Balik ko lang din 'to hehehe
Super konti lang ang ThomAra dito. :)
*****
ARA
"Ayoko mag-LRT, masyadong siksikan ngayon. Mag-jeep na lang tayo" sabi ni Cess habang pinapaypayan ang kili-kili nya.
Kasalukuyan kaming nakikisilong sa isang tindahan dahil daig pa ng araw ang kasikatan namin. Mukha kaming mga mandirigmang basang-basa sa pawis pero dahil unfair ang buhay, si Yeye eh mukha pa ring fresh na fresh.
"Oh ano na? Jeep o LRT? Takte matutunaw na ako dito di pa rin kayo nagde-decide!" reklamo naman ni Kim na nakakatatlong bote na ng mineral water. Kumikitang kabuhayan 'tong tindahan dahil malapit na naming maubos ang mga inuming tinitinda nya.
"Weh Ate Kim, lagi ka ngang babad sa araw di ka naman natunaw. Immune na balat mo baks! Wala kang maloloko dito" sabi ni Carol.
Hinampas ng bote ni Kim si Carol, "Aba naman at nagawa pang mang-asar! Dali na, mamili na kayo ng mode of transportation natin"
"Uy, give credits naman sa pinagkuhanan mo ng mode of transportation! Plagiarism 'yan"
"Leche Carol! Isa pa, babangasan talaga kita" tinapik-tapik pa ni Kimmy yung braso nya. Nako Carol, matakot ka na.
Tinaas lang ng babaeng bakla ang kilay nya at nag-cross arms, "Yan na yung panakot mo? Jusme di ako masasaktan dyan! Puro taba. Ew"
Bago pa maging mapanakit si KAFtain eh sumingit na ako, "Tara na mag-jeep na lang tayo"
Nauna na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep at thankfully, nakasunod naman sila sa akin. Hindi naman naging mahirap na makasakay ng jeep dahil marami-rami talaga ang dumadaan dito na ang ruta ay papunta ng Taft.
Ako ang naunang sumakay at dun ako umupo sa may bandang harap.. Katabi ko si Cess at nasa harap namin si Yeye, Carol at Kim. Nakakatawa tingnan si Yeye dahil medyo mababa yung jeep, bale sakto lang sa height ko pero sya naka-ukot para magkasya.
"Minsan talaga hindi masaya maging matangkad eh" reklamo nya.
"May pakinabang naman yang height mo Achi Ye. Katulad na lang kapag may hindi kami maabot, ikaw pakukuhanin namin" sabi ni Cess na halatang nang-aasar. Kapag kasi sabay silang nagpupunta sa library ni Yeye, ginagawa nyang taga-kuha ng libro mula sa top shelf.
Bukod sa aming lima, may apat pa na sakay ang jeep. Yung isa nasa harap, yung isa tulog at yung dalawa ay medyo nasa bracket ng oldies kaya medyo pigil-pigil din ng tawa at baka makabulabog.
"Oh bayad ko" inabot ko kay Kim ang otso pesos na bayad ko sa jeep. Estudyante discount! Inabot na rin nila Ye, Carol at Cess ang bayad nila kay Kim.
"Salamat ha, ginawa niyo pa akong taga-bayad"
Dahil buong fifty pesos ang pera ni Cess, yun ang pinambayad ni Kim para masuklian.
"Saan 'yung fifty?" tanong ni kuya driver.
"Kuya, kakaabot ko lang" sagot ni Kim.
Tiningnan ko ng masama si Kim dahil umiiral na naman ang topak nya.
"Saan nga?" tanong ulit nung driver. Nakatingin lang ako kay Kim dahil alam kong kalokohan na naman ang isasagot nito.
"Kuya bakit sakin mo tinatanong?!" medyo malakas na tanong ni Kim.
Si Cess at Carol, nagpipigil na ng tawa habang si Yeye naman ay nagtakip na ng mukha dahil for sure kapag nakita nya ang reaksyon ng driver, hahagalpak talaga yan.
YOU ARE READING
ThomAra One Shots
FanfictionA compilation of thomara one shots. Based on pure imagination :)