Kantahin Mo Beybe

6.7K 215 87
                                    

Lumulutang sa sabaw. K.

******

ARA

"Ayoko!" Mariin kong pagtututol sa sina-suggest nila Yeye.

No! Hindi ako papayag. Magkakasakitan muna kami bago ako pumayag.

"Vic naman! Wala na talagang ibang pwede kundi ikaw" sabi ni Yeye na mukhang naiinis na. Pwes kung sya nga eh naiinis, ano pa ako?

"Bakit hindi si Kim? Eh sya naman ang close dun!" Bakit ako? Eh may ka-bad blood ako dun. Very wrong.

"Captain sya so kailangan sya dito" rason na naman ni Yeye.

"Bakit hindi ikaw?!"

"Shunga! Edi nasabunatan ako ng nanay ko" ay wow what a very good reason.

"Tapos ako hindi?! Baka nga itakwil ako ng pamilya ko!"

Nagngitian ang mga kapwa ko seniors at parang may naiisip na hindi maganda.

"Akshwali Vic, baka maging proud pa sa'yo sila Tita" lahat naman sila nag-agree! Pati yung mga rookies.

"No! Hindi pa rin ako payag. Si Carol na lang!"

"Gaga, edi na-soplak ako ng Kuya ko" ay oo nga. The last time na may ginawang kalokohan si Carol, sumugod ang mga kapatid nya dito sa dorm. Sabihin na lang natin hindi kaaya-ayang experience yun. #NeverAgain.

"Si Achi Cyd!"

"Nope. Hindi ako papayag" sinamaan ko ng tingin si Kim.

"Wow naman brad, pag si Achi ayaw mo tapos pag ako kulang na lang kaladkarin mo ako papunta don! Nauna naman akong maging pakner mo sa beach volley ah!"

"Tumigil ka nga Vic. As your captain, shet english yun, inuutusan kita na magsakripisyo para sa team"

Ayan na! Ginamitan na ako ng captain voice.

"Kiiim wag kasi ako please"

"Ano bang dahilan mo?"

Vic mag-isip ka ng magandang dahilan! Pakshet binibilangan na nila ako. Isip Vic! Isip

"Zero! E-engkkk. Final na, ikaw na Vic ang lilipat dun"

Hinila nila Des at Kianna ang dalawang maleta ko. Ah wow, talagang pinaghandaan nila ang pansamantalang paglipat ko.

"Di naman obvious na ako talaga ang gusto niyong palayasin no? Handang handa mga maleta ko ah!"

"Ganun talaga, Vic. Tara hatid ka na namin"

**

"Kim sa dorm na lang kasi ako. Kahit sa sahig na ako matulog sige na please!"

"Tapos ako mapapagalitan nila coach? At Vic, yung mga rookies nga pumayag! Ikaw pa na senior?"

Sabi ko nga eh, no complaints.

Pero kasi sa lahat naman ng pwedeng paglipatan, bakit dito pa?! Willing akong makipagpalit sa kahit na sino wag lang talaga dito.

Nandito kami sa tapat ng dorm ng green archers. At oo, dito ako lilipat.

Under beri beri maynor renovation kasi ang dorm namin kaya naglilipatan kami. 2 weeks lang naman pero diba? Ang tagal nun.

Yung iba naming teammates, lumipat sa ibang dorms ng athletes ng La Salle. Lahat yun mga babae, ako lang ang mapupunta sa dorm ng mga lalaki!

Sila Kim, Achi Cyd, Carol at Ate Moks lang ang matitira sa dorm. Isang room lang kasi ang pwedeng tulugan at apat lang ang kama. Willing na nga akong matulog sa sahig eh!

ThomAra One ShotsWhere stories live. Discover now