biglang nag-laho yung bangaw! Coach naniniwala ka ba sa magic?"

Biglang may nambatok sa akin. Ay wow ha.

Dadambahin ko na sana kung sino man ang lapastangan na binatukan ako pero...

Si Sir Danding pala.

Okay, fall back! Abort mission!

"Ang war freak mo talaga Imi!"

*

Matagumpay ko namang nalampasan ang mga pagsubok kanina.

Wow deep.

Buti talaga di ako napagalitan ni Sir danding. Baka di na ako bigyan ng iPhone pag nagkataon. Malaki-laki pa naman ang kinikita ko kapag binebenta ko yung rewards namin.

Joke!

Pero jokes are half meant.

K. Paulit-ulit.

Pero half meant talaga. Binenta ko yung huling phone na binigay samin.

Hahaha. Seryoso.

Kanya-kanya kaming hilata sa mga higaan namin. Kinuha ko ang phone ko at earphones. Nag-shuffle ako ng playlist at pinagpatuloy ang pagbabasa ng wattpad story na ni-recommend sakin ni Julia.

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now